Ashlei's POV

"O, Lucille. Pinapatawag raw tayo "

"F*ck!!" tapos hinampas niya yung mesa ng may halong pagkainis. Ito yung side ni Lucille na mas mabuti kung hindi mo na lang salubungin at pansinin.

"Kung ayaw mong pumunta dun, sige ako na lang! xD Sabihin ko na lang na may--- O__O" bigla siyang tumayo. "Saan ka pupunta?" then she glared at me. =/

"Pinapatawag tayo, right?" she rolled her eyes on me then started walking away.

"Ang sungit mo talaga, Lucille!!" pero patuloy lang siya sa paglalakad. "Hindi ka man lang ba hihingi sa akin ng sorry?!" sigaw ko. Luckily, huminto siya at lumingon.

"At kelan pa ba nangyari 'yun?" she coldly answered. Tapos tuluy-tuloy na naman siya sa paglalakad.

Simula nang maging kaklase ko si Lucille since 1st year, even once, hindi ko siya narinig na humingi ng tawad sa tao na nagawan niya ng masama. Hindi ko nga alam kung bakit pero parang may disorder itong si Lucille na kapag babanggitin niya yung word na 'sorry' e bigla na lang pumipilipit yung dila niya. Ewan ko ba..

No choice ako, sinundan ko na lang siya.

________________________________________________________________________

Office of the President

Minsan lang magpatawag ang President sa kanyang office. Simula ng maging officer kami ni Lucille sa Student Council ay tatlong beses pa lang nagpatawag ang President, and that was for the Preparation for the School Festival. But now? Wala namang important event sa school, and besides, malayo pa ang School Festival. Kaya naman nakapagtataka.

"Nasaan na si President?" tanong ko kay Lucille.

"Malay ko, ikaw ang kasama ko, 'di ba?" tapos umupo na siya kaagad dun sa sofa.

"Lucille, ano ba?! Tumayo ka nga diyan! Pagagalitan tayo nang President kapag nakita ka niyang nakaupo diyan ng walang pasabi e." may rumor kasi sa school na observant raw ang president pagdating sa kanyang office. Ayaw niyang nagugulo ang kanyang mga gamit.

"Alam mo, Santillan, kung ayaw mong umupo.. okay! Basta ako, uupo! Bahala ka diyan. 'Di kita papakialaman, kaya 'wag mo rin akong pakialaman." tapos nangalumbaba pa siya.

"Hay nako! Pasaway ka talaga, Lucille! Ikaw na ang pinakapasaway na taong nakilala ko!!" pero hindi naman na siya sumagot.

After 10 minutes, wala pa ring dumadating. Kaya naman I decided na umupo na rin. Hindi na baleng mapagalitan, dalawa naman kami ni Lucille eh. Pero maya-maya..

"Sorry kung pinag-antay ko kayo ng matagal.." O___O?? Siya na ba 'yun?

Napalingon ako at nakita ko ang isang lalaki... gwapo-- I mean, mukhang mayamang tao. Napatayo ako bilang paggalang.

"Uhh. Good Morning, President!" tinatapik ko yung balikat ni Lucille para tumayo rin siya. Pero inisnob lang ako at tinabig pa yung kamay ko. Grabe talaga.

"Ahh.. Sorry, Miss Santillan! Pero hindi ako ang President. xD"

"Ha?? O___O??" tapos si Lucille bigla namang nag-smirk. Tawanan raw ba ako?! T___T

Speaking of, katulad ng ibang school.. may School President ang XLU (Xavier Lee Univ). Pero unlike other schools.. may pagka-Charlie sa Charlie's Angels ang Head at Owner ng XLU. Wala pa kasing ni isang estudyante na nakakita sa mukha ng President. Madalas lang itong nagpapadala ng isang representative para humarap sa mga meetings, seminars, and events na inoorganize sa loob ng school.

My Secret RewardWhere stories live. Discover now