[8] The Fourth Incident

792 35 16
                                    

[ TIME 8 ]

Tama man ang hinala ko o hindi. Wala naman sigurong masama kung susubukan hindi ba? Lalo na kung ang buhay mo ang nakataya dito.

"OH! Guys, kunin niyo 'tong mga wokie tokie na ito. Ito ang magiging communication natin. If ever malayo tayo sa isa't-isa." Saad ko habang inaabot ang 13 tokie sa kanila.

"It's either diyan o di kaya sa cellphone namin kayo tatawagan ni Michael if ever na may makita kami or masense kami, maliwanag ba?" dagdag ko pa.

"And one more thing, baka pwede naman, at least may kasama kayo dito sa grupo na isa. I mean pair kayong magkasama kahit saan kayo magpunta." Pakiusap ko sa kanila na medyo ikinagulat nila.

"Even sa C.R. kailangan kasama namin sila or sa bahay?" Gulat na tanong naman ni Trixia, ang Secretary namin.

"Ganoon na nga." Sabi ko.

"Pero may sarili kaming mga buhay." Taliwas na sabi ni Zeline.

"Pero guys inaalala ko lang naman kayo eh. Matapos lang natin itong problemang ito, babalik na rin naman tayo sa dati nating pamumuhay." Paliwanag ko.

"Baka naman sapat na ang may komunikasyon tayo. Atsaka malapit naman tayo kung tutuusin eh, mga isang sakayan lang ang layo ng mga bahay natin." Suhestyon naman ni Rhea.

"Tama si Rhea, Jeanella. Hindi naman natin kailangan maging masyadong problemado at aligaga. Minsan mas nakakasama pa iyon." Gatong pa ni Justine.

"O siya sige. Pero isa lang ang pakiusap ko, palagi niyong bubuksan ang cellphone niyo at wag niyong ilalayo sa mga kamay ninyo. Maliwanag ba?" Tumango naman silang lahat bilang kasagutan.

"O siya tara na. Kailangan ko pang umuwi." Atat na sabi ni Marvin.

"Ah wala bang sasama sa amin sa bahay ni Mariel. Makiramay na muna tayo sa pamilya niya." Pag-aaya naman ni Rhea. Hinatid na kasi sa pamamahay ng mga magulang ni Mariel ang katawan nito kaninang umaga.

"Sasama kami ni Michael." Muli ay bokuntaryo kong sagot na tinanguan naman ni Michael.

"Ako din wala naman akong gagawin eh." Pagboboluntaryo din naman ni Jessica.

Apat lang kaming nagpasyang tumungo sa bahay ng mga magulang ni Mariel. Mamayang gabi na lamang daw pupunta ang iba naming kasama. Nilista ko din ang mga pangalan nila at kung ano ang mga numbers nila para madali na naming malaman kung sino na ang sunod na puntirya. Bali ang mga natitira na lamang ayon sa pagkakasunud-sunod-(1)Rhea Dela Vega, (3)Trixia Ortiz, (4)Jay-D Ocampo, (6)Joseph Russel, (7)Justine Diaz, (8)Marvin Andrada, (10)Anthony Sullivan, (11)Jessica Mendoza, (12)Zeline Aquino, at kami ni Michael.

Pagdating namin doon, kitang-kita ang hinagpis ng ina ni Mariel habang yakap-yakap ang kabaong nito. Marahil ay lubos itong nahihinayangan sapagkat napakabata pa ng kanyang anak at isipin mo na lang ang karera nito sa buhay. Naglaho na lang ding bigla.

Naiinis ako sa taong sumumpa sa grupo naming ito kung totoo man nga ang lahat. Hindi ko alam kung ano ang dahilan bakit kami susumpain sa kabila ng mga pagtulong na ginagawa namin.

APAT na araw lang ipinamalagi ng mga magulang ni Mariel ang katawan niya sa bahay nila. Napagdesisyunan na nilang pabendisyunan na ito at ipalibing.

Kasalukuyan kami ngayong narito sa bahay nila para tumulong sa pag-aayos sa huling araw ni Mariel sa mundo. Mag-aalas-otso nang dumating ang lahat maliban lang kay Marvin.

"Asan na si Marvin?" Tanong ni Rhea sa amin na halatang namumugto ang mga mata buhat ng pag-iyak.

"Tinawagan ko siya kanina, ang sabi niya ay nagbibihis na raw siya." Pagsagot ni Joseph.

The Devil's TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon