PROLOGUE

192K 4.7K 925
                                    

♡♡♡

Axiesse's POV

----------

Umaga pa lang ay bihis na ako papunta sa school. Naaaliw akong tingnan ang sarili ko sa salamin habang suot-suot na ang uniform ko na kakatahi pa lang. Skirt na stripe red and black, white long socks and white long sleeves. Long red and black ang aking necktie tsaka dark blue na coat.

Gets mo?

Actually, kakauwi ko lang ngayon dito sa Pilipinas. Galing ako sa ibang bansa dahil may inasikaso ako doon with all by myself.

Bumaba na ako papunta sa maliit na kitchen dito sa aking apartment. I am living here alone for almost 2 years.

Syempre, kumain muna ako at baka gutumin ako mamaya. Hindi kasi ako sanay na hindi makakain. Tamang-tama naman pagkatapos kong kumain ay nag vibrate ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha at sinagot ang tawag ng kaibigan kong si Sasha.

"Hello?" Bati ko.

"Good morning, Axiesse! Asan ka na ba? Kanina pa kami dito naghihintay sa labas ng school! Na late na nga tayo ng dalawang linggo sa klase tapos ngayong first day natin malalate ka rin?! Bilisan mo na! Namiss ka namin! Marami kang ikekuwento sa'min! Bye! Mwah mwah chup chup!"

Bahagya pa akong natawa dahil sa kaingayan niya. "Bye-"

Binabaaan agad ako! Hindi pa nga ako tapos eh!

Inayos ko ang mga gamit ko at lumabas na ng apartment para pumara ng taxi. Pagkarating ko sa harap ng eskuwelahan ay kitang-kita ko kaagad ang pangalan ng paaralang papasukan namin.

Sky Hexton International School

Napangisi ako at bumaba na ng taxi. Huminga ako ng malalim at tumingala sa matayog na eskuwelahan.

Sky Hexton, here I come.

"Axiesse!" Napalingon ako sa likod ko ng marinig ang aking pangalan.

Saktong pagkalingon ko ay biglang yumakap sa'kin ang tatlo kong kaibigan. Aww. Nakakamiss sila!

"Welcome back! Yieee!" Matamis na bati ng kaibigan kong si Naeyumie.

"Nakakamiss kayo, ah?" Sabi ko sa kanila.

"Ikaw rin! Namiss ka rin namin! Kumusta?" Masiglang wika ni Sasha habang hindi maalis sa kaniya ang napaka lapad na ngiti. Parang mapupunit na nga ang bibig niya eh.

"Ayos naman..."

"Anong nangyari?" Tanong naman sa'kin ng tahimik naming kaibigan na si Zell.

"Successfully completed... Always Accomplished," mayabang na sagot ko sa kaniya.

"For 2 months?!" Hindi makapaniwalang tanong naman ni Sasha. Umiling ako.

"1 month lang..."

"Woah! Pero bakit two months kang nasa US?!"

"Syempre, nag bakasyon pa ako. Haha!"

"Ay ang daya!" Nakangusong sambit ni Yumie. "Where's pasalubong?"

"Oo nga! Ang daya mo! Psh! Bakit hindi mo kami inaya!?" Halos mapapikit ako sa lakas ng boses ni Sasha. Sobrang ingay niya talaga kahit kailan pero alam kong namiss ko rin ang boses niya.

"Tara na nga. Hoy, Sasha ang bunganga mo ha, pakibantay," suway ni Zell sa kaniya.

"Bakit!?"

"Napakaingay eh," seryosong tugon ni Zell at nauna nang lumakad papasok ng campus.

Protecting the Campus Royalties (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon