Chapter 43 Undeserved

Magsimula sa umpisa
                                    

Nang maghapon ay nagpalit kami ng damit para sa PE class namin. Naglalakad kami ngayon papunta sa field habang dala-dala ang mga bolang gagamitin namin para sa klase.


"Kyla, ayos lang ba sayo na sumali?" Tanong ko sa kanya.

"Siguro, Jassy." Hindi siguradong sagot niya sa akin.


"Okay, class!" Tawag ng PE teacher namin. "Para sa activity natin ngayon, sasamahan tayo ng section 2 para maging equal ang bawat team and madami, mas masaya diba?"

Nagulat kaming section 1 sa sinabi ng aming teacher. Napatingin kami sa mga section 2 na naglalakad papuntang field. Naka PE uniform din sila habang malalawak ang ngiti na tila ba ay sasabak sa totoong laro.


"Shit. Yung tiyan ko, Jassy." Mabilis akong bumaling kay Kyla. Inalalayan ko siya dahil sa kanyang iniinda.

"Go with your teams. Go! Go!" Pumapalakpak na utos ng Teacher namin.


Naglakad kami ni Kyla papunta sa bleachers. Hindi na muna kami nakisali sa grupo namin. Sinamahan ko muna si Kyla habang naghahanda sila sa laro.

Unang laro ay nangunguna ang section namin. Ngunit nang mag pangalawang laro na ay nakahabol ang section 2 kaya eager ang section namin na makahabol.


"Kyla!" Tawag ng leader namin. "Pasok ka!"

Mabilis na nanlaki ang mga mata ko. Hindi kaya ni Kyla maglaro.


"Ano, Kyla?" Inip na tawag ng leader namin. Ambang tatayo na si Kyla ngunit pinigilan ko siya.

Tumayo ako at humarap sa leader namin. "Ako na lang!"


"Okay, dali!" Sambit niya at sinenyas na pumasok na ako sa game field.

"Jassy..." Tawag ni Kyla sa akin sabay hawak sa aking braso. Lumingon ako sa kanya tsaka ngumiti.


"It's okay." Sagot ko at tumakbo na papunta sa mga kagrupo.

Napalunok ako nang makita ko kung sino ang mga kalaban namin mula sa section 2. Nasa game field yung babaeng kumausap sa akin sa party ni Lance tsaka yung babaeng may pinakamalakas na sigaw noong naglalaro si Kiel sa court.


Ngumisi sila sa akin habang nakaporma panglaro at parang torong susugod sa amin. Pumito na ang teacher namin hudyat na simula na ang laro.

Kinakabahan ako habang nakatingin sa bolang nasa amin. Binato iyun ng leader namin. Mabilis na naka-ilag ang kabilang koponan. Umilag ako sa bola nang tumama ito malapit sa pwesto namin.


"Ikaw na, Jassy." Wala sa sarili kong sinalo ang bola at kunot noong tumingin sa kanila.

Ako na ang magbabato sa kabilang koponan. Hindi ko alam pero biglang nawala ang mga inensayo namin noong huling klase namin sa PE. Nakita ko ang pagngisi ng mga fangirls ni Kiel na tila ba ay sinusumpa nila ako.


"Go, Jassy!!" Natigil ako at mabilis na liningon ang sumigaw.

Nakita ko ang grupo ni Kiel sa gilid ng bleachers. Naka jersey sila at kasama niya sina Aiden, Lance at iba pang kagrupo.


"Kaya mo yan, Jassy!!" Sigaw niya at pumalakpak habang nakangiti sa akin.

Natawa naman ang mga kasama niya at inasar siya ngunit hindi siya nagpatinag at patuloy akong chineer.

What Love Can Do? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon