[2] The Premonition and Conrad's Incident

1.4K 57 8
                                    

[ TIME 2 ]

"Ate Jean, tumakas na kayo! Bago pa niya kayo makuha! Ate Jean umalis na kayo! Ah!" Nasa isang madilim na bakanteng lote naman ako ngayon kasama si Camille na ngayon ay nakikiusap sa akin na umalis na.

"Ah! Sino ka? At ano ang ginagawa mo kay Camille?" Tanong ko sa isang nilalang na bigla na lamang lumitaw sa likuran ni Camille. Nababalot ang sarili nito ng kulay itim na tela at kasalukuyang nakatungo kaya hindi ko maaninag ang hitsura nito. Ngunit napahiyaw na lamang ako sa takot nang makita ang tunay nitong hitsura.

"Ah!" Napabalikwas akong muli sa aking pagkakahiga nang muli na naman akong bangungutin. Nasapo ko tuloy ang dibdib ko sa bilis ng tibok ng puso ko sa labis na kaba. Bakit ko ba napapanaginipan si Camille? At bakit,bakit panay na lamang bangungot ang napapanaginipan ko? Dalawa para sa isang gabi. Mukhang hindi na tama ito.

Kasabay ko sa aking pagsigaw ang pagkahulog ng alarm clock na nakalagay sa aming bedside table.

"Hey, w-what h-happened again?" Mumukat-mukat muling tanong na ni Michael.

"Ah, a-ano kasi eh... 'yong alarm clock nahulog. Nagulat lang ako." Pagpapalusot ko na lamang dito. Baka kasi mag-alala ito kapag sinabi kong binangungot na naman ako.

Pinuntahan naman agad ni Michael ang nahulog na orasan para tignan at nang sa gayon ay linisin ang mga nabasag na salamin. Pinulot ko ang nasirang orasan para tignan kung nagana pa ito ngunit hindi na. Nagulat naman ako ng tignan ko kung saan nakaturo ang dalawang daliri ng orasan. Parehas itong nakaturo sa '9' ng diretso. Sa pagkakatanda ko, sa 12 lang sabay na magtatagpo ang dalawang daliri sa orasan. Pero bakit sa 9 nagtagpo 'yong dalawa?

"Hmm... Mike, tignan mo 'to oh, parang may mali. Tamang 9:45 na nga pero bat magkadikit pa rin yung dalawang daliri?" Tanong ko kay Michael.

"Baka sa lakas ng pagkabagsak kaya nadali 'yong piyesa sa loob kaya ganyan" Sagot naman nito. Hindi na lamang ako nagreact pa kasi ano ba naman ang binatbat ko sa talino ng jowa kong ito, eh lagi yang top 1 nung elementary at high school namin. Habang ako naman ang Top 2.

Kinuha naman sa akin ni Michael ang nasirang orasan at isinilid ito sa supot na kinalalagyan ng mga nabasag na salamin.

"Sana naman wala ng istorbo" Parinig pa nito bago tuluyang mahiga.

"Naku! nagtampo naman ang baby ko. Pasok ka kasi sa panaginip ko, para sweet dreams." Sabi ko dito kahit nakatalikod ito ng higa sa akin. Niyakap ko pa ito para lambingin. Nakatsansing pa tuloy ako sa mga pandesal niyang yummy. Pinanatili ko ang ganoong posisyon at isinilid pa ang ulo ko sa balikat nito hanggang sa tuluyan na akong makatulog.

"LET'S have a meeting, dito pa din sa meeting place natin." Aniya presidente namin sa organisasyon na si Rhea Dela Vega para iinform ata kami sa susunod naming project.

"O siya sige, pupunta kami diyan ni Michael in less than 30 minutes." Sagot ko na lang dito at ibinaba na ang telepono.

"May mission na naman daw ba?" Tanong ni Michael sabay higop ng kanyang kape.

"Oo daw! Excited na nga ako eh." Sabi ko na lang dito.

Tinapos lang namin ang aming agahan at agad na kaming nagtungo sa pupuntahan.

"WHERE is Conrad? Bakit wala pa rin siya?" tanong ni Rhea kay Kristine Dixon na Vice President ng organisasyong ito. Pangalawa sa grupo.

"Di ko alam eh, pero tinawagan ko na siya for God knows, but he's not answering his phone. Give me one try again." Sagot naman ni Kristine. Tanging si Conrad na lang kasi ang wala dito. Naalala ko bigla yung napanaginipan ko about kay Conrad. Bigla tuloy akong kinilabutan nang maalala ko iyon.

The Devil's TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon