Chapter 43 Undeserved

Start from the beginning
                                    

"But Kiel, kaibigan mo sila. Hindi nang-aagaw ang isang kaibigan." Sagot ko sa kanya. Tumango si Kiel sa sinabi ko.


"I know. Yes." Pumukit si Kiel na tila ba'y nahihirapan lunukin ang isang bagay.

"I'm sorry. I'm sorry kung seloso at praning ako pagdating sayo. I don't know. Kaya kong isuko lahat, kaya kong iparaya lahat." Ilinagay niya ang aking ulo sa kanyang dibdib at yinakap ako ng mahigpit.


Naramdaman ko ang mabilis na pagtakbo ng aking puso habang nasa bisig ako ni Kiel. Ang mga sakit na naramdaman ko kanina ay unti-unting natatabunan ng pagmamahal na nararamdaman ko kay Kiel ngayon.

"Pero hindi ikaw Jassy. Hindi..."


Kinabukasan ay sabay ulit kami ni Kiel pumasok. Nakayukong ulo akong naglalakad habang nasa tabi ko si Kiel. Halos itago ko na ang magkahawak naming kamay dahil sa mga matang nakatingin sa amin.

"I'll see you later?" Sambit niya sa akin. Huminto kami sa harap ng aming classroom.


Tumango ako sa kanya at babawiin na sana ang aking kamay ngunit hinila niya ako palapit sa kanya. Mabilis akong nataranta.

"Kiel!" Tawag ko tsaka iniwas ang aking pisngi sa kanya. Nakita ko ang gulat at pagtataka sa mukha ni Kiel.


"P-Papasok na ako. Tsaka pumasok ka na din." Sambit ko kay Kiel upang mawala ang pagtataka niya.

"Okay. Behave ka ha." Bilin niya sa akin. Sinikap kong ngumiti at tumango sa kanya.


"Ikaw din. Study well." Sambit ko sa kanya. Ngumiti siya at malambing na kinurot ang aking pisngi.

Sa puntong ito, siya na ang lumapit sa akin. Wala akong nagawa kundi ang iatras ang mukha ko sa kanya. Mabilis na kumabog ang puso ko.


"I love you." Mahina at malambing niyang sambit sa akin. Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking pisngi.

Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang grupo ng mga babaeng nakita ko sa party ni Lance. Iyung mga fangirls ni Kiel na kinausap ako at prangkang ipinamukha sa akin na hindi ako bagay sa minamahal nilang hari.


"S-Sige, Kiel." Sagot ko tsaka humakbang paatras. Galing sa mga grupo ng babae ay ibinaling ko kay Kiel ang aking mga mata.

"Pasok na tayo. Magsisimula na ang klase." Sambit ko at mabilis na tumalikod.


Mabilis ang kabog ng aking puso habang naglalakad papunta sa aking upuan. Nakita ko si Kyla na kunot noong nakatingin sa akin. Pansin kong nasa pintuan pa din si Kiel at hindi pa umaaalis.

Nagkunwari akong abala sa pagbubuklat ng aking mga libro.


"Ayos ka lang, Jassy? Yung nangyari kagabi..." Bumaling si Kyla sa pintuan. "Ayos lang kayo?"

Inangat ko ang ulo ko at nakita kong naglalakad na papunta sa classroom nila si Kiel.


"Ayos lang." Sagot ko kay Kyla. Tumango naman siya sa akin.

"Sorry hindi kita nasabayan pauwi kagabi." Sambit ko sa kanya.


"It's okay. Hinatid naman ako ni Aiden." Sagot niya sa akin.

What Love Can Do? (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now