Chapter 30: Moves Like Jagger?

68.1K 1.2K 108
                                    

I need to think kung paano makakalabas dito. Lumabas ako ng banyo at akala ko nandun si Edwin. Buti na lang wala.

Pero somewhere in the distance, may naririnig akong nagri-ring. At anak ng! May selpown nga pala ako! At nakahiga ito sa kama ko, nagvavibrate at umiilaw. Halos tumalon na papunta sa cellphone ko, baka marinig nila tapos kunin din nila to.

Nung sasagutin ko na yung tawag, bigla kong naalala si Edward. Baka nasa labas lang siya ulit tapos marinig niya ko. Nag-isip pa ako kung saan pwedeng magtago. Hindi pwede sa ilalim ng kama, sarado yung ilalim ng kama ko. Sa banyo naman may echo.

Biglang huminto yung pagring...

Sa...tama!  Sa closet ko. Pumunta ako sa walk-in closet na nasa kwarto ko tapos pumunta ako sa isa sa mga cabinet dun. At doon ko isiniksik yung sarili ko. Sa madilim at masikip na cabinet. Binuksan ko ulit yung phone ko. Huwaattdaa?! 49 missed calls?! All from Cheska.

Tinawagan ko siya. "Cheska." Pabulong ko sabi nung sagutin yung phone.

[Nick! Waaahh! Bakit hindi mo sinasagot yung mga tawag ko?]

"May nangyari kasi dito sa bahay. Bakit ka nga pala tumatawag?"

[Teka bumubulong ka ba?] tanong niya.

"Oo. Basta. Tsaka ko na ikwento. Ano bang importante mong sasabihin?"

[Ah... Oo nga pala... Waaahh! Nandiyan na si Dominic hindi ba? Please naman oh. Sabihin mo na you're ok with our family. That you don't care what happened. That you won't leave him. 'Coz... he'll kill me if ---]

Biglang naputol yung sinasabi niya nang may naririnig akong nagbabalibagan sa kabilang linya.

"Cheska! Anong nangyayari?"

[He's back. And I'm dead.]

"Cheska! Si Dominic ba yan? Let me talk to him! Kailangan ko siyang kausapin." I whispered with a sense of urgency.

[Dominic, she wants to...]

Bumukas yung pinto ng pinagtataguan kong cabinet, then he immediately snatched the phone out of my hand.

[Princess?!! Let me ex--] Narinig ko pa yung boses ni Dominic. Then the line's off. Lumabas ako sa lungga ko, tumayo sa harap niya at tinignan siya ng masama.

"Any kind of communication is not allowed. That's rule no. 2 miss." Seryoso ulit yung mukha niya.

"Alam mo isa sa pinaka-ayaw ko? Mga pakielamerong tao."

Hindi siya nagrespond, para lang siyang robot na nakatayo sa harap ko. Kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. "And Edmond. Isa ka sa mga pakielamerong tao sa buhay ko ngayon. Alam mo ibig sabihin nun?!"

Tahimik pa din siyang nakatingin sa kin.

"Isa ka sa pinaka-ayaw ko ngayon."

"Hindi niyo kailangang magustuhan miss. Nandito ako para gawin ang inutos sa kin."

"Isa pang magsalita ka. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." At hindi na nga siya nagsalita. "Ibalik mo na sa kin yan."

  

"Pero miss..."

"OH nagsalita ka." Hinawakan ko yung kamay niya then I twisted it. "Pinagbibigyan lang kita kaninang siraulo ka." Kinuha ko yung phone sa kamay niya. Pero nahawakan ako ng isa pa niyang kamay. Tapos nilagay niya yung kamay ko sa likod ko with him on my back.

"Miss. Don't make me do this. I'm not here to hurt you. I'm here to do the other way around." He whispered in my ears. His breath touching every inch of it. Nag-init bigla ang tenga ko sa galit.

Deal Breaker (Published under Pop Fiction, Summit Publishing)Where stories live. Discover now