[13] The Love Relinquishment

Start from the beginning
                                    

Hindi naglaon, ay nawalang parang usok ang bangkay kasabay ng pagkabasag ng tuluyan ng mga salamin. Nagawa ko. Nagawa kong iligtas si Anthony.

Nakaramdam na lamang ako ng hapdi sa kamay ng ikuyom ko ito. Mukha atang bumaon sa akin ang salamin sa pwersa na ginawa ko sa pagsaksak ng ulo ng bangkay.

Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto at pagsinghap ng isang babae. At kahit na nakatalikod ako sa kanila, alam kong si Michael at Jessica iyon. May isang minuto ding walang kumibo sa amin sa loob. Hanggang sa napagdesisyunan ko nang lumabas sa kwarto ng hindi sila pinapansin.

Narinig ko pang tinawag ako ni Michael pero hindi ko pa din ito pinansin at saka tumakbo palayo. Hindi ko na nga din namalayang napaiyak na pala ako habang tumatakbo.

Ayoko muna silang makausap. Ayoko muna silang makita. Nasasaktan ako sa tuwing maaalala ko ang nakita ko kanina. Kailan pa nila itinatago sa akin ang bagay na ito?

SAMANTALA, galit na inihagis ng isang lalaki ang kanyang orasan sa dingding. Naiinis siya kung bakit nagawang makaligtas ng isa niyang biktima. Hindi maaari ang bagay na iyon para sa kanyang manlalaro ng buhay. Hindi maaaring makaligtas ang mga taong binigyan na niya ng hangganan.

Sinulyapan niyang muli ang natitira pang orasan. Nagtatangis ang mga bagang nito habang tinitignan ito. Sa mga susunod na biktima, sisiguraduhin niyang mas magiging mahirap at mapaglaro ang pagkamatay ng iba. Pahihirapan niya ang mga ito para wala nang buhay ang maligtas pa.

Subalit, muli niyang dinampot ang inihagis na orasan at pinagpag na 'kala mo'y nadumihan. Matalim niya itong tinitigan at sinabi sa isipang 'Babalikan kita'.

TUWANG-TUWA na ipinamalita ni Anthony sa mga kasamahan ang tungkol sa pagkaligtas niya. Nagawa niyang mabuhay sa kabila ng pagtatangka sa kanya ng demonyo. Salamat na lamang kay Jeanella at nailigtas siya nito.

Samantala, hindi naman mapakali si Michael at panay ang tingin sa labas ng lugar na kanilang madalas pinag-mi-meeting-an. Inaantay niya ang pagdating ng kasintahan. Hanggang ngayon kasi, ay hindi niya pa din alam kung ano ang ikinagalit nito at ikinaiyak. Dahil ba sa hindi nila nagawang mailigtas si Anthony at siya lang mismo ang nakagawa noon? Pero parang napakaimposible naman ng bagay na iyon kung si Jeanella ang pag-uusapan. Kung tutuusin, mas gusto pa talaga ni Jeanella na siya ang magligtas sa mga kasamahan, kaya wala para kay Jeanella kung maligtas man niya o hindi ang kasamahan.

Tinawagan niya itong muli sa pagbabaka-sakaling sasagutin na siya nito, subalit tanging ang operator lamang ang nagsasalita sa kabilang linya. Hindi niya gusto ang ganito. Oo nga't may naligtas sila pero nagtatampo naman sa kanya ang kasintahan. Mas natatakot pa siyang mawala ang kasintahan kaysa sa mamatay sa isang nakakadiring sitwasyon. Mas pipiliin pa niyang matanggalan ng ulo, mahati ang katawan, mahiwa ang tiyan, kaysa sa layuan siya ni Jeanella. Kay Jeanella na ata halos umiikot ang buhay niya, kaya hindi niya kayang mawala ito sa kanya.

Pero makaraan ang ilang saglit, ay may pumaradang sasakyan sa harap ng kanilang lugar. At mula dito ay iniluwal ang ginoong si Mr. Grey at ang kasintahang si Jeanella. Tila nakahinga naman ito ng maluwag ng makitang ligtas si Jeanella. Pero di nakaligtas sa kanyang paningin ang kamay na nakabenda ni Jeanella. Nakatitig lamang siya dito at inaalala ang sinapit ng kasintahan kanina. Napuruhan ata ang kamay nito ng hawakan ang salamin.

Pero nagulat na lamang si Michael ng biglang itinago ni Jeanella ang kamay sa likod nito. Nagkatinginan tuloy silang dalawa. Pero nauna ng umiwas ang babae. Nagpatuloy ang dalawa papasok ng kanilang pinagmi-meeting-an at nilagpasan si Michael na akala mo ay hindi kasama sa grupo. Inaamin ni Michael, nasasaktan siya sa ginagawa ng kasintahan kaya hinawakan niya ito sa braso para sana kausapin pero pinangunahan na siya nito.

"Mamaya na tao mag-usap, Michael." Malamig na sabi nito sa kanya. Para naman siyang nabuhusan sa sinabi nito at nanigas. 'Ano ba ang pinoproblema ni Jeanella?' tanong na nagpapagulo sa utak ni Michael.

Nagkasiyahan ang buong grupo ng sandaling iyon kasama si Mr. Grey. Nagpapasalamat na din ang iba at tinanggap na ang matandang kasama nila. Lahat ay nagdiwang sa pagkaligtas ni Anthony. Pero si Michael, hindi niya magawang magsaya buhat ng kinahantungan nilang magkasintahan. Ano ba talaga kasi ang dahilan ng pag-iwas sa kanya ni Jeanella?

Hanggang sa matapos na lamang ang pagdiriwang nila at mag-uwian ang iba. Pero bago pa sila tuluyang magkahiwa-hiwalay, ay binalaan pa sila ni Mr. Grey na hindi pa sila dapat makampante pagkat hindi pa doon natatapos ang lahat. Aware naman sila dito, pero di maiwasang mangamba ang grupo. Gayunpaman, ay ipinagpapasalamat pa din nila na nagawa nilang mailigtas ang isang miyembro.

Nang makahanap ng tiyempo, ay agad na hinatak ni Michael palabas ng bahay na iyon si Jeanella. Gusto niya itong komprontahin tungkol sa kanilang dalawa. Hindi naman nagpumiglas si Jeanella at nagpakaladkad dito. Subalit ng binitawan siya ni Michael, ay agad siyang nagbitiw ng salita na mas nagpagulat kay Michael.

"Maghiwalay na tayo." Buo ang loob na sabi ni Jeanella.

The Devil's TimeWhere stories live. Discover now