Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng campus ay bahagyang nalaglag ang panga ko dahil sa ganda at linis ng paligid. Ngayon ko lang talaga natagalan ng tingin. Marami na ring nagdadatingang estudyante sakay ng kanilang magagarang sasakyan.

Ang ibang estudyante naman ay nakatingin sa'min. Hindi ko alam pero kakaiba o masama talaga ang mga tingin nila na para bang nadidiri pero ang iba naman ay nagtataka.

Syempre, ang ibang estudyante ay nagtataka kung sino-sino kami. Pero syempre rin, hindi nila puwedeng malaman kung sino talaga kami. Mga baguhang estudyante kami rito kaya ganyan siguro sila makatingin. 'Yong iba pang estudyante naman ay walang pakialam. Gano'n lang dapat.

Malaki ang building ng school. Para siyang mall pagkapasok namin. Glass walls, white tiles, high ceiling, at sobrang linis. Maliwanag din ang paligid.

Everything seems so expensive and new. Wala akong makitang dumi o luma. The faces of the students... mukhang mayayaman at mga bigatin. Totoo naman.

Umakyat kami sa hagdan. Pagtapak namin sa ikalawang palapag ay nagpaalam muna ako sa tatlo kong kaibigan para pumunta muna ng CR. Pagkarating ko roon ay inayos ko ang uniporme ko. Baka kasi may dumi. Dapat presentable akong tingnan dahil unang araw ito.

Inayos ko ang naka bun kong buhok. Inayos ko rin ang pagkakapwesto ng malaking bilog na salamin ko sa mata.

This is gonna be fun.

I'm sure they won't recognize me.

Saktong paglabas ko ng CR ay muntik ko nang mabanggaan ang apat na lalaki. Mabuti nalang ay nakahinto ako!

Kumunot ang noo ko.

Wait... Sino ba sila? Para kasing may special sa kanila... I don't know. All of them are so intimidating. Nagawa ko pang mapalunok. Kung normal na mga estudyante ang nakakasalubong ko, hindi ako makakaramdam ng ganitong kaba. But... there's something special with them.

Huminto talaga sila sa paglalakad nang makasalubong ko sila at muntik pang mabanggaan. It's either there's something really special with them or they're enemies. Perhaps a bad energy.

"Sorry, Miss..." Paumanhin ng isa. Mukha naman mabait. 'Yong isa naman ay may headset na naka pulupot sa leeg. 'Yong isa ay may salamin, kagaya ko. May salamin ako pero hindi ako nerd at walang sira ang mga mata ko. At 'yong isa, mukhang parating naghahanap ng gulo dahil sa nakakunot niyang noo at masama niyang tingin.

Napatingin ako sa lalaking may headset sa leeg. His eyes are on me. Blanko. Walang ekspresyon. Madidilim ang kaniyang mga mata at... nakakatakot. I don't know why I feel scared when I shouldn't be. Wala akong kinakatakutan.

They are all tall. All of them are good-looking. Agad na umatake sa aking ilong ang kanilang mga bango. Gad! At sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng mga ganito kaguwapo. Double H. Hot and handsome!

But I don't care. I'm not interested anyway.

"Okay..." sambit ko sabay tango nalang.

Aalis na sana ako nang biglang nagsalita ang isa. 'Yong may headset. He's looking at me boredly.

"New student?" Walang ganang tanong niya.

Napalunok ako. He's very intimidating. Hindi ko alam pero feeling ko siya ang leader nila o ano. May mga pin kasi ang mga coat nila at nag-iiba 'yong sa kaniya.

Gwapo pa!

Tssh.. Gwapo, Axiesse, huh? Gwapo?!

"Oo..." Sagot ko sabay tango.

Aalis na sana ako nang maunahan niya akong umalis. Napapikit ako ng mariin nang banggain ako no'ng lalaking may headset na siya ring nagtanong sa'kin kanina. Ang attitude naman?

Hindi man lang siya nag sorry? Mabuti pa yung isa ay nagsorry sa 'kin!

Napatingin tingin ako sa paligid at nakita kong panay ang bulong ng mga estudyante sa kasama nila habang nakatingin doon sa mga lalaking kaaalis pa lang.

"Yieee! Ang gwapo gwapo niya talaga noh?"

"Bagay na bagay talaga sa kanila 'yong kanilang uniform!"

"Oo! At ang cute pa!"

"O.M.G! nakaka in love talaga!"

"Kyaaaa! Super gwapo nila!"

"I can die now."

"Omegesh!"

"Swerte nalang siguro kung may pansinin sila!"

Nagtataka akong napatingin sa kanila nang marinig ang kanilang tilian at bulungan. Tama nga sila, gwapo nga pero hindi naman marunong mag sorry no'ng isa. Pero... aanhin ko naman ang gwapo kung hindi naman ako interesado?

At... bakit ba iba 'yong uniform nila kaysa sa mga estudyanteng lalaki na nakita namin kanina. Mas magara 'yong sa kanila. Mukha ring mas mahal. Parang mas espesyal talaga ang pagkakagawa sa kanila at naiiba.

May pin at ang shape ay crown.

Sino ba ang mga 'yon?

Protecting the Campus Royalties (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon