Chapter 11: Train Train Go Away

98.1K 1.9K 69
                                    

Nakadating ako sa school ng maaga. Pagpasok ko sa loob, normal na eksena. Konti pa lang ang mga tao, tapos libro agad hawak nila.

Ang gaga-aga, aral agad! Tsk! Nakakadagdag sila sa stresses ko sa buhay.

"Goodmorning Nick!", sabi ng isa kong klasmeyt. Si Irene, ngumiti lang ako. Wala ako sa mood makipag-usap ngayong araw.

Umupo na ko sa upuan ko, which is kahit sa’n mo gusto. Or kung saan may bakante. Or kung walang upuan, kumuha ka ng sarili mong upuan.

Ganito talaga sa school na pinapasukan ko, pero sanayan lang naman eh.

Umupo ako malapit sa bintana, nakita ko na naman ang malungkot na langit. Nakikisabay din siya eh no.

Hindi ba pwede ako na lang muna, sa susunod ka na?

Tapos biglang nag-umpisa nang umambon. Parang sinasabi nang langit na, Ayoko nga! 

“Eh di ayaw mo! Pwe!”, sagot ko naman sa kanya.

Hindi ako baliw, naiinis lang ako ngayon. Sa sarili ko siguro, ganito talaga ako kapag badtrip.

"Nick!" Lumingon ako sa tumawag sa kin, pagtingin ko

What the?!! Kadami nang tao at ang ingay na din. Hindi ko man lang sila napansin na pumasok na lahat.

 "Sali ka sa min?” Si Angel pala yung tumatawag sa kin, isa din sa mga kaklase ko. 

"Ha? Wala ko sa mood eh." Ang sagot ko.

Heto na naman po sila. Laro. Pinoy Henyo. O kaya Show It. O kaya Draw It. Kahit ano basta trip nila. Masaya sana eh,

kaso wala talaga ako sa mood ngayon eh. Tsk.

"Sige na sali ka na." pilit sa’kin ni Angel.

Mapilit kang babae ka ah.

"Next time na lang." sagot ko sabay ngiti.

"Ok. Next time ah." Sabi niya at hindi na ulit ako ginulo at sa ibang lugar na lang humanap ng isa pang member.

Binalikan ko yung kalungkutan ko, nalulungkot kasi siya. wala siyang kasama eh. Winelcome naman niya ako.

"Ano kayang meron kay Nick?" sabi ng isa ko pang classmate.

"Hindi ko nga alam eh." sagot naman ng isa.

Akala ba nila hindi ko naririnig? O pinaparinig talaga nila sa kin? Pinili ko na lang na wag sila intindihin, puno ang utak ko sa mga kaisipan sa ngayon, wala akong panahon sa kanila.

Ilang minuto pa lang akong nag-iisip, nagmumuni-muni, binasag na muli ng isang sigaw ang aking kaisipan.

"Nanjan na si Sir!"

Si Cheska! Oo. Siya nga, siya lang naman mahilig sumigaw sa room eh.

Pagkatapos ng sigaw KAGULUHAN. Pagkatapos ng kaguluhan. KAAYUSAN.

Wow! Expert na talaga tong mga to.

"Nick dito!" Si Cheska, sumisigaw pa din siya. Tumabi na ako sa kanya, kasi kapag pinanganak kang swerteng kagaya ko, siya talaga ang katabi ko sa seating arrangement.

Dakilang parusa!


"OKAY CLASS DISMISS." Sabay kuha ng gamit at lakad palabas ng room ng huli naming professor ngayong araw. Sabay hikab, sabay inat. May nagkayayaan mag-mall, may tumanggi, may sumama. May sumigaw sa excitement.

Tapos na ang klase namin sa buong araw, at sa buong araw ine-expect kong dumating si Dominic sa room, tapos kunin ako sa kwarto. Kasi ganun siya, he thinks highly of himself, na para bang pag-aari niya mundo. Magagalit ako kunwari syempre, pero deep inside, matutuwa ako kasi nakita ko siya, kasi pinuntahan niya ko.

Deal Breaker (Published under Pop Fiction, Summit Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon