Parang ganito rin ang nangyari dati. Noong nagtatrbaho ako sa mini store at lagi syang nandon para magbantay.

---

NAGMULAT ako ng mata. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko.. 2:38 am na.

Umupo ako at nag inat. Nananakit nanaman kasi ang katawan ko.

Napalingon ako kay Sean na mahimbing ang tulog. Nakailang rounds nanaman kami pihadong pagud na pagod 'yan.

Nahiga akong muli at tinitigan lang ang kanyang mukha.

Ang daming ginawang masama sakin ng lalaking 'to. Pero nilalapitan ko parin sya. Kung bakit ako lumalapit sakanya ay hindi ko alam.

Isa lang ang sigurado ko. Hindi na ko mahuhulog sa lalaking 'to.

"R-Rits.." napahinto ako dahil sa binanggit n'ya.

Nananaginip? Pinakatitigan ko sya. Nakakunot ang kanyang noo.

"R-Rits.. S-Sorry na.. S-Sorry.."

May tumulong luha mula sa kanyang mata. Bahagya akong lumayo. Nangilid ang luha saaking mata.

"Rits.. Forgive me." paungol na sabi nya.

Tuluyan akong lumayo sakanya. Tuluyang tumulo ang luha saaking mga mata.

"A-Ang kapal mo.. Sorry lang? Hindi mo alam kung gaano kasakit, Sean. Mahal na mahal kita.. Ginawa ko lahat para sayo pero.. Pero.. Binigo mo ako." napahagulgol ako.

Nanginig ang aking labi habang nakatingin sakanya.

"Driana, you know my job. Kailangan kong mapalapit sakanya para mapatay sya. Nang sa ganon, magiging akin lahat ng ari arian at kayamanan ng ama ni Rits."

"Tsk. Fine. Hindi ko nasasabihin kay daddy na itigil ang pag invest sa papa ng hitad na 'yon. Basta. Yung promise mo pagkatapos ko dito, magpapakasal na tayo."

Nasapo ko ang bibig upang hindi gumawa ng ingay dahil sa paghagulgol ko.

Bumabalik ang sakit habang nakatingin ako sakanya.

May fiancé sya dati. Paano kung pinaglalaruan nanaman nya ko?

Pinunasan ko ng marahas ang aking pisngi saka tinignan sya ng walang emosyon.

"Hindi mo na ko maloloko, Sean." malamig na wika ko aaka nag damit.

Saka mabilis na nagtungo papunta sa aking sasakyan at pinaharurot 'yon.

----

NAGISING si Sean sa sinag ng araw. Agad nyang kinapa ang kanyang katabi. Ngunit wala don si Lorie.

"Lorie?"

Kinapa nya ang paligid upang tumayo. Nang makapa nya ang baston ay agad nya itong itinungkod sa lupa saka pinakiramdaman ang paligid.

"Lorie?" tawag nya ngunit hindi ito sumasagot.

Nagpunta sya sa kusina upang alamin kung nagluluto lang ito. Ngunit wala sumasagot.

Naupo sya sa sofa nang mapagod.

"Lorie, Nasaan ka ba?"

---

"YOU'RE really something, Lorie." naiiling na sabi ni Drius habang nakaupo sa mahabang sofa sa aking opisina.

"I'm busy, Drius. Wag mo kong guluhin." naiiritang giit ko.

"So, ano? Ayaw mo na talaga syang makita?" tanong nito na nakataas ang kilay.

Umirap ako saka tinuon ang pansin sa laptop. "Napakachismosa mo alam mo 'yon?"

"I know that. Pero ano nga? Ganon nalang? Ayaw mo na talaga?"

"Can you just fucking leave? Or just shut up? Marami akong iniisip, Drius. Wag mo na kong guluhin." matigas na wika ko.

Itinaas nya ang kanyang paa sa sofa. At humalukipkip.

"Ako ba talaga ang gumugulo sayo o si Sean?" nakakalokong ngumiti ang lalaki saakin.

Handa na kong singhalan sya nang may kumatok sa pintuang malaki.

Tumayo si Dris upang buksan ang pinto. Ako naman ay inabala ang sarili sa pagbabasa ng reports tungkol sa kompanya.

"S-Sean.." narinig kong usal ni Drius.

Napatuwid ako ng upo at bumilis ang aking puso.

Bumagsak ang aking balikat at naningkit ang mata nang makitang hindi si Sean ang kumatok kundi ay ang secretary ko.

Umigting ang panga ko lalo na nang makita ko si Drius na humahalakhak.

"Fuck you, Drius!" nag ngingit ngit sa galit na sigaw ko.

Nagtaas naman sya ng dalawang kamay tanda ng pagsuko saka lumabas ng opisina.

Napasintido nalang ako.

Bakit ba ko umaasa? At ano bang pakielam ko sa lalaking 'yon?

Hindi ko na talaga sya pupuntahan kahit kailan! Ang kapal ng muka ng lalaking 'yon!

Nagpunta lang naman ako sa kanya non kasi birthday nya. Naawa lang ako yun lang yon. Kahit hindi nya deserve ang awa ko.

Urgh! Umalis ka sa isip ko, Sean! At tumigil ka sa kalandian, Loretta!

Hinding hindi ko na muling pupuntahan ang lalaking 'yon! No! As in no! Never! Neveeeeer!

Helplessly Falling Deeply With A Stranger (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon