Chapter 40

4.5K 73 0
                                    

A/N: Ilang chapters nalang matatapos na 'to. So, please.. Support na dis, mga bes! Hihihihi! Vote and Comment! I lov---

"DRIANA!" tawag ni Sean kay Driana na ngayon ay abala sa pagbabasa ng magazine sa sala nila. Tumayo ito at sinalubong sya.

"Driana.." tawag nya dito. Galit na galit sya sa pagsisinungaling nito sakanya.

"Honey.. Why?" takang tanong nito.

"I know everything!" sigaw nya saka dinuro si Driana. "You bitch! Bakit ka nagsinungaling?! Bakit mo sinabi na anak natin si Caspier?"

Napatanga ito sakanya. "I-I don't know what you're talking about."

"For fuck's sake! Stop lying, Driana! Sabihin mo sakin ang lahat!" galit na sigaw nya. "What happened seven years ago?"

"Totoo ba na pinakasalan kita? Totoo ba na papatayin ko talaga si Rits? What's true and what's not? Naguguluhan na ko, Driana! Damn! Tell me!" asik nya. Humawak sa magkabilang braso nya si Driana.

"I love you, Sean! I love you, nagsinungaling ako kasi mahal na mahal kita! I love you, Sean! Please! Forgive me, honey. I love you." paakaawa nito. Umiling iling si Sean saka umatras.

"And who is Rits?" umigting ang panga ni Sean. "Si Lorie ba at Rits.. ay iisa?"

Namutla s'ya.

"N-No.."

"Tell me, Driana. I'm fucking confused! May bumabalik na sa mga ala ala ko! At nakikita kong si Lorie ang mga nandon."

"N-No! Hinding hindi mo na mamahalin ulit ang babaeng 'yon! Ako lang ang dapat para sayo! Ako lang!" sigaw nito saka tumakbo paalis.

Napaupo si Sean sa sofa saka sinapo ang kanyang mukha. "Lorie.. Rits.."


"Honey.." humabol si Driana kay Sean.

"Driana! Let's stop this! Hindi mo ko kakampi!"

Napadilat si Sean saka nagmamadaling sumakay sa kanyang mamahaling kotse.

Magpupunta sya kay Lorie.

---

"LORETTA.." napabaling ako ng tingin sa babaeng tumawag saakin.

"Rits.." si Driana. Ano namang ginagawa nya dito sa kwarto ko?

Kumunot ang aking noo. Paanong nakapasok dito yang malanding 'yan ng hindi ko nalalaman?

"Bat ka nanditong tangina mo ka?" takang tanong ko.

Lumapit sya sakin at hinawakan ang dalawang kamay ko. Medyo napaatras pa ko pero hinayaan ko syang hawakan ang mga kamay ko.

"Rits.. Bati na tayo." sabi nito. Tumaas ang kaliwa kong kilay. Ano namang nakain ng bwisit na to at nakikipagbati?

Bumitiw sya sa pagkakahawak sa kamay ko. "Walang kapatawaran ang mga ginawa ko sayo.." nakatingin sya ng diretso sakin. Bigla syang yumakap.

"Ha?"

"Sorry.." sabi nito.

Gumanti ako ng yakap. Wala namang masama kung makikipagbati hindi ba? Pwede naming kalimutan ang mga kalandiang ginawa nya.

"Sorry not sorry." usal mula nito. Kakawala na sana ko sa pagkakayakap sakanya nang maramdaman ko ang kirot na parang tinurukan ang aking batok.

"Bitch, hindi mo na makukuha si Sean sakin." rinig kong sabi nito bago ako mawalan ng malay.

---

"YES, FRANTHERSON?" umupo sya sa upuang katapat ng kinauupuan ng CEO ng Frantherson Company.

"All I want to you to do, is to protect my daughter from Hergazon family." sabi ng matanda.

Napamaang si Sean. "Sir--"

"As a father, Please, Protect her. I'm begging, Mr. Reinhart. I trust you. Gawin mo ang lahat para maprotektahan sya." madamdaming sabi ni Mr. Frantherson.

Humingang malalim si Sean saka pumikit. Inisip nya ang mukhang maganda ng anak ni Mr. Frantherson.

"Why me? Bakit hindi nalang po ang iba?"

"Because I'm sure that you will protect my daughter no matter what." nakangiting sabi nito. "I trust you, young man.. You love her."

Napangiti si Sean. "I really do, Sir. Kapag ba ginawa ko syang protektahan hanggang huli, papayagan mo kong pakasalan sya?"

"Yes, Sean. It's a yes." sabi nito habang tumatango tango.

"Hindi po kayo nagkamali. Okay.. From now on, She's mine. And no matter what happen, I will stay with her. Poprotektahan ko sya sa mga taong gustong pumatay sakanya."

Muling bumalik ang nangyari noon sa isipan ni Sean.

Namilog ang kanyang mata. "Mr. Frantherson.. her Dad.." napaawang ang kanyang mga labi. "Kakampi nya ko. Hindi totoong papatayin ko si Rits.. Poprotektahan ko sya.. But what happened?"

Gulong gulo sya sa mga bumabalik na ala ala. Bakit naman kasi laktaw laktaw ang mga ito. Hindi tuloy nya magets.

Hinampas nya ang manibela. Nasa traffic parin sya hanggang ngayon. Pilit nyang inalala ang mga nanyari noon.

---

NANG makarating si Sean sa bahay nina Lorie ay napatanga sya.

Nagkalat ang maraming pulis at may mga taong humahalughog sa bahay nito. "What the fuck?"

Bumaba sya saka dali daling nanakbo papunta sa loob ng bahay. Hinarang sya agad ng isang pulis.

"Sir, bawal ho pumasok."

"Asawa ko 'yong nakatira dito! Nasaan sya?!" asik ni Sean.

"Si Ma'am Loretta po ba? Nawawala ho sya, Ser. Kararating lang rin namin dito. May pumasok daw na isang babae at puro armadong mga lalaking naka uniporme dito. Nakita sa CCTV." paliwanag nito.

Napasabunot sya sa kanyang buhok. Ilang beses yang nagmura. "Where's her kids?" tanong agad ni Sean nang maalala ang mga anak nito.

"Nasa police station po ang dalawang bata kasama ni Atty. Drius Ford Del Froste. Ayon sakanya, pagbalik nila galing sa mall ay nadatnan nilang nawawala si Ma'am Loretta. Pina-check nila 'yung CCTV at nakita nga na buhay sya ng isa sa mga nakauniporme na lalaki."

Iniyukom nya ang kanyang kamao. Si Driana. Ito lamang ang nasa isip nya. Ito lang ang may motibo na dakipin si Lorie.

Agad syang lumayo at tinawagan si Driana. Ilang rings muna bago ito sumagot.

"Hi, Honey!" bati nito.

"Where's Lorie?" bungad nya. Humalakhak ito na parang nawawala na sa sarili.

"Sya nanaman?! Well, andito sya, Sean. Natutulog at nakatali sa upuan."

Nagtagis ang kanyang ngipin. "Wag na wag mo syang sasaktan!"

"Chill. Wala pa naman akong ginagawa eh." tumawa itong muli. "Pumunta ka dito sa.." sinabi nito ang lokasyon. "At wag kang magdadala ng kahit sino. Kundi mamamatay ang babaeng ito."

"Wag mo syang sasaktan, Driana. Pakiusap. Ako nalang.." pagmamakaawa nya. Saglit na natigilan si Driana.

"I-I love you, Sean.. Sorry.. Pero saakin ka lang.." nanginginig ang boses nito at parang naiiyak. Sasagot pa lamang sya nang bigla na nitong patayin.

"Fuck!" mura nya saka nagpunta sa sinabi nitong lokasyon.

Nang makarating sya sa simabing lugar ay agad syang sumugod. Wala syang pakielam kahit mamatay sya. Bastat gusto nyang kunin si Lorie dito.

Naglalakad sya sa isang abandonadong gusali. Hindi nya alam kung saan pupunta o kung nandito ba talaga si Lorie.

"Sean!" may narinig syang boses ng lalaki. Para syang naitulos. Alam nyang nasa likuran nya iyon ngunit bahagyang malayo sakanya.

Bakit? Bakit sya nandito?

Biglang nagdilim ang paligid.

Helplessly Falling Deeply With A Stranger (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon