[1] The Roots and The Reasons

2.6K 72 8
                                    

[ TIME 1 ]

HINDI ko akalaing ganito namin siya babalikan. Ang batang minsan nang napamahal sa amin. Ang batang Hindi ko tuloy mapigilan ang aking sarili na hindi maiyak. Ano ba ang naging kasalanan nitong alaga namin para babuyin siya at hayaang mamatay?

            Narito kami ngayon sa burol ng batang naging isa sa mga misyong mapasaya namin. Siya si Camille Ramos. Ang batang kahit na hindi nabiyayaan ng kumpletong katawan, ay nagtataglay naman ng napakabusilak na puso. Nakilala namin ito sa tulong ng isa sa miyembro ng aming samahan na kung tawagin ay SMILE.

Layunin kasi ng samahan naming ito na tumulong sa mga taong kapos at biyayaan ito ng isang yamang hindi kailanman nawawala at iyon ay ang kasiyahan. We are just a non-profit organization and non-political organization. Subalit bakit ganon ang buhay? kung sino pa ang naghihirap ay siya pang mas nagdudusa. Bakit may mga taong kayang hamakin ang isang inosenteng tao na alam naman nilang walang kakayahang lumaban? Naawa tuloy ako sa kanyang naiwang ina.

"Camille... anak ko..." Walang humpay sa pag-iyak si Aling Martha habang sinusunog namin ang mga gamit ni Camille. Maging ako ay walang magawa para mapagaan ang loob niya. Biyuda na kasi ito kaya si Camille na lamang ang natitirang mahal sa buhay, pero ngayong wala na siya, ay hindi ko mawari kung gaano ang sakit na nararamdaman niya.

Marami pa ang inilabas na mga gamit ni Camille para sunugin, at habang pinatatahan ko si Aling Martha ay nakita ng aking mga mata ang mga gamit na siyang iniwan namin dito bago umalis—ang mga I.D. namin at ang kanyang paboritong orasan na binili namin at iniregalo namin sa kanya.

Lumapit ako sa lalaking may dala ng mga gamit na iyon at muling hinawakan ang mga ito. Muli na namang umagos ang mga luha sa aking pisngi. Ganoon na kasi talaga kalaki sa parte ng buhay namin ang batang ito. Nakita ko pa nga ang I.D. ko na may numerong 13 sa ibaba. Jeanella Perez. Member. Number 13. Pagbasa ko dito sa aking isip.

Sa aking pagluluksa roon ay nakaramdam ako ng pagkakalma ng may lumapat na palad sa aking likuran at hinaplos ito. Tinabihan din ako nito at tinignan din ang mga gamit ni Camille. Ito'y walang iba kundi si Michael, ang aking soon-to-be-husband. Bagamat isang taon na kaming nagsasama sa iisang bubong, ay hindi pa kami ikinakasal ni Michael buhat ng aming trabaho. Isa rin siya sa mga miyembro ng SMILE at siya ang ika-14 sa amin.

Kami lang ang nakapunta rito sa burol ni Camille sapagkat punung-puno ng trabaho ang iba naming kasamahan. Bukod kasi sa misyon naming ito ay mayroon din silang kani-kanilang trabaho. Katunayan nga niyan ay dapat bibisita lang kami para kamustahin siya, subalit wala na pala siya.

Hindi nagtagal ay agad na ding binawi sa akin ang mga gamit ni Camille at agad na inilagay sa umaapoy na kahoy. Mukhang dito na nga natatapos ang lahat.

 

"Ate Jean! Tulong! Tulungan mo ako! Huuu...! Ate Jean!" Sa isang madilim na talahiban, ay aking naulinigan ang boses ni Camille.

"Camille?! Camille?! Asan ka? Camille?!" Pasigaw na tanong ko pa habang hinahawi ang nagtataasang mga damo.

"Ate! Waaahhh!"

            "Ah!" Agad akong napabalikwas sa aking higaan nang dahil sa aking napanaginipan.

"Oh! Jen-Jen. B-bakit?" Untag ni Michael na mumukat-mukat pa at ngayon ay katabi ko sa higaan at kasalukuyang walang suot pang-itaas kaya naman kita ang kaumbukan subalit malapad nitong dibdib at ang pagflex ng six-pack abs nito sa harap. Mukha atang nagambala ko siya sa pagkakatulog.

"Wala! Binangungot lang ako." Ang nasabi ko na lamang sabay hilamos kunwari ng mukha para kumbinsihin ang aking sarili na isang masamang panaginip lamang iyon.

The Devil's TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon