[16] The Remaining Eight

Magsimula sa umpisa
                                    

            “Hindi! Mayroon lang akong gustong itanong.” Mabilis na sabi ko.

            “Ano naman iyon?” tanong pa nito at saka nagpatiuna papunta sa opisina.

            “About sana doon sa sumpa sa amin. Bakit ho ganoon? Nakakita ako ng insidente at tumunog din ang orasan sa cellphone ni Michael pero bakit hindi nangyari ‘yong pagpatay. Hinantay namin ng lagpas kalahating-oras ang pagdating ng doppelganger, pero hindi ito dumating. Akala namin... No, all of us except me, thought one of our member is saved. Pero paanong maliligtas siya kung hindi naman dumating ang doppelganger at nabasag ang cellphone o kung anumang orasan na malapit sa amin? And that’s the reason why I am exempted to them.

Kasi may pakiramdam akong hindi pa nga talaga ligtas ang isa naming kasamahan. Sa sumunod na alas-sais, doon lang nangyari ang pagpatay. Para bang naging late ang pag-atake ng elemento ng demonyo na ‘yon. Nangyayari ba talaga ‘yon?” puno ng emosyon kong litanya dito. Pero bago ako sagutin ay napakunot muna ito ng noo at tinignan ang kung anuman ang bagay na nasa loob ng mesa atsaka ngumiti.

            “Kung gayon ay nabawasan na naman kayo ng isa. Si Joseph Russel. Tsk! Kawawang bata. Hindi ata nakapanlaban dahil sa kaduwagan. Hahahahaha!” parang baliw nitong sabi na nagpakunot muli ng noo ko.

            “Sandali nga po. Eh bakit parang natutuwa pa kayo? Akala ko ho ba ay kakampi namin kayo?” nagpupuyos ang loob ko habang sinasambit ang mga tanong na iyon. Tumikhim pa muna ito bago magsalita.

            “Yes! Of course I am your friend. Kaya ko nga kayo tinutulungan hindi ba? But you can’t blame me if I burst out into laughter. Masyado ata kasi kayong nakampante ng mailigtas niyo ang isa niyong kasamahan. And about your question a while ago, Yes! It can be. Maaaring madelay ang paglusob ng doppelganger depende sa kung kailan nito gustuhin. Mayroon ka pa bang itatanong?” nakangiti pa nitong sabi.

            “Eh paano naman po namin magagawang mailigtas ang kasamahan naming iyon, kung madedelay pala ang mangyayaring pagpatay?” nagsisimula ng umakyat ang toyo sa ulo ko habang binabanggit iyon.

            “Simple lang. Live in one place para maging sure ka na maililigtas niyo nga sila. Doppelgenger is very hard to defeat. Tuso ito. At ang maipapayo ko lamang sa inyo ay ang kalabanin niyo siya. Okay?” aniya. “By the way, ano na nga palang next activity ng grupo? I have a two-week vacation so I can join with you.” Dagdag pa niya.

            “Sa tingin niyo po ba talaga ay may panahon pa kaming magawa ang mga aktibidades namin kung itong nasa panganib ang buhay namin? Masyado ng nabahiran ang pangalan ng organisasyon namin. And if we still want to continue our advocacy and our legacy, then we must save our life first.” Madiin kong pagkakasabi.

            “Okay. Chill. Masyado ka namang highblood. Hahahahaha!” matawa-tawang sabi nito.

            Tinignan ko na lamang siya ng masama habang walang humpay sa patuksong pagtawa. Hindi ko maiwasang pagdudahan siya hindi lang bukod sa nalalaman niya kundi pati na din sa trato niya. Para kasing mas ikinatutuwa pa nito ang mga pagkamatay ng kasamahan ko.

            Umalis na lamang ako sa harapan nito ng walang paalam. Paplanuhin pa namin ng grupo ang susunod na gagawin.

“OH? Ano daw sabi?” bungad na tanong sa akin ni Rhea pagkadating sa meeting place namin. Pinasadahan ko muna ng tingin ang mga miyembrong natira. Si Rhea na ngayon ay nasa kanan ko habang pinapakalma naman ni Justine na nasa kabilang gilid niya. Si Anthony na tila ang lalim ng iniisip. Si Jessica na nasa pagitan ni Justine at Zeline na kagat-kagat pa ang labi. Si Zeline na hawak-hawak ang litrato ni Joseph habang umiiyak. At si Michael na tila malalim din ang iniisip. Sa aming labing-apat, kalahati na lamang kaming natitira. Anim kaming naririto at idagdag pa si Jay-D. Bakit ba nangyayari ang bagay na ito sa amin? Naging masama ba ang hangarin ng grupo namin?

            “God! Jeanella! Why don’t you answer my question? Sabihin mo, pwede daw ba ‘yong mangyari? Eh kasi naman diba, suppose to be ay kagabi mamamatay si Jospeh but nothing happens. So supposedly, Joseph must be saved. Pero paanong napatay pa din siya ng doppelganger? Jeanella?!” Hindi makapag-antay na tanong nito.

            “It can be, according to him,” panimula ko. “Maaari daw na lumusob ang doppelganger sa kung kailan man nito gustuhin and I think it’s another challenge for us.” Mas bumakas ang pangamba sa mga mukha nila sa aking nilitanya.

            “Kung ganoon, twice a day nating babantayan ang kung sinuman sa atin ang target? Na baka kapag hindi maganap sa umaga ay sa gabi? If that’s it, then we must have another plan--” Bahagyang naputol sa pagsasalita si Rhea ng sumabat si Zeline.

            “I give up. Susuko na ako. We tried our best but still we couldn’t defeat it. Patagal ng patagal eh parang mas pinahihirapan tayo. Ganon din naman eh, mamamatay tayong lahat--” Naputol naman ang pagsasalita ni Zeline ng kontrahin naman siya ni Rhea.

            “Don’t say that, Zeline! Nagawa nga nating mailigtas si Anthony eh, so it means magagawa natin.”

            “Natin? Hindi Rhea. It’s only by Jeanella and that was just a sudden luck. Magpapakapagod lang tayong mailigtas ang mga sarili natin but in the end, we will lose it. Atsaka sa tingin niyo ba ay magagawa pang mailigtas ang panghuling target kung ang halos lahat ay nawala na? Diba hindi. So what is the sense of saving ourselves if in the first place we are already fallen into the abyss. So I’m giving up now.” Iiling-iling nitong sabi.

            “Kaya nga dapat kahit tayo na lang ay mailigtas natin ang isa’t-isa para kahit sa ikahuling target ay magagawa din nating mailigtas ng sama-sama. So don’t give up, Zeline. Lakasan mo lang ang loob mo. We must not be defeated by that element of Death, it must be the other way around.” Pagsalungat naman ni Rhea. Hindi naman nakaimik si Zeline at sa halip ay napahikbi na lamang sa kinauupuan.

            “Pero diba, hanggang dose lang ang orasan? Kung hindi ako nagkakamali, maliligtas kayong dalawa ni Michael hindi ba?” Sabat na tanong ni Jessica. Napaisip naman ako bigla n’on. Ikalabingtatlo at ikalabing-apat kami ni Michael. Ibig ba n’ong sabihin ay hindi kami kasama sa mga mamamatay?

            “Sa tingin ko ay oo, silang dalawa ang nakakakita at bilang kabayaran, tayo ang mamamatay habang sila naman ang magdudusa sa konsensya o mawawala sa ulirat kapag hindi nila tayo nailigtas. Matagal ko na ding pinag-isipan ang bagay na ‘yan. N’ong una ay naisip ko na parang unfair iyon sa atin, pero mas mahirap sa tingin ang dadanasin nilang dalawa. Every time ay makikita nila kung paano mamatay ang isa sa atin, ang every time ay nakikita din nila ang aktwal na pagkamatay natin kapag hindi nila tayo nagawang mailigtas. It would lose their sanity kapag hanggang sa huli ay hindi nila magawang mailigtas tayong lahat.” Pagpapahayag ng opinyon ni Justine.

May katumpakan ang sinabi niya, magmula noong pagkamatay ni Conrad hanggang ngayon kay Joseph, para bang unti-unti na akong nababaliw. Dugo, laman-loob, o kung anu-ano pa ang nakikita ko na hindi naman dapat. Para na akong unti-unting nabubuhay sa mga trahedya o pagpatay. And I know Michael feel the same way too. Ayaw niya lang na ipakita dahil alam niyang maaapektuhan ako. Nilalakasan niya lang ang loob para sa akin.

“Paano pala si Jay-D? Paano kung siya na ang susunod? Paano natin siya makukum--” Naputol ang pagsasalita ni Anthony ng mula sa pintuan ay lumitaw ang lalaking hindi namin akalaing kusang magpupunta dito.

“No need to convince me. I’m going with you, guys.” Bagamat walang emosyon ang ipinapakita nito, ay dama ko na masaya siya na makita muli kami at tila humihingi ng kapatawaran sa amin. We’re now completed. The remaining seven.

The Devil's TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon