[23] The Big Revelation

540 29 9
                                    

Read this note first before reading my update.

Sa lahat po ng nagbabasa ng istoryang ito, sorry po sa matagal na update. Kung nabasa niyo po yung note ko sa last part ng story I'm sure magagalit kayo sa akin. Pero ito na nga po, mahaba-haba din po itong inupdate ko. Sana sapat na kapatawaran na po, hehehe! And I just want to clarify one thing about this story. Hindi lang po horror ang genre ng story na ito. Fantasy din po. You may check out chapter number 7 para maniwala kayo. Iyong chapter na lang pala kasi ang di ko na-eedit eh. Sinasabi ko lang po ito, kasi baka magulat po kayo sa mababasa niyo sa chapter na ito at sa susunod. Ayun po! Enjoy your reading!

*****

[ TIME 23 ]

MASAKIT ang ulo ko nang idilat ko ang aking mga mata. Dama ko pa din ang impact ng pagkakahampas sa akin ng matigas na bagay.

Napatingin naman ako sa likuran ko nang maramdamang nakagapos ang mga kamay ko. Ngayon ko lang napagtantong nakaupo pala ako sa isang monoblock habang ang mga kamay ko nga ay nasa likuran at nakatali.

Inilibot ko ang tingin sa paligid para alamin kung nasaan na ako, pero nandito pa din ako sa loob ng sala ni Mr. Grey. Napadako ang tingin ko sa maliit na mesang may nakapatong na bedclock sa ibabaw, isang metro ang layo sa akin. Pamilyar sa akin ang orasang iyon. Iyon ang istilo ng orasang dahan-dahang itinutumba ni Mr. Grey nang minsang magpunta ako dito.

Napagawi naman ang tingin ko sa kusina nang lumabas si Mr. Grey habang may bitbit na champaigne. Gulat naman ito nang makita ako, na siya namang ipinagtaka ko. Kung gayon, ay hindi niya alam na naandito ako?

"Mr. Grey, tulungan mo ako! Tanggalin mo sa akin ang tali sa likod." Paghingi ko dito ng tulong.

Taranta naman niyang inilapag ang hawak na alak at dali-daling nagtungo sa aking likuran. Naramdaman ko namang hinawakan niya ang tali sa kamay ko, pero ilang saglit pa ang lumipas ay hindi pa din natatanggal sa pagkakagapos ang aking mga kamay.

"Mr. Grey, bakit hindi mo pa tinatanggal? May problema po ba?" Pilit ko siyang nililingon pero hindi ko magawa dahil hindi ko maiikot patagilid ang ulo ko gawa na din ng pagkakatali ko.

Pero nabigla na lamang ako nang hilain nito ang buhok ko mula sa likod at pagkatapos ay tumawang parang baliw.

"Hahahaha! Bakit? Anong akala mo? Pakakawalan kita?" Nagtaka naman ako sa iniasta nito. S-sandali... wag niyang sabihing...

"W-wag niyo pong... s-sabihing... k-kayo ang may gawa nito?" Nahihirapan kong tanong dito buhat ng nababatak ang leeg ko dahil sa pagkakasabunot niya.

"Can't you state the obvious, huh? Oo! Ako nga ang may kagagawan nito!"

"P-pero... b-bakit po?" Nagugulumihanan kong tanong.

"Sawa na ako sa inyo. I want to finish you all. Akala ko magiging madali lang ang paglalaro ko sa inyo, pero nagkamali ako. Dapat kayo sigurong palakpakan ng nobyo mo sa galing ninyo. Pero simula ngayon, tatapusin ko na ang laro. Hindi ko na kayo hahayaan pang mabuhay."

Sa tono ng kaniyang pananalita at sa punto ng kaniyang sinabi, parang may nais siyang ipabatid sa akin. At kung hindi ako nagkakamali, tungkol ito sa grupo namin.

Pabalibag niyang binitawan ang buhok ko at pagkatapos ay kumuha ng upuan atsaka pumwesto sa harap ko. Ngayon, ay kita ko ang kaniyang nanlalaking mata na tinernuhan ng malademonyo niyang ngiti. Isang mukha na alam mong kayang-kaya gumawa ng masama.

"Mayroon po ba kayong hindi sinasabi sa amin?" Tuon ko dito.

"Ang alin? Ang katotohanang mamamatay kayong lahat?" Asar pa niya. "Tsk! Tsk! Pasalamat ka lang at nakaligtas ka kanina, eh. Kasi kung hindi, si Rhea sana ang balak kong pumalit sa pwesto mo. Gusto kong siya ang makakita ng pagkamatay ng nobyo mo at ng iba niyo pang kasama. But since naandito ka naman na, sabay na lang nating hintayin at panuorin ang pagkamatay nila."

The Devil's TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon