Chapter 32: The Meet

62.8K 1.1K 44
                                    

Pumasok na ko sa mansyon. At may isang lalaking sumalubong sa kin. Boy yata nila. O mayordomo Who cares? Hinatid niya ko sa isa sa mga kwarto sa loob ng mall, este bahay pala.

"Hinihintay na po niya kayo." Sabi niya sabay bukas niya nung pinto for me at umalis na siya.

No choice. Pumasok ako kahit hindi ko alam kung sino o ano ang madadatnan ko sa kabilang panig nung pinto.

Hindi ko alam pero, diba dapat kinakabahan ako? Pero hindi ko maramdaman yun ngayon. Mas nangingibabaw yung curiousity sa kin. Yung kagustuhan kong malaman kung sino ang may pakana ng lahat ng to. Ang drama niya kasi, pwede naman niya ko kausapin at tanungin kung pwede kami mag-usap. Depende sa pagkakatanong niya syempre kung papayag ako.

Masa loob na ko ng kwarto, ehem excuse me. MALAKING KWARTO. Office yata to, kasi may nakikita akong mahogany table. Parang yung sa nanay ko pero hindi masyado. Gets mo?! Di no? Ako din eh. Pabayaan na natin.

What's more important is the person behind the table. There's a swivel chair facing the other side of the room at nakatalikod sa'kin. Yung pang mataas na posisyon na swivel chair.

Umikot bigla yung swivel chair paharap sa akin and then my eyes landed on his eyes. It's Dominic's eyes, and it's his face. Just a bit older I think.

OH MY GAWWD!!

Ito yata yung nangyari sa new moon, the only difference is that si Dominic yung tumatand which means ako yung bampira? I'm immortal.

"Dominic?" bulong ko.

Tumawa siya pero hindi umabot sa mga mata niya.

"What a way to greet me sweetheart. Take a seat." Utos niya sa kin habang minotion niya yung kamay niya sa upuan sa harap ng table niya.

Hindi ako gumalaw at nakatingin lang ako sa kanya. Makatapos ang ilang segundo, bigla siyang tumayo. 

"I don't get that look a lot. Sometimes people got intimidated by me. But I can see that you're not." he said smiling. And he's walking towards me.

"You'll take your seat right?" his voice with alarm this time, kaya umupo na ko.

"If you're not Dominic? Then sino ka?" tanong ko, the moment na naka-upo ako.

"I'm his father."

"Father? Ikaw yung..."

"Yes. Nice to meet you too." He sit back to his master swivel chair.

"Ano hong kailangan niyo sa kin?" tanong ko. Magkasalubong na ang mga kilay ko.

"I just want to see who you are."

"Just want to see who I am?"

"You're a lot more beautiful in person."

Naramdaman kong namula yung pisngi ko sa di inaasahang compliment. "Ahmmm... thanks?"

Tumawa siya at napuno ng tawa niya yung kwarto.

"What's your name again?"

Ano? Pinapunta niya ko dito tapos hindi man lang niya alam pangalan ko?

"Nick po."

"Nick..." sabi niya habang tumango-tango.

"Mmmm... I thought you're Cassandra."


Ako? Si Cassandra the bitch? Batukan ko kaya to nang magising. Tss. Pasalamat ka tatay ka ni Dominic.

"You know what? I like Cassandra more."

Deal Breaker (Published under Pop Fiction, Summit Publishing)Where stories live. Discover now