[9] The Doppelganger

672 34 6
                                    

[ TIME 9 ]

"WHERE is he?" Tanong agad ni Zeline nang makita kami sa labas ng morgue. Kotang-kota na kami sa morgue na ito, apat na tao na ang naidala namin dito.

"I'm so sorry. Hindi namin siya nailigtas. Sakto lang yung dating namin, pero huli na kami para iligtas siya." Maluha-luha ko pang sabi.

"Shit! Paano ba siya namatay?" tanong ni Justine. Pero sa halip na hintayin ang sagot ko ay agad itong nagtungo sa loob para makita ang kaibigan.

"Patawarin niyo ko guys. Hindi ko nagawang iligtas ang kasamahan natin." Paulit kong paninisi sa sarili ko.

"Don't blame yourself, Jeanella. We know that we tried our best to save Marvin. Sadyang nahuli lang tayo. Pero isa lang ang nagpapagulo sa akin ngayon eh," Ani Rhea.

"Ano naman yun?" Pagsingit ni Joseph sa usapan.

"Si Anthony, nandoon siya ng mamatay si Marvin."

"What?!" Gulat na sabi naman ng iba, lalo na si Anthony.  

"P-paanong naroon ako? Eh kasama ako sa paglibing kay Mariel kanina." Depensa ni Anthony sa sarili.

"We know, Anthony. Kaya nagtataka kami kung paano ka mapupunta roon eh in the first place kasama ka namin dito n'ong tumawag si Marvin na kasama ka niya." Pagpapanatag sa kanya ni Rhea.

"S-sandali... may tao lang akong dapat kausapin..." Sabat ko sa usapan at umalis.

"Sasama ako." Ani Michael.

"Wag na, Michael. Ako na lang." 'Di ko na inantay pa ang sasabihin niya at agad akong sumakay ng kotse.

Isang tao lang ang maari kong mapagtanungan tungkol dito. Si Mr. Grey.

Ipinarada ko ang sasakyan ko sa tapat ng bahay nito at agad na pumasok sa bahay niya. Ganoon pa rin ang ayos ng mga orasan n'ong una ko itong makita. Agad ko namang tinawag ang matanda para matanong ito.

"MR. GREY, nandiyan po ba kayo?" 'Di gaanong kalakasang sigaw ko. Pero walang sumagot ni isa.

Sinubukan kong umakyat sa sumunod na palapag. Dito ay may isang pintuan na nakabukas ng kaunti. Lumapit naman ako dito para tignan kung naroon si Mr. Grey.

"Hahahaha! Hahahaha!" Nakita ko siyang humahagalpak sa tawa habang nasa harapan niya ang labing-apat na bed clock.  Tatlo dito ay nakataob habang ang isa naman ay itinataob pa lamang niya.

"*knock**knock* Ah! Mr. Grey, ako ito si Jeanella. Pwede po bang tumuloy?" Halos matumba naman siya sa taranta nang magsalita ako. Agad niyang niligpit ang mga orasan niya sa isantabi.

"Tuloy!" Pasigaw na tugon naman nito.

"Ano ang ginagawa mo rito sa aking pamamahay?" Tanong nito sa akin.

"May gusto lamang po akong malaman." Sagot ko naman.

"Ano pa bang gusto mong malaman sa akin, Jeanella?" Nakakapanindig talaga ng balahibo ang pagsasalita niya. Para ba itong misteryosong salamangkero sa paraan ng pagsasalita nito.

"May nabawasan na naman sa amin." Panimula ko.

"Oh, ano namang tungkol doon?" Aniya na para bang walang pakialam sa anuman ang sasabihin ko.

"Yong pagkamatay niya." Dugtong ko.

"Oh?" Parang hindi talaga ito interesado.

"Tingin namin, hindi aksidente ang nangyayari. Sadyang pinapatay sila."

"Oh? Malamang pinatay sila. Malabo namang aksidente lang yung pagpugot ng ulo ni Conrad. Malabo din yung pagwakwak sa katawan ni Kristine." Pamimilosopo pa nito.

"Yon nga po. Pero bakit kamukha ng kasamahan namin yung pumatay sa kaibigan namin. Ganoon din ba 'yong nangyari sa iba naming kasamahan?"

"Hahahaha! Hindi mo ba alam ang tungkol sa doppelganger?" May halong pang-iinsulto sa himig ng boses nito.

"H-hindi. Ano po ba 'yon?" Balik kong tanong rito.

"Paano mo maililigtas ang iba mo pang kasamahan kung hindi mo naman kilala ang kinakalaban ninyo, hija? Ang doppelganger ay mga elemento ng demonyo kung saan nag-aanyong tao sila at di lang basta tao kundi kamukha ng taong kakilala mo. Lilinlangin ka nila gamit ang hitsura nila, at unti-unti ka nilang papaslangin..." Sabi nito ng pabulong sa aking tenga.

"Ibig ba n'ong sabihin, ginagaya ng killer na 'yon, kami. Para mapatay niya ang walang kamalay-malay na kasamahan namin, ha?" Lalong lumalakas ang kaba ko sa nalalaman ko. Ibig sabihin nito, maaring ang isa sa mga nakakasama namin ay nanlilinlang lang. Pero paano namin iyon malalaman?

"Oo, ganoon na nga. Kailangan niyo lang ng matalas na pandama at pangingilatis. Maging mapag-obserba kayo kung ayaw ninyong mabiktima niya kayo." Nakangiti pa nitong sabi. "Wag kang masyadong mataranta na baka isa sa mga nakakasama ninyo ay nanlilinlang lang. Magpapakita lang sila kapag oras na talaga. Diba't alam mo naman kung kailan iyon diba?" Dagdag pa niya. Alam ko naman kung kailan 'yon, eh. 'Yon ay kung nakakapanaginip kami tungkol sa mga kasamahan namin at sa mga orasan sa paligid.

"A-ano naman ang pwede naming ipanlaban dito?" Tanong ko naman. Diba't sabi nito ay isa itong elemento ng demonyo. Kung gayon, mahirap itong kalabanin sa oras na umatake iyon. Baka mamaya, maging abo na lang kami kapag hinawakan nito.

"Hahahaha! Para lang din 'yang tao, namamatay sa saksak sa ulo o sa puso."

"Ano ba ang kayang gawin n'on?"

"Malakas siya, 'yon ang kalamangan niya. Pero wala siyang kapangyarihang kayang makapagpabilis ng inyong pagkamatay. Papatayin niya kayo gamit ang kanyang kamay." At iminwestra pa nito ang kamay na akala mo ay may nilalapirot. Nakapagtataka lang talaga ang nalalaman nito. Anong ba talaga siya at bakit niya ito alam?

"Masyado kang maraming nalalaman, Mr. Grey. Sabihin mo, sino ka bang talaga?" Di ko na napigilang maitanong. Tutal ay wala naman itong preno ang bibig ko pagdatin sa mga ganitong bagay.

"At bakit? Pinagduduhan mo pa ba ako sa kabila ng mga Naitulong ko sa inyo?" Nakangisi nitong tanong. Masyado siyang misteryoso sa akin. Noong una, masyado siyang maraming alam sa amin, at ngayon ang tungkol sa sumpa na kinasasangkutan namin. Sino ba talaga siya?

"Hindi sa nagdududa ako, masyado lang kasi akong namamangha sa dami ng nalalaman mo, Mr Grey." Paglilinaw ko.

"Oh, c'mon Jeanella. Wag ka ng macurious about sa akin, ang atupagin mo na lang ay kung paano mo mailligtas ang iba mo pang mga kaibigan. 'Yon lang, at maari ka ng makaalis." Pagtataboy na nito sa akin.

Agad naman akong tumayo para lisanin na ang lugar na iyon. Pero bago ko pa tuluyang makaalis, ay nakuha ang atensyon ko ng orasan na nakasabit sa dingding ng kwarto. May larawan ng bungo ang orasan at sa gitna ay nakapang-aakit ang kinang ng itim na kristal.

The Devil's TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon