Chapter 9

6.7K 99 0
                                    


PINAKABORING na araw sa tanang buhay ko. Birthday ko ngayon pero nasa trabaho ako. Wala naman akong handa. Wala rin akong pera. Masyadong busy ngayon sa lugawan.

"Isa ngang coke." sabi ng lasinggero. Binigyan ko sya ng tubig.

"Salamat." pasalamat nito. Napairap nalang ako.

Ilang beses na ba kong bumuntong hininga? Ngayon iyon nanaman ang ginawa ko. Alas syete na ng gabi. Kailangan ko nang umuwi maya maya.

"Rits, Order ng pang 200 katao na lugaw. Magluto ka pa." tumango lang ako. Pumasok ako sa lutuan at sinimulang isalang ang lugaw.

Naghiwa ako ng luya at inilagay sa malaking kaldero. Ilang minuto lang ng paghalo ay natapos narin.

"Tetang?" tawag ni nanay edna sa katrabaho kong si tetang.

"Nasaan nanaman ang babaeng yon? Rits, nakita mo ba?" tanong nito.

"Umalis po ata kanina." sagot ko.

"Naku naman," umiling iling ito at iniabot saakin ang papel.

"Pakidaanan nga ito sa palengke. Anak ng teteng kasi yan si tetang! Pasensya ka na, Rits. Kailangan lang talagang kunin ngayon ito." utos nya. Ngumiti ako at tinanggap yung papel.

"Sige po ako nang bahala." tinanggal ko ang apron na nakasuot saakin.

"Ay oo nga pala!" nanlalaking mata na humarap saakin ito.

"De pugas! Oo nga pala! Kaarawan mo nga pala apo ko!" lumapit ito at hinagkan ang noo ko.

"Hapi bertdey, apo." Hinalik halikan nya ang noo ko.

"Thank you po."

"Oh eh anong handa mo nga pala? Hayaan mo at bibigyan kita ng limang daan pang handa mo." sabi pa nya. Agad akong umiling.

"Naku, wag na po. Okay lang." nahihiyang sabi ko.

"O, sya sige. Pakuha na nyan at magsasarado narin ako eh." dali dali akong umalis sa lugawan at nagtungo sa palengke.

"Magandang gabi po." pumasok ako sa shop. Sinalubong naman ako ng ginang.

"Anong kailangan mo?" tanong nito. Inabot ko sakanya ang papel.

"Pinapakuha po 'yan." tinignan nyang mabuti ang papel.

"Ay oo. Halika't kukunin ko lang."

Parang may mali. Naramdaman ko ang kaba nang sumunod ako sakanya. Dahil sa tingin nya para may mali.

"Halika." naglakad ako palapit sakanya.

"Ito yung box." sinilip ko ang box na sinasabi nya.

Humarap sya sakin at tinakpan ang ilong ko gamit ang panyo. Nagdilim ang paningin ko.

"I'm sorry, hija." sabi nito sabay ngiti. Tuluyan na nagdilim ang aking paningin. At nawalan ako ng malay.

--

NAGISING ako sa isang sasakyan at may tumatapik saaking pisngi.

"Gising na." sabi n'ya. Ito yung ginang kanina.

"N-Nasan po ako?" nanlaki ang mata ko sa aking suot bakit ganito?!

"Bakit po ganito ang suot ko?!" kahit kinakabahan ako ay nagawa ko paring magsalita.

"Hindi kita sasaktan. Sumunod ka nalang." hinila ako nito palabas sa sasakyan. Mataas na hagdan ang nilakad namin.

"Saan po tayo pupunta?" kinakabahang tanong ko. Tinignan nya lang ako at hindi sumagot.

Helplessly Falling Deeply With A Stranger (R18)Where stories live. Discover now