Chapter 12: The Sister I Never Had

93.4K 2K 18
                                    

"Anong trip mo kanina Nick?" tanong ni Cheska pa rin.

Nasa isang coffee shop kami. Nagpapatuyo. Nabasa din kasi siya sa kagagahang ginawa ko kanina. At ngayon ay ayaw niya kong tigilan ng kakatanong.

Mali yatang niyaya ko siya dito.

“Wala nga."

"Weh. Pang ilang wala mo na yan ah. Kailan mo ba talaga sasabihin yung totoo?" this time nag-pout pa siya.

Kapag tumahimik ka ng isang linggo.

"Yun kasi ang totoo." yan na lang ang nasabi ko.

"At sino naman niloko mo niyan? Hindi ako grade 1 no."

But you act like one.

"Okay. Someone."

"Someone?? It doesn't make sense."

"Hindi ko na problema yun."

"Aarggh!! Okay. I'll decode this."

Napangiti na lang ako, grabe sa fighting spirit tong taong to.

"Tumakbo ka sa ulan kanina, papunta sa riles, tapos ngayon sabi mo someone. Aha! Yung boyfriend mo. Dominic. Naalala kong sinabi mo yung pangalan niya kanina. Tama. Pinuntahan mo yung Dominic."

Kailangan pa ba talaga niyang ganyanin para lang magets?

Tumingin lang ako sa kanya nang walang sinasabi na kahit na ano.

"Okay lang yan Nick, alam ko nalulungkot ka. Kasi guni-guni mo lang yung nakita mo, tapos nabasa ka pa dahil sa guni-guni. Poor nick. Maybe next time susunduin ka na niya for real. Don't lose hope. Ganun lang talaga mga lalaki, sometimes they forget."

"I'm not expecting him na sunduin ako no." I said defensively.

"You are. That's why you hallucinated a while ago. Tsaka yun ang inaasahan ng girlfriends na gawin ng boyfriends nila lalo na ngayong umuulan."

"sino naman nagsabi sa'yo na boyfriend ko yung Dominic na yun?"

"No one. Ahmmm..." She looked guilty, then she continued… "Actually everyone." ^__^

 "Everyone? Anong ibig mong sabihin?" Pinapag-isip ba niya ko? Well she's good. Ano bang sinasabi nitong babaeng to?

"Everyone sa classroom. They know you have a boyfriend. Actually lahat nga kami nagulat eh. Pero okay lang. Maganda ka naman kasi. Kaya parang normal na lang sayo na may jowa-ers."

"Ano?!”

Alam nilang lahat? Paano? Kelan? Bakit?

She's staring at me, her face smiling.

"Nakita ka daw kasi nila na sinundo ng gwapong lalaki na nakakotse last Monday. Hindi naman daw si Erick yun. So inassume nila na boyfriend mo yun." 

It’s either ganun ka obvious yung mga tanong ko sa mukha ko o isa siyang mind reader.

“Oh. I see." Na lang yung nasagot ko.

"Soo... is he? Or is he not?"

"He's....” Hindi ko alam, is he? Or is he not? Are we? Or are we not? “Ahmmmm... sort of."

"He is! Oh my God Nick! Dalaga ka na!" she said excitedly. Parang big deal sa kanya yung pagdadalaga ko.

I forced a smile and take a sip sa kape na inorder ko.

"So kelan naging kayo? Gano katagal siyang nanligaw? Ay. Dapat pala ito muna. Pano kayo nagkakilala?"

Dinaig pa ni Cheska yung kapitbahay namin na number one sa chismisan sa dami ng tanong.

 "Ah Okay lang na di ko sagutin mga tanong mo? Medyo private kasi eh.”

 "Ow. Okay.” She responded sadly, parang batang pinangakuan mong dadalhin mo sa Disney Land pero sa peryahan lang kayo napunta. Nakakakonsensiya. 

"Hindi naman sa ayokong ikwento sa'yo... hindi lang ako sanay."

Which is half true.

"Ah… akala ko kasi ayaw mo talaga akong kwentuhan eh. Pero Nick, kailangan mo nang magsanay. You have to open up. Lalo na ngayong may boyfriend ka na. So... kelan nga naging kayo?"

Biglang nanghina ang mga balikat ko. Akala ko pa naman mahihiya na siya at di na mangungulit. 

"We're just new." Sagot ko para manahimik na siya. Pero hindi yun ang naging epekto. 

"New? Eh bakit ganun? bakit wala siya ngayon?"

Bakit ng ba? "I think he's mad?"

"At you?? Bakit naman?? Yun ba yung dahilan kung bakit ka gloomy kanina?"

"Sort of." Bwiset. Kanina pa tong sort of  na to ah! Hindi na ko natutuwa.

She took a bite of her cake. "Mmmm. Wala yan. Lilipas din yan, love ka nun kaya hindi ka matitiis nun."

Wow. LOVE? Si Dominic, love ako? KALOKOHAN.Kung alam mo lang kung anong meron sa aming dalawa, hindi mo maiisip yung salitang yun, nor use it in a sentence with me and Dominic in it.

"Hindi din siguro." Pabulong kong sagot.

"That's okay Nick. Love really hurts sometimes. Pero katulad nga ng sinabi mo, bago lang kayo. Simpleng tampuhan lang yan."

Simple? Ibang lalaki yung nadampot ko. Alin dun ang simple?!

Hindi ko na lang sinagot si Cheska at napabuntong-hininga na lang ako.

Nilagyan niya ng cake yung plate ko. Napatingin ako sa kanya.

"Sweets can make you feel better." She offered with a smile. At sa hindi ko malamang dahilan, i thought she can be the sister I never had.

Deal Breaker (Published under Pop Fiction, Summit Publishing)Where stories live. Discover now