The Story Behind THE STORY.

Start from the beginning
                                    

Pumunta ako sa site na yun ulit... sa mga oras na yun... hindi ako nandoon para magbasa ng magagandang istorya... Nandoon ako para ibahagi yung kwento ko... 

Hindi ko pa alam kung pa'no magsulat nun... Hindi ko din alam kung anong isusulat ko... Basta ang alam ko... may kailangan akong ikwento...

SAY SORRY AND WE'RE DONE. 

yun yung unang pamagat ng unang istorya ko... at ang pangit pa ng cover ko nun sa libro...

Natapos at napublish ko yung unang chapter. Ang goddamn shoeIlang beses ko yung pina-ulit ulit ng basa. Wala lang... ang sarap lang sa pakiramdam... ang sarap lang makita yung gawa mo.

Kada minuto tinitignan ko kung meron na bang nakaka-alam na nag-eexist ang story ni justgotbusted *my first user name*...

4 reads...

May apat na tao ng bumasa ng istorya ko!!

WAAAH!!! HAHAHAHAHA!

*makalipas ang ilang oras**

6 reads...

WAAAH!! Anim na sila!!!


Nalala ko nung naka 15 reads ako... sabi ko sa mama ko. 

Ako: Ma, tignan mo oh! May 15 reads ako!!

Mama ko: O.o?? Huh??

Ako: ^___________^ WALA....

Sobrang saya ko pinabasa ko sa mga kaklase ko... at nagustuhan naman nila... yun nga lang daw bitin... kaya nung araw din na yun... nagsulat ako ng kasunod na chapter...

at nasundan pa ng kasunod na chapter...

at nasundan pa ng mga kasunod na chapter...

Kada dagdag na basa... nadadagdagan din yung saya ko... at nakakalimutan ko na malungkot pala ako... nakakalimutan ko na galit pala ako... Unti-unti... umaangat yung sinasakyan kong roller coaster... dahan-dahan... umaandar ulit ito pataas.

Kada votes at comment na natatanggap ko mula sa mga taong hindi ko naman kilala at hindi ako kilala... naiisip ko. Sobrang bait naman nila para pindutin yung vote button at like button at magcomment dito..

Dito ko naramdaman na hindi mo kailangang makilala ang isang tao para ma-appreciate mo kung ano man yung ginawa niya. Dito ko naranasan na kahit hindi mo alam kung anong totoong pangalan ko... handa at gusto mo pa ding iboto ang kwentong gawa ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 16, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Deal Breaker (Published under Pop Fiction, Summit Publishing)Where stories live. Discover now