Chapter 14

5.2K 89 5
                                    

"RITS, pwede ka pang umatras. Sabihin mo lang." sabi ni Abi.

Bumuntong hininga nalang ako. At umiling. "Kaya ko 'to."

"Ang kailangan mo lang na gawin ay makipag usap. Bibigyan ka ng pera non. Basta mag usap lang kayo ng mag usap. Kapag inaya ka nyang ilabas ka, huwag kang papayag. Huwag karing magpapahawak o magpapahalik. Maduduming lalaki ang mga 'yon." wika nito.

Si Abi. Inaaway nya ko palagi noong magkatrabaho pa kami sa mini store. Pero kahit maarte at ganyan sya. Mabait yan.

"Oo. Handa na ko."

Sumalubong saamin ang malakas na tugtog. Pinagtitinginan ako ng mga tao. May mga lalaking sumisipol.

"Hi, Sexy.." sambit ng lalaking mukang koreano.

"Hi." nahihiyang tugon ko.

Naglakad kami papunta sa boss ni Abi.

"Wow, ang ganda naman ng kasama mo." puri ng babaeng may katandaan na.

"Boss Lea, pang table lang sya. Hindi pang labas, okay? Kaibigan ko ang isang 'to." sabi nito.

Napangiti ako. Kaibigan pala ang tuwing saakin ni Abi.

"Ay sayang. Malaking halaga ang makukuha mo kung papayag kang ikama ng costumer." napaatras ako ngunit hinawakan ni Abi ang braso ko.

"Hindi sya pwede don, Boss." sabi nito.

Nakasuot ako ng fitted na tube na dress. Kulay pula ito. Naka-make up rin ako. Minake upan ako ni Abi sa bahay nya saka pinasuot saakin ito. Litaw na litaw ang kurba ng aking katawan.

"Tandaan mo ha. Wag kang sasama sa hindi ko kilala. Wag ka ring papauto. Utuin mo lang pero wag kang magpapagalaw." sabi ni Abi.

Tumango lang ako saka naupo sa table ng mga lalaking may kasamang babae. Ang isa sa kanila ay wala pang kasama.

Parang pamilyar. Parang nakita ko na ang lalaking 'to. Ngumiti sya sakin saka pinaupo ako sa tabi nya.

"Hey, it's me Jared." sambit nito.

Ah naalala ko na! Sya yung nasa waiting shed.

"Ah, Hi." bati ko.

"Want some?" tanong nya. Umiling lang ako sa inalok nyang alak.

"Ayoko." naiilang na sabi ko.

Naramdaman kong humawak ang kamay nya sa bewang ko.

"Pwede ba kitang ilabas?" tanong nya.

Medyo lumayo ako dahil papalapit ng papalapit ang katawan nya saakin.

"You're so beautiful." puri nito.

"I'm sorry pero hindi ako kaladkaring babae." matigas na wika ko.

"I'll give you a half million. Just to have you." sabi nito.

Nanlaki ang mata ko. Kung tatanggapin ko makakakuha ko ng kalahating milyon. Sapat iyon para sa pampaopera ni Sean. Kaya kong gawin lahat para sakanya.

"S-Sigurado ka?" tanong ko.

Tumango sya. "Yes, babe. Ano? Tinatanggap mo ba?" tanong nya.

Napalunok ako. Saka inalala ang muka ng pinakamamahal kong tao sa mundo. Si Sean.. Handa akong gawin para sa ikabubuti nya. Napapikit ako. Para sayo, Sean. Kalilimutan ko ang sarili ko para sayo.

"Oo." sabi ko.

"Drink this." inabot nya sakin ang baso na may alak.

Ininom ko 'yon. Nakahawak lang sya sa bewang ko. Ilang minuot ang lumipas. Tumayo kaming dalawa.

Helplessly Falling Deeply With A Stranger (R18)Where stories live. Discover now