[13] The Love Relinquishment

499 30 4
                                    

[ TIME 13 ]

PATAY ang power ng elevator, wala ding signal ang cellphone ko. Pinipigilan talaga ako ng demonyong 'yon. Mukhang sina Michael at Jessica na lang ata ang makakapagligtas kay Anthony. Sana magawa nila.

Napaupo na lang ako habang hinihintay ang pagbalik ng ilaw. Unti-unti ko ding binibilang ang natitirang oras. Dalawampu't limang minuto na lang, at matatapos na ang oras.

Tumagal ang sampung minuto subalit wala pa ding pag-usad sa elevator. Sa tingin ko ay inaayos na nila ito, pero di nila ito magawa-gawang paganahin uli. Eh ang demonyo ba naman na iyon ang may kagagawan nito, magawa kaya nilang maayos ito?

Muling sumagi sa isip ko ang sinabi ni Mr. Grey, na ang dahilan daw ng bagay na ito ay mula sa sumpang ibinato sa amin ng batang minsan na naming inalagaan. Madami-dami man ang batang natulungan namin, subalit alam kong si Camille ang gusto niyang ipunto. Pero bakit naman kami isusumpa ni Camille?

Napatayo ako bigla ng magpatay-bukas ang ilaw ng elevator. Gumagana na kaya ito?

Sa pangalawang pagblink nito, ay ganoon na lamang ang takot ko ng may lumitaw na lalaking nakaitim sa loob ng salamin. Subalit muling namatay ang ilaw. At sa pangatlo nitong pagblink ay naroon pa din ang lalaki pero sa pagkakataong ito, ay kasama na si Camille na hawak-hawak nito.

Nagtaasan naman ang balahibo ko sa katawan ng makita ito. Bakit ko sila nakikita? Balak na ba nila akong kuhanin?

"Ate Jeanella!" Mas lalo akong nanghilakbot ng tawagin ako nito sa una kong pangalan.

"Iligtas mo sila, Ate Jean. Iligtas mo sila." Dagdag pa nito at biglang naglaho. Tinignan ko din ang likod ko para icheck kung naroon pa ito, subalit wala na akong nakitang lalaki at Camille. Napakapit naman ako agad sa hawakan sa loob nang bigla uling umandar ang elevator.

Tinulungan ba nila ako? Pero... ang akala ko ba, si Camille ang sumumpa sa grupo namin?

Huminto ang elevator sakto sa ikalabindalawang palapag. Nang muli kong icheck ang oras, kulang-kulang limang minuto na lamang ang natitira.

Subalit saktong pag-angat ko ng tingin, ay namataan ko si Jessica habang yakap-yakap si Michael. Para akong naestatwa sandali ng makita ito. Bakit sila nagyayakapan? Ang tanging naitanong ko sa isip ko.

Mas lalong nanikip ang dibdib ko nang bigla na lamang isalikop ni Michael ang kamay nito kay Jessica atsaka sila tumakbo. Ano ba sa tingin nila ang ginagawa nila? Mayroon ba akong bagay na hindi nalalaman tungkol sa kanilang dalawa?

Mas lalong nanaig ang kagustuhan kong mailigtas si Anthony sa nakita kong iyon. Ililigtas ko si Anthony ng mag-isa. Umasa akong ililigtas nilang dalawa si Anthony, subalit ito pa ang maabutan ko. Ang paglalandian nilang dalawa.

Tumalikod ako para hanaping mag-isa si Anthony habang sila naman ay pumasok sa isang opisina. Pero saktong pagtalikod ko, ay namataan ko si Anthony, kasama ang pekeng Jessica. Di na ako nagpatumpik pa at agad akong nagtungo papunta dito. Papatayin ko ang doppelganger na iyon gamit ang mga kamay ko.

Nagtungo ang dalawa, si Anthony at ang pekeng Jessica, sa isang kwarto na tanging ang mga authorized personnel lang ang pwedeng pumasok. Sinundan ko sila at muling sinulyapan ang natitirang oras. Isang minuto.

Pagpasok ko sa loob, ay nakita ko kung paano sakalin ng naaagnas na bangkay si Anthony. Sinasakal niya ito malapit sa nakausling salamin at mukhang balak niya itong itulak si Anthony dito para mahati ang katawan nito. At nang akmang itutulak niya na ito, ay agad kong hinawakan sa braso si Anthony atsaka ito hinila paikot. Sakal pa din niya si Anthony subalit magkaiba na sila ng pwesto. Ang doppelganger na ang nasa tapat ng nakausling salamin habang nasa harap naman nito si Anthony. Di na ako nagpatumpik pa, at agad na itinulak si Anthony na sakal ng doppelganger pero tama lamang para makaligtas si Anthony. Nagkaroon naman ng tsansang makawala si Anthony sa kamay ng bangkay na ito kaya naman muli akong kumilos para sa katapusan nito. Kumuha ako ng kapiraso ng basag na salamin na matulis ang dulo at saka ito buong pwersang sinaksak sa ulo ng doppelganger na iyon.

The Devil's TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon