Chapter 45: Dealing With It

65.3K 1.1K 145
                                    

"There are things that we don't want to happen but have to accept, things we don't want to know but have to learn, and people we can't live without but have to let go."

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

The next day, Dominic showed up, but I didn't...

I just stayed in my mother's room. Dumating yung doctor niya nung araw na yun and he confirmed to me that she really has cancer. Dumating din si Ed the same day. Pumasok siya sa loob ng kwarto ng nanay ko and he looked at me as if he's really sorry.

Yeah right. As if may magagawa lahat ng yun sa sitwasyon ko ngayon.

For one whole week ganito yung palaging nangyayari. Dominic will show up. Ed will too. And I'll just stay in our house as if both of them doesn't exist.

Nagbabantay ako sa nanay ko. Lumabas ako para kumuha ng maiinom. Sumunod si Ed sa 'kin. "He's still outside." he said. Hindi ako nagsasalita. Hindi siya pinapansin. Will it do me any better kung mag-uusap kami? HECK NO! Lalo lang niya ko papahirapan. Yun naman ginagawa niya parati eh. 

"You didn't break up with him, do you?"

Nainis ako sa sinabi niya. So I snap. "Ano bang pakialam mo?!"

"Malaki." He's looking at me with his serious eyes.

"Yeah. You're my future husband. Sino nga naman ang may gusto na yung mapapangasawa niya eh may boyfriend pa?!" I smiled sarcastically. "PESTE! Hindi sa'yo umiikot ang mundo Ed. Hindi sa'yo umiikot ang mundo ko. Kaya kung ako sa'yo, stop acting like some freaky jealous boyfriend! Kung papakasalan man kita, dahil yun sa nanay ko. Ginagawa ko lahat ng to para sa pamilya ko. Hindi para sa'yo. O para sa kakambal mo. Galit lang ang nararamdaman ko para sa'yo. Yun lang. Wala ng iba."

Naglakad ako pabalik sa kwarto ng nanay ko at nung nasa hagdan na ko...

"At least you feel something for me." he whispered.

Nilingon ko siya and he's smiling at me, pero hindi nakaka-asar na ngiti. He's looking at me with... love?

Damn it!!

"You're pathetic." sabi ko tapos naglakad na ko pataas. May sinabi pa siya, pero hindi ko na naintidihan.

Pagpasok ko sa kwarto ng nanay ko nandun si Jacob. Ngumiti naman yung nanay ko pagkakita niya sa 'kin.

"Jacob?" sabi ni mother sa kapatid ko. Lumabas naman ng kwarto si Jacob tapos isinara niya yung pinto paglabas niya.

Tinapik naman ng nanay ko yung kama niya, instructing me to sit there. Umupo naman ako sa tabi niya and she immediately grabs my hand.

"I heard Dominic's still outside." she started.

Kaya ba nandito si Jacob kanina? Akala ko ba no stress? Tss. Badtrip na Jacob to.

"Yeah. I heard it too."

She smiled at me, a motherly smile. "I think you should talk to him."

"Tungkol san naman?" sarkastiko kong tanong sa kanya.

Hanggang ngayon masakit pa din. Hundi ko alam pero yung puso ko nadudurog ng paulit ulit kada oras na dumadaan... kada araw na lumilipas.

"If you're breaking up with him, I think he should know. At least you should give him that."

Tumulo yung luha ko. Pinunasan ko naman kaagad. "If I do that... I'll break his heart and God knows how much I don't want to do it."

Deal Breaker (Published under Pop Fiction, Summit Publishing)Where stories live. Discover now