Anong nangyari noon? Bakit nandon ang Jared na 'yon sa ala-ala nya?

Nagsasalita tungkol sa kanilang business si Lorie ngunit wala syang marinig nakababa lang ang kanyang paningin sa pagkain.

What the hell is happening to me?

Anong nangyari nong gabing 'yon? Bakit nya binugbog ng sobra ang lalaking 'to? Bakit sya galit na galit? At sino ba talaga ang kasama nito? Naguguluhan na talaga sya. Bakit nalilito sya sa nangyayari?

Nakita nya na dati ang ala ala na ito. Ngunit nakalimutan na nyang muli.

"Sean." narinig nya ang boses ng babae sa kanyang ala-ala. Kasabay non na tinawag rin sya ni Lorie. "Sean."

Parang kumabog ang dibdib nya nang mapagtantong kaboses iyon ni Lorie. Hindi lang ka-boses. Sakanya talaga 'yon.

"What?" tanong nya.

"Tinatanong kita kung okay lang ba sa'yo 'yon?" tumango sya saka nag iwas ng tingin.

Napairap nalang si Lorie saka ipinagpatuloy ang pagsasalaysay.

"Excuse me." tumayo si Sean. Napatingin naman ang lahat sakanya.

"Where are you going?" tanong ni Driana.

"Basta. Continue." utos nito kay Lorie na ngayon ay inirapan lang sya.

Nagtungo si Sean sa terrace sa taas ng restaurant. Kaunti lang ang tao dito.

Napabuntong hininga sya habang iniisip ang ala-ala. Gulong gulo ang kanyang utak.

Napapikit na lamang sya habang sinasamyo ang malamig na hangin.

"A-Alam mo ba.." napadilat sya nang marinig nanaman ang boses ni Lorie.

Ipinikit nanaman nya ang mga mata. Nagsimula nanaman syang makarinig ng boses.

"Mahal na mahal kita. Gagawin ko lahat para sayo. Gusto kong makakita ka. Kaya pinagtrabahuhan ko. Gusto kong tulungan ka. Kahit babuyin ako ng iba basta ang kapalit non ay ang ikakabuti mo. Kinalimutan ko ang sarili ko para sayo."

"Sinaktan mo ko, galit ka sakin nang muntik ko nang ipagbili ang katawan ko. Pero para sayo yon, Sean. Mahal na mahal kita, kaya ginawa ko yon. Kinalimutan ko ang sarili ko."

"Wala akong ginawang masama sayo para ganituhin ako. Naisahan mo ko. Niloko mo ko. Putang ina! Ang sakit! Para mo narin akong pinatay! Tangina mo! Mahal na mahal kita! Pero ginawa mo sakin 'to!"

Napadilat s'ya. Biglang kumirot ang kanyang ulo. Napakasakit. Napahawak sya sa pader. "Shit."

Hindi inaasahang nakita nya ang mukha ni Lorie. Ngunit hindi ito katulad ng itchura nya ngayon. Kulay itim na medyo brown ang buhok nito. At wala itong kahit anong make up. Kitang kita ang natural nitong ganda. Pawisan ito at nanlalaki ang mata.

"SINO KA? SAAN KA NANGGALING?! ANONG PANGALAN MO?!?"

Napakurap kurap sya nang mawala ang imahe na iyon.

Bakit nandon si Lorie? Anong kinalaman nito sa past nya?

"Sean.." napatingin sya sa kanyang likuran. Namilog ang mata nya nang makitang si Lorie ito at mukang alalang alala sakanya.

"L-Lorie.." usal nya sa pangalan nito. Biglang nagbago ang ekspresyon nito. At biglang nagbago rin ang muka.

"It's me, Driana." malamig sa sabi nito. Napakurap sya ng ilang ulit nang mapagtanto na si Driana nga.

"Tara na sa loob." sabi nito saka yumakap sakanyang braso.

---

NANG MAKAALIS si Sean para magpunta sa terrace ay agad na nabago ang ekspresyon ni Driana. Ngumisi ito saka tumingin saakin.

"Long time no see," wika nito saka nagtaas ng kilay. "Rits.."

"Long time no see ka rin!" sarkastikong wika ko.

"Tahimik na ang buhay namin ng asawa ko. Wag mo na syang landiin pa." sabi nito. Napatingin ako kay Jared na ngayon ay nakikinig lang saamin.

"Excuse me, Hindi ko nilalandi 'yang asawa mo! Malandi lang talaga 'yan." inirapan ko sya. Sinamaan nya ko ng tingin bago tumingin kay Jared.

"So, Jared is your boyfriend, huh?" nakangising sambit nito.

"I'm not her boyfriend. We're just pretending pero kita mo naman.. Nagselos yung isa. Bakit naman kaya? Parang may mali? Mahal ka ba talaga non?" nakangising sabi ni Jared. Sinamaan sya ng tingin ni Driana.

"He loves me. Hindi lang talaga sya nakakaalala!" giit nito.

Humalakhak kami ni Jared saka nag-apir. Para kasing ang defensive ni Driana eh. Napikon ang gago samin kaya umirap nalang.

"Hindi mo ba alam yung kasabihan na-- ano na nga 'yon? Hayst. Basta. If Sean loves you, maaalala ng puso nya 'yon." pang aasar ni Jared. "O baka naman hindi ka mahal."

"What the fuck is your problem?!" galit na sigaw nito. Nagtinginan tuloy ang iba.

"He loves me." giit nito.

"K." humalukipkip ako habang tinitignan kung paano umusok ang kanyang ilong sa inis.

"And we're happy together."

"Sige." sagot ko ulit habang tumatango tango. Mas lalo syang naasar.

"We're meant to be. We're destined for each other!"

"Ahh ganon ba.."

"He can't live without me!"

"Ows.."

"He can't love another woman after me."

"Sige lang.."

"He's crazy over my body!"

"Ay, okay.."

"We have our son!" galit na sigaw nito. Napahinto ako. Ngumisi naman sya.

"So, you didn't know?" nakangising sabi nito.

Nanginginig ang kamay ko. Hinawakan iyon ni Jared. "Relax." bulong ulit nito.

Mas lalong ngumisi si Driana. "He loves our son. Mahal na mahal nya 'yon." nakangisi parin ito.

"We. Have. Our. Son." parang nang aasar na ulit nito.




Ngumisi ako. "We have a twin, bitch."

Namutla s'ya.

Helplessly Falling Deeply With A Stranger (R18)Where stories live. Discover now