Chapter 6

7.7K 136 4
                                    


⚠️Babala: Sa mga kids dyan, wag nyo nang ituloy kung ayaw nyong makabasa ng nakakagagong bed scene nyahahahaha! Tulog nalang kayo. Okay lang kahit wag nyong basahin, kung di kayo komportable. Okay lang kung--

"SINO s'ya, Loretta?" tanong ni nanay edna.

"A-Ah.. Eh.." seryosong nakatingin si nanay edna sakin. Naku po!

"Ahm.. N-nobyo ko po." Sorry, Nanay edna. Hindi mo kasi maiintindihan kapag sinabi kong kinupkop ko lang sya.

"Kailan pa?" tanong nito.

"Ahh.. N-Nung nakaraang araw ko lang po sya sinagot."

"Ikaw bata ka. Ipinagbilin ka sakin ng bff kong si Lorettalyn. Simula nang mawala ang bespren ko, ako na ang naging pangalawang lola mo. Kaya sana intindihin mo ko kung masyado akong nag aalala sayo." ngumiti ito.

"Masasabi ko lang ay sana huwag kang masyadong bibigay kasi baka masaktan ka lang sa huli. Kukurutin kita sa pempem kapag gumawa ka ng kalokohan. O, sya. Bibigyan kita ng dalawang daan." sabi nito. Gumuhit ang pagtataka sa aking muka.

"Bakit po? Eh diba kaka bigay nyo lang ng sweldo ko?" nakakapagtaka naman. Bat sya magbibigay ng 200?

"Halika nga rito." hinablot nya yung buhok ko saka bumulong. "Bumili ka ng condom." inipit nya sa kamay ko ang dalawang daan.

Napanganga ko. Seryoso?!?

"Nanay Edna!" saway ko. Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya.

"Ikaw naman. Sa gwapo ng nobyo mo wala pang nangyayari sainyo? Wag ka nang mahiya!" kinurot nya ko sa tagiliran.

"Nay Edna, isusumbong kita kay lola." natatawang sabi ko.

"Hay nako. Isa ring malantod iyong lola mo! Kapag nakita nya kung gano kagwapo ang nobyo mo baka yon pa ang bumili ng condom para sainyo." napangiwi sya sa sinabi. Alam na alam kong gagawin din yon ng lola. Bigla ko tuloy itong namiss.

"Basta bili ka. Yung may flavor ah." napasintido nalang ako.

---

"SI NANAY EDNA yung bestfriend ni Lola ko. Matalik silang magkaibigan. Alam mo ba ngawa ng ngawa si Nanay edna noong namatay si lola. Tas napaka-abno non. Noong ibinabaon na sa hukay si lola bigla ba namang tumalon papunta sa kabaong tas umiiyak gusto nya daw sumama sa bff nya. Nakakain pa yata sya ng lupa non eh. Pero ilang linggo na naging matamlay si nanay edna non. Nagkasakit sya tas nung binisita ko sya umiyak sya sa harap ko. Sabi nya "miss ko na yung lantod mong lola" parehas kaming naiyak non." kwento ko kay Sean.

"Mahal na mahal nila yung isa't isa." napangiti si Sean.

"Oo. Kaya naman mahal na mahal ko rin si Nay Edna."

"Dadating yung araw talaga.. Na maghihiwalay rin kayo. Yung kailangan mong i-let go yung taong mahal mo." napahinto ako sa sinabi nya.

"A-ah.. Bilisan mo na. Baka mamaya may sumusunod saatin na rapist." tumawa lang sya saka inunahan akong maglakad.

"May pag-asa ka pa bang makakita?" kapag kuwan ay natanong ko habang naglalakad parin kami.

"I hope so." sagot nito.

"Hindi ka ba nalulungkot na wala kang nakikita? Na wala kang nasisilayan na magagandang ginawa ng dyos? Hindi makulay ang mundo mo. Puro darkness lang." napahinto sya at lumingon sakin.

"Sanay naman ako." sabi nito. Inakbayan nya ko.

"Let's go?" sabi nya. Mabilis parin ang pintig ng puso ko.

---

KUMAKAIN kami ng sisig at lugaw. Pinambili ko ng sisig yung 200 pesos ni nanay edna. Tsk. Napakaloka loka talaga non.

Helplessly Falling Deeply With A Stranger (R18)Where stories live. Discover now