[5] Mr. Grey Gibson

1K 41 8
                                    

[ TIME 5 ]

ALAM kong magagalit sa amin si Jay-D pag nalaman niyang kami ang nagsabi na paimbestigahan siya. Pero hindi naman namin dinidiin na siya ang pumatay kay Kristine o di kaya kay Conrad. Gusto lang naming kumpirmahin kung mayroon siyang nalalaman sa mga nagaganap na pagpatay.

Si Jay-D Ocampo ang treasurer ng grupo namin, ikaapat sa grupo. Mayaman siya kaya siya na ang umako ng responsibilidad na iyon. Pero alam kong mabait siyang tao kaya malayo sa hinagap na siya ang maaaring pumatay. Pero sabi nga nila, madaling matakasan ng mga taong magaling sa artehan. Pretending kumbaga.

Kasalukuyan kami ngayong pabalik sa morgue na pinagdalhan sa katawan ni Krissia. At mula pa lamang sa labas ay nakita na namin si Jay-D na nasa gilid sa tapat ng morgue at nagsisigarilyo. Nilapitan namin ito ni Michael kasama ang dalawa pang kasamahan niyang pulis.

"Pareng Jay-D, baka pwede ka naman naming maka-usap." Agad na nag-angat ng tingin si Jay-D sa amin.

"Tungkol saan ba?! Kung anuman ang iniisip ninyo, nagkakamali kayo!" Wala pa mang sinasabi na kahit ano si Michael tungkol sa kanyang pakay ay mukhang alam na nga nito ang dahilan ng paglapit namin.

"Hindi sa ganoon pare, gusto lang naman naming—"

"Malaman kung ako ang pumatay kay Kristine?! Ha?! Ganoon ba?!! F*ck! Hindi dahilan ang break-up namin para patayin ko siya..." Nagsisimula ng maghysterical si Jay-D. Naglabasan na rin ang iba naming kasamahan mula sa loob at wari'y nagtataka sa nangyayari.

"Kung ako sayo, pare sumama ka na lang." Pakiusap na lang ni Michael.

"The Hell! No!" Madiing sabi ni Jay-D.

Nagulat na lamang kami ng bumulagta si Jay-D sa harap buhat ng pagkakasuntok sa kanya ni Michael. Marahil ay napuno na siya rito kaya niya nagawa 'yon. Muling tumayo itong si Jay-D at matalim na tinignan si Michael.

"Ano bang problema mo? Naghahanap ka ba ng gulo ha?" Pag-aamok nito at itinulak pa si Michael.

"Please lang Jay-D. Ayaw na kitang patulan pa ng isang beses, sumama ka na lang sa kanila." Mahinahong sabi ni Michael at agad na kumilos ang dalawang pulis atsaka pinosasan si Jay-D.

"Sinong nagsabing sasama ako? Bitawan niyo nga ako." Pilit na nagpupumiglas si Jay-D sa pagkakahawak ng dalawa pang pulis subalit naunahan na siya ng posas na ngayo'y nakakabit sa dalawa niyang kamay. At pagkatapos ay pinapasok sa loob ng kotse at inihatid sa headquarters. Napapadasal na lamang si Rhea sa mga nangyayari.

Muli silang nagpasukan sa loob para mag-usap-usap subalit ako ay nagpaiwan muna sa labas dahil may tumatawag sa cellphone ko, ang boss ko sa aking trabaho.

Pinapapunta niya ako ngayon roon para lamang icheck ang isang document about sa financial report ng kompanya namin for the month na dapat ay kahapon ko pa naibigay. Nagpaalam na muna ako sa kanila na sasaglit lang muna sa trabaho ko para sa utos na iyon. Malapit na lang din naman 'yon dito kaya nilakad ko na lang papunta roon.

Agad kong inasikaso ang inutos ng amo ko para madaling makaalis. Actually, nagleave muna ako for one week kahapon dahil nga sa kinahaharap naming ngayon, pero dahil amo ko siya at nakisuyo lang naman ayos lang naman na sundin ko ito.

Matapos kung asikasuhin yun, ay napagdesisyunan ko ng umuwi sa bahay. Tatawagan ko na lang si Michael na umuwi na lang ako. Habang binabagtas ko ang matahimik na kalsada daan patungo sa amin, ay para bang nakakadama ako na para bang may sumusunod sa akin. Sa tuwing lilingunin ko naman ang aking likuran ay wala namang ibang tao. Hindi ko na lang inintindi pa ang guni-guning iyon at nagpatuloy na lamang sa paglalakad.

The Devil's TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon