Chapter 4: Stiletto Heels, You Rock!

153K 3.1K 84
                                    

Nakarating na kami sa venue ng party. Sa Luxueux Hotel na pagaari ng mga Madrigal naisipan idaos ang party.

Pagpasok, everything was extravagant. Parang yung mga party sa tv. Everything and everyone looks expensive. Luxurious. Scary.

Grabe. Ang daming tao. 99% hindi ko kakilala. Party ko ba talaga ‘to?

As we pierce through the crowd, I can feel their eyes on me. And i hear whispers from the crowd. Asar ah! Pagbulungan daw ba ko?! Napansin yata ni Jacob ang pagkainis ko. Naramdaman kong ang pagpisil niya sa kamay ko na nakahawak sa braso niya, followed by a whisper, "Just ignore them." He said.

And I did. Kala nila ha! Patuloy lang kami sa paglalakad, hanggang sa makita namin siya.

She looks young and regal. Like a goddess she commands the crowd. That's my biological mother. Cecilia. Cecilia Madrigal.

She's smiling the moment she saw us. Palagi siyang nakangiti. Parang palagi siyang masaya na makita kami... ako. Napansin ko ang paglaki pa lalo nang mga ngiti at mata niya nung nakita niyang suot ko yung damit at yung sapatos na binigay niya. Naalala ko na naman yung sinabi ni Jacob sa ‘kin kanina.

Pagkalapit namin sa kanya, "There you are! My two lovely kids" Sabay yakap sa aming dalawa. She's very warm and welcoming and loving. Hindi ako sanay. Hindi ko alam na ganito pala dapat ang mga nanay sa mga anak nila.

Binaling ni Mrs. Madrigal yung atensyon niya sa kin. "My princess. You look so pretty." sabi niya habang hawak ang kamay ko. Ngumiti ako nang bahagya sa sinabi niya.

"Ladies and gentlemen. May I get your attention please?"

Sabay kaming napalingon ni Mrs. Madrigal sa stage sa na naka-set up sa gitna hall. There stood the master of ceremony, a gay guy wearing a tux.

Naramdaman ko ang paghigpit nang hawak ni Mrs. Madrigal sa kamay ko. I looked at her and she’s looking at me, her eyes all teary. “Are you excited?” tanong niya. Gusto kong umiling at sabihin na wala akong pake, o wala akong nararamdaman. Pero she doesn’t deserve rudeness. Kaya ngumiti na lang ako nang bahagya at humawak sa kamay niya. Tinawag siya nang emcee sa stage and the hall erupted sa mga palakpakan. She left me with Jacob.

"Thank you all for coming. You all know that I've been looking for my daughter for 18 years. And the reason we're all gathered here now is because, I want to share with you my happiness. For i found her."

From the stage, she looked at me. At naramdaman ko yung pagiging masaya niya. Naramdaman ko ang kamay ni Jacob sa balikat ko, tinignan ko siya at nakita ko sa mga mata niya na masaya din siya na nandito ako ngayon. 

"My princess. My only daughter. Princess Nicole Madrigal."

And as if on cue, palakpakan silang lahat. Hindi ko alam gagawin ko. Bigla akong inalalayan ni Jacob paakyat sa stage, tapos bigla na lang nila akong inaabutan ng mic.

Ah okay. Di ko to napaghandaan ah. Pero sabi nga nila, less talk less mistake.

I stared at the crowd. Pumapalak pa din sila.

"Stop clapping!" Waaahhh! Hindi yun. I'm not suppose to say that, di ba? Tsk! Nakatingin na silang lahat sa kin ngayon.

Lunok. Tingin sa paligid. Lunok ulit. Tahimik ang lahat at walang nagsasalita. 

"Ahmmm.. Well. Salamat sa pagpunta. At enjoy the party.”

 *SILENCE*

Napalunok ako one more time, tapos nag-simula kay Jacob. Pumapalakpak siya. Hanggang sa sundan na siya nang lahat.

Deal Breaker (Published under Pop Fiction, Summit Publishing)Where stories live. Discover now