Chapter 42 Officially Mine

Start from the beginning
                                    

"Good morning!" Sinalubong niya ako ng isang matamis na ngiti.


"Wala yun, Kiel. Kain na." Sagot ni Mama tsaka ngumiti kay Kiel na naglakad palapit sa aking tabi.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Napansin ko ang pagkunot ng noo nila Mama at Papa.


Tumawa lang ng cute si Kiel tsaka humarap sa akin.

"Sinusundo ang girlfriend ko." Sagot niya sa tanong ko. Sandali kong pinagsisihan na tinanong ko pa iyun kay Kiel.


"A-Ako?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya. Narinig ko naman ang malakas na pagtawa ni Kuya Joshua.

"Of course, you're my only girlfriend." Sagot niya tsaka matamis na ngumiti sa akin.


"Kumain ka na, Jassy. Baka mahuli pa kayo sa klase niyo." Mabilis akong napalingon kay Papa.

Bigla akong kinabahan. "Papa!"


"Sasabihin ko din naman po yung tungkol sa amin-" Hindi na ako pinatapos ni Papa sa pagsasalita.

Ngumiti siya tsaka umiling sa akin. "It's okay, princess. Kiel already told us about it."


Mas lalong nalaglag ang panga ko tsaka lumingon kay Kiel na nasa aking tabi.

I see a different version of Kiel right now. A version I didn't expect he will be, especially to me. Am I that lucky to have this kind of version of him?


"Mag-iingat kayo." Bilin ni Mama sa amin pagkayari naming kumain ng almusal.

"Salamat po, Tita Janine at Tito James." Sambit ni Kiel tsaka bahagya pang nag bow sa mga magulang ko.


"Sige, Kiel. Yung napag-usapan natin ha." Bilin ni Papa kay Kiel. Ngumiti si Kiel tsaka tumango kay Papa.

"Anong pinag-usapan niyo ni Papa?" Mahinang tanong ko nang makalabas kami ng bahay.


Lumingon naman si Kiel sa akin tsaka ngumiti. I saw how he scrunched his nose nang linapit niya ang kanyang mukha sa akin.

"Boys talk, baby eh." Sagot niya tsaka hinawakan ang kamay ko. Kaagad akong nakaramdam ng boltahe ng kuryente sa aking katawan.


"Huh? Anong boys talk?" Pangungusisa ko sa kanya.

"Ehem...yung kamay. Ehem." Nagprente umubo si Kuya tsaka dumaan sa aming harapan ni Kiel.


Nabuwag kaming dalawa kaya nabitawan ni Kiel ang aking kamay. Sinamaan ko naman ng tingin si Kuya Joshua dahil sa ginawa niya.

"Sorry, bayaw." Sagot ni Kiel tsaka ngumiti at ilinagay ang mga kamay sa kanyang bulsa.


Kaagad naman siyang liningon ni Kuya Joshua. "Pakyu."

Tumawa lamang si Kiel tsaka umiling sa sagot ni Kuya. Naglakad na ulit siya palapit sa akin at sinamahan akong makalabas ng bahay.


"Susundan ko ang kotse mo, Kiel. Alam mo na kung saan ang destinasyon mo kapag lumiko ka kasama ang kapatid ko." Sambit ni Kuya bago siyang sumakay sa loob ng kotse niya.

What Love Can Do? (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now