Prologue

6.2K 94 18
                                    

[ PROLOGUE ]

Tik. Tok. Tik. Tok.

Walumpu't anim na libo at apat na raang segundo. Isang libo't apat na raan at apatnapung minuto.

Tik. Tok. Tik. Tok.

Katumbas nito, ay ang dalawampu't apat na oras ng pag-inog ng mundo.

"Hindi! Ayoko! Kailangan kong makalabas. Ayokong makita!"

Maraming bagay ang makikita lamang ng pikit-mata. Madaming tunog na madidinig lamang ng tiklop na tainga. Iba-iba ang persepsyon ng tao. Iba-iba ang ugali. Iba-iba ang hilig. Iba-iba ang takbo ng buhay.

"Jeanella?"

Isa lamang kaming simpleng grupo, na walang ibang hangad kundi ang makatulong sa kapwa, ay magiging biktima ng isang malupit na parusa dahil sa kasalanang hindi namin ginawa.

"Hindi pwede! M-Michael. Hindi ka pwedeng mawala."

Isinumpa raw kami. Oo! Isinumpa nga kami. Isa-isa kaming mamamatay. Isa-isa kaming babawian ng buhay sa paraang hindi namin magugustuhan. Pero bakit? Bakit naman kami isinumpa sa kabila ng tulong na aming nagawa?

"Bakit? Ano ba ang nangyayari?"

Bawat numero sa orasan, katumbas ay buhay ng aming kasamahan. Labindalawang Numero. Labing-apat na tao. Lahat ay may tsansang mamatay. Lahat ay may tsansang mabuhay. 'Yon ay kung makaliligtas ka, sa loob lamang ng oras na sa amin ibinigay.

"Ikaw na ang isusunod! Hindi! Hindi ka pwedeng mawala!"

At sa bawat insidenteng nagaganap, elemento ng demonyo ang iyong makakaharap. Nilalang na gumagagad ng iyong kakilala at lilinlangin ka para para paslangin ka. Isang kalaban na susubok sa iyong kakayahan kung saan buhay mo ang nakasaalang-alang.

"Huwag kang mag-alala. Kasama natin si Justine. Pagtutulungan nating matalo ang doppelganger na 'yon."

Para makaligtas, kami ng aking nobyo ang napagkaloobang makita ang mangyayari bago ang insidente. Kung kami'y magiging mabilis, ang isa'y maliligtas. Kung kami nama'y magiging mabagal, buhay ng isa ang katumbas. Masalimuot ang buhay na mayroon kami. Nakakatakot!

"Hindi! Isa lamang itong pangitain. Hindi! Ayokong makita! Ayokong makita!"

You need to be strong. You need to stengthen your faith. Because once your fear eats you, it might put you into death.

"Ah! Jeanella! Tulong! Tulungan mo kami!"

Could we able to escape... from the circle of death... only in the given time... which what we called...

"Ah! Michael!"

The Devil's Time?

The Devil's TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon