Chapter 42: Versus

76K 1.2K 150
                                    

"Family faces are magic mirrors. Looking at people who belong to us, we see the past, present and future." ~Gail Lumet Buckley

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

NICK'S POV:

"Umalis ka na! Hindi na kita kailangan!"

Sabi ko habang nakatingin sa mga mata ni Dominic.

"You don't mean that. We both know that you don't" he said. His eyes burried on mine.

Nasa tapat kami ng bahay namin ngayon and Ed's by my side.

"Ano ba sa sinabi ko ang hindi mo naintindihan ha?"

"Princess. Stop this. You're hurting me."

I almost lost track. He's hurting but I'm dying.

"Okay. So gusto mo sa english? Fine. I don't want you anymore. Don't need you. Don't love you. I never actually did Dominic. So get lost."

"Princess, you need to stop now." he pleaded.

But I have to do this. I have to... and this is my final straw. If he don't leave after this. I don't know what else to do. Hinawakan ko yung leeg ni Ed. Yung isang kamay ko nasa jaw niya and I close my eyes and kiss him passionately.

Naramdaman kong hinawakan ni Ed yung bewang ko then I started backing up. I looked at Ed's face. I feel sorry for him, for using him.

Tapos tinignan ko yung mukha ni Dominic. His eyes... those eyes... punong-puno ng sakit. Galit.

I'm sorry Dominic. I'm sorry. 

Tapos biglang nagblangko kasunod nang pagsakit ng ulo ko. Pagbukas ko ng mga mata ko.

Si Dominic. Ha?! Anong ginagawa ni... teka. Ipinikit ko ulit yung mga mata ko at pagkabukas muli nito, nandun pa din ang natutulog na si Dominic. Kinuskos ko pa yung mata ko para makasigurong hindi ako nananaginip, pero nandoon pa din siya. At ang himbing ng tulog niya.

Tapos nilibot ko yung paningin ko sa paligid. HUWAATTDAA?! Nakita ko sila Erick at si... Si Ed?

Nasa sahig sila pero yung ulo nila nakasandal sa magkabilang side ng kama ko. Anong ginagawa nilang tatlo sa kwarto ko?

Tumayo ako ng dahan dahan, medyo nahihilo pa ko.  Nung bababa na ko ng kama biglang gumalaw si Erick.

Napahinto ako at napatakip ako sa bibig ko. Ewan ko ba? Pwede ko naman silang gisinging lahat. Pero parang ang awkward nun. Kaya ito, tumatakas ako.  Hindi naman nagising si Erick kaya patuloy ako sa paglalakad. Nung palabas na ko ng kwarto...

Watda?! Yung pinto! WASAK! Ano ba talagang nangyari dito? Pinilit kong isipin kung pano at kailan napunta tong mga to sa loob ng kwarto. Pero hanggang sa baththub lang yung tanging naaalala ko.

Keep going Nick. Sabi ko sa sarili ko. Kaya patuloy ako sa paglakad at pagbaba ko ng hagdan nakakita ako ng 2 cans of beer sa sala.

Beer? Alak? Nakakalasing? Hala!

Ok. Replay. May beer, wasak na pinto, tatlong lalaki sa kwarto at ala-alang hanggang banyo lang. Bigla na lang akong napatakip sa katawan ko. OH MAAY GAAAD!!

"Oh hija. Gising ka na pala? Ok na ba pakiramdam mo?" Napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses. Si Manang Alice. Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat.

"Manang! Tulong! Anong nangyari kagabi?! Bakit may tatlong lalaki, wasak na pinto at dalawang beer diyan?!"

Tumawa si manang. Hala? Baliw baliw lang? "Wala ka ba talagang maalala ha Nick?" tanong niya san kin habang nakangiti.

Deal Breaker (Published under Pop Fiction, Summit Publishing)Where stories live. Discover now