The Story Behind THE STORY.

Start from the beginning
                                    

Hindi man maintindihan ng ibang tao kung bakit ko gustong magsulat dito...

Tawagin man ng kuya ko na cheap yung mga sulat ko...  

Hindi man sila sang-ayon sa pagtambay ko dito...

Magka-writer's block man ako...

Dumating man sa punto na gusto ko ng itigil to...

Wala pang isang taon, eh natapos ko kung ano man ang sinumulan ko.

At wala pa mang isang taon mula nang maging miyembro ako ng Wattpad, nandito ako ngayon ... at nagsusulat para MAGPASALAMAT.

SALAMAT kasi kahit hindi naman talaga katanggap tanggap ang paraan ko ng pagsusulat sa totoong mundo... nagustuhan mo pa din ito.

SALAMAT kasi kahit hindi perpekto ang kwentong ito... yet... pinaabot niyo ng lagpas 100,000 basa ang istoryang ito.

SALAMAT kasi kahit ang dami mo dapat gawin, naisipan mo pa ding mag-log-in sa wattpad at basahin ang story ko. o idownload ang story na to sa cellphone mo.

Siguro iniisip mo ang drama kong writer. HINDI NO!

maganda ako. hindi ako madrama.

hahaha.

Pero siguro sa nabasa mo... sa kung sino ako bago ako maging si swirlybitch... siguro maiintidihan mo kung bakit sobrang saya ko at napagtiyagaan mong basahin ang 52 chapters ng librong ito...

Habang pauwi ako kanina galing school. Iniisip ko kung paano ko ikaw masusuklian...

Tapos naisip ko...

Sa paraang kaya ko... sa paraang alam ko... at sa parehong paraan na nakatulong sa'kin upang muling umandar ang roller coaster ng buhay ko... sa pagsulat.

MARAMING SALAMAT ULIT.

hayaan mo...

nangangako ako na mas pagbubutihan ko pa ang pagsusulat.

Sa ngayon, nasa tuktok ako ng isa sa mga loop ng rides na ito...

alam ko darating ang panahon na baba din ako sa loop... at may libu-libo pang loops akong pagdadaanan...

pero ngayon, habang nandito ako... E-ENJOYIN KO NA TO.

MINSANAN LANG EH!! HAHAHA.

tsaka kung dumating man yung panahon na pababa na nga ulit yung takbo ng sinasakyan ko...

kampante na ko.

bakit??

kasi alam ko may mga kaibigan ako sa iba't ibang parte ng pilipinas at ng mundo, kagaya mo ... na handang bumasa sa kung ano mang walang kwentang isusulat ko...

katulad nito...

100,000+ reads!!! YEAAAHHH!!

HANGGANG SA MULING PAG 100,000. hehehehe.

eks.ow.eks.ow.

ps. pinapasabi ni NICOLE at ni DOMINIC na invited ka sa isang malaking event na paparating..

malapit na silang lumabas ulit sa Shut Up Or I'll Kiss You!! EEehhh!! Excited na ko!!! hehehe

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 16, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Deal Breaker (Published under Pop Fiction, Summit Publishing)Where stories live. Discover now