[20] The Eleventh Incident

501 32 3
                                    

[ TIME 20 ]

NAKATAYO kami ngayon sa harap ng kabaong ni Zeline. Nakangiti itong nakadungaw sa bintana ng kanyang ikahuling kwarto. Ang dating natural na sigla ngayon ay natatabunan ng make-up sa mukha. Wala na si Zeline. Nabawasan na naman kami.

Panay ang iyak ng kanyang mga magulang at ilang kamag-anak. Halos mahimatay na nga ang ina nito nang malamang namatay ang kanilang panganay na anak na babae. Nakakaguilty tuloy bilang kamember ni Zeline. Baka kasi iniisip nila ay kaya dahil sa grupo namin kung bakit namatay ang kanilang anak.

"Ako dapat ang mamamatay. Ako dapat 'yon. Ako dapat!" Pang-ilang ulit na sigaw ni Jay-D sa kanyang upuan. Sinisisi niya ang nagyari kay Zeline. Nang akma na sana daw siyang sasaksakin ng doppelganger, ay bigla na lamang daw sumalag si Zeline sa pagbabaka-sakaling hindi ito matuloy dahil sa may nakalaang oras para sa kanyang pagkamatay. Ngunit hindi daw nila inaasahang matutuluyan si Zeline. Kaya kasabay ng pagtunog ng orasan, ay siya ding paglaho bigla ng doppelganger. Hindi nabasag ang orasan patunay na ligtas si Jay-D.

Hawak ko na din ang I.D. ni Jospeh. Siya ang kahuli-hulihan sana naming miyembro na hindi nailigtas, pero sadyang sakim si kamatayan. Hanggang ngayon ay wala pa din akong ideya kung bakit nangyayari ang bagay na ito? Kulang ba ang pagtulong na ginawa namin? May tao ba kaming inagrabyado? Sa pagkakatanda ko naman ay wala.

"We're only two mores left. Can we still able to conquer this?" Maluha-luhang sabi ni Rhea ng tumabi sa akin sa harap ng puntod ni Zeline. Siya at si Justine na lamang ang natitirang dapat na mailigtas. Marahil ay kinakabahan na siya ngayon lalo na't limang minuto lang ang inilaang tagal na oras para iligtas siya.

"Kung sakaling hindi ako mailigtas, Jeanella, sana ipagpatuloy mo ang nasimulan natin ah. Ikaw ang mamuno sa grupo." Agad akong napalingon sa kanyang sinabi.

"Wag mo ngang sabihin 'yan? Maililigtas ka namin. Maililigtas namin kayo ni Justine. Magtiwala ka lang. Pito pa tayo, nasa kalahati pa ng grupo. Kaya wag kang panghinaan ng loob. Atsaka Rhea..." Bahagya akong nahinto sa pagsasalita dahil hindi ko na din napigilan sa pagtulo ang luha sa aking mata. "Ikaw ang pinakamagaling nalider na nakilala ko. Hindi ka lang masipag at matalino, napakabusilak din ng puso mo. Hindi ka lang din tumayo bilang isang pinuno, kundi para na din naming ina. At iyan ang mga taong dapat na manatili sa mundong ito at alam kong pakikinggan tayo ng Panginoon."

"Jeanella..." Ang tanging naisambit na lamang niya at saka ako mahigpit na niyakap.

"Maraming Salamat! Maraming salamat at nakilala ko ang isang tulad mo, Jeanella. Maraming salamat!" Damang-dama ko ang labis niyang pasasalamat sa akin. Niyakap ko na lamang din siya ng mahigpit at tinapik pa ang likuran.

Lagi akong nagtutungo sa tirahan ni Mr. Grey para sana magtanong subalit laging kandado ito kapag pinupuntahan ko. Minsan naman ay naabutan ko siya subalit paalis na para pumasok sa trabaho. Pero ang sinasabi niya sa akin sa tuwing magpapang-abot kami ay ang wag kaming makampante. Kung minsan tuloy nakakapanghinala na ang mga kilos niya. Parang may kakaiba.

Pagkalibing sa katawan ni Zeline ay balik kaming muli sa dati naming buhay. Subalit mas nagiging madalas ang pagsasama namin para pagplanuhan pa lalo ang pagligtas sa dalawa. Kung minsan pa nga ay nagtetraining kami nang sa gayon ay may maipangdepensa kami kahit wala kaming hawak na sandata.

Tumagal din ng isat-kalahating linggo na hindi nagpaparamdam ang doppelganger na iyon. Kung isa itong laro, marahil ay ipagpapasalamat ko ang matagal niyang pagpapakita nang sa gayon ay makapaghanda kami. Subalit dahil buhay ng iba naming miyembro ang nakataya, mas gugustuhin kong mangyari na agad ang lahat ng matapos na ang kalbaryo naming ito.

The Devil's TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon