Chapter 24

4.6K 82 2
                                    

NANININGKIT parin ang aking mga mata. Dahil kanina pa ko naiirita sa dalawang.

Panay kasi ang paglapit ni Althea kay Sean. Mayroon pang biglang susulpot si Althea at pupunasan ang pawisang noo ni Sean. O kaya naman ay biglang magbibigay ng tubig at paiinumin si Sean.

Etong bwisit naman! Tanggap lang ng tanggap! Napakalandi! Ang landi-landi! Gustong gusto nya naman.

"Sean oh! Gusto mo ng halo-halo?" tanong nito saka medyo tumingin ang eyeballs sa gawi ko.

Nakakainis lang kasi parang natutuwa syang pinagseselos ako.

Wait.. What? Ako? Magseselos? Psh. Fuck buddy ko lang 'yan noh! Bat naman ako magseselos?!

Yung mata nya nakatingin kay Sean pero parang tinatanaw ng mata nya ko sa peripheral vision nya! Hmp!

Putang inang 'to ah! Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang pang gigigil ko! Gusto kong sabunutan ang bwisit!

"Ah. Sige wag na. Busog pa ko." tanggi ni Sean.

Humalakhak ako. Napatingin naman sya sa gawi ko. Namumula sya. Naningkit ang kanyang mata saka nagwalk out. Pumalakpak pa ko sa sobrang tuwa dahil napahiya si gaga.

Napatingin ako kay Sean. Ngayon ko lang napansin na pawis na pawis sya parang nakipag-sex saakin. Hihihihi. Nakasando sya ng kulay itim at maong na pang ibaba. Kitang kita ang katawan nyang perpektong hinubog.

Binuhat nya ang isang sakong bigas. Nakikita ko ang tumutulong pawis nya. Halatang nahihirapan sya.

Parang sya lang ang nakikita ko sa paligid at parang nag-slow motion ang lahat.

Yung mga paggalaw nya. Kasabay ng mabagal na paligid ang mabilis na pagpintig ng puso ko.

Si Sean.. Bakit sya mag tiis na maging ganito? Bakit hindi sya maghanap ng ibang trabaho? Iyan nga at nahihirapan sya.

Sabihin na nating bulag sya. May kapansanan sya. Bakit nagtatrabaho pa sya?

Nabalik ako sa reyalidad nang makita ko si Althea na bihis na bihis. Nakamanipis na sando sya saka maiksing short. Nagmake up pa ang loka. Kanina lang naka t-shirt sya at jersey.

Napatingin ako sa suot ko. Nakamalaking damit ako at gagahitang short.

Tingin nya siguro mahihigitan nya ko. Humalakhak nalang ako nang tignan ang muka nyang nakangisi.

Lumapit sya kay Sean at kumapit sa braso. "Pawis ka nanaman." nakangusong sabi nito.

Umigting ang aking panga. Napakalandi!

Pinunas punasan nya ang braso ni Sean. Hah! Ang kapal ng muka!

Kaya naman ako biglang tumayo at nagtungo sakanila. Nakita ko ang ngisi sa kanyang labi. Itinulak ko ang malandi saka hinila si Sean.

"Lorie--"

Bigla kong hinigit ang kanyang batok saka siniil sya ng halik. Kinailangan ko pang tumingkad para maabot sya.

Lahat ng tao ay napahinto at nakatingin sa show namin. Wala akong pakielam. Ang gusto ko lang ay asarin ang babaeng hitad na 'to. Napupuno na ko sakanya.

Sinipsip ko ang kanyang ibabang labi saka ipinasok ang aking dila sa loob ng kanyang bibig.

Bumitaw lang ako nang hindi na ko makahinga. Tumingin ako sa malanding si Althea. Gulat na gulat sya at nakanganga pa.

Ngumisi ako sakanya at umupong muli sa pwesto ko kanina.

Narinig ko ang sigawan ng mga tao. Kinakantyawan nila si Sean.

Helplessly Falling Deeply With A Stranger (R18)Where stories live. Discover now