"Pero pakiramdam ko may kakaiba sa kaniya," nakakunot noong sabi niya.


"Ano naman 'yon puso?" pang-asar na sabi ni Ace.


"Seryoso ako, kaso hindi ko alam kung ano." Napanguso si Heart.


"Gutom lang 'yan , tara at magluto na tayo." Hinila na ni Ace si Heart palabas. Kakaiba? Napapraning lang siguro si Heart.


Nang makalabas sila ay naglakad na din si JD palabas pero bago siya umalis...


"Hindi ka pa ba pagod na magpanggap?" sabi ko na nagpatigil sa kaniya.


"Alam kong alam mo ang sinasabi ko."


"Anong pinagsasabi mo?" seryoso niyang sabi.


"Aksidente, aksidente tama ba ako? Randam ko, alam ko."


"Wala kang alam." Meron, JD.


"Bakit hindi mo na lang sabihin ang totoo? Hindi ka ba nahihirapan?"


"Hindi pa ito ang tamang oras," mariing sabi niya.


"Kung ganoon, kailan?" Hindi niya ako sinagot bagkus ay derederetso na itong lumabas


Isa ka sa amin. Iyon ang nararamdaman ko.


***

Ms. Santos' P.O.V (Myra.)


Kahit nahihilo ay binuksan ko parin ang mga mata ko. Kanina, naglalakad lang ako sa hall way nang biglang may nagpaamoy sa akin ng panyong may pampatulog.


"Myra?"


Napalingon agad ako sa aking kanan dahil doon nanggaling ang tumawag sakin.


Napasinghap ako. "M-Maesha?" napahikbi ako ng sabihin ko ang pangalan niya. Lalapit sana ako sa kaniya pero naramdaman ko na lang na nakaposas ako. Ang mga kamay at paa ko, ganoon din siya.


"Myra..." umiling-iling siya habang naiyak. Ang tagal niyang nawalay sa amin. Sobrang miss ko na ang kapatid ko, ang isa sa kakambal ko.


"Anong ginagawa natin dito?" mahinang sabi ko, nahihilo parin ako.


"Nasa kastilyo tayo. Unti-unti nang nagigising ang kalahati niya, Myra. Ang anak ko, paano na siya," umiiyak na sabi niya. Kahit ako ay napaiyak na rin sa gulat.


Hindi ko inaakalang ganitong kabilis. Hindi ko pa nasasabi kay Loki ang tunay na nangyare noon.


Magsasalita pa sana ako nang marinig kong may mga yapak na padating.


"Nakakatuwa kayong pagmasdan."



Nanlamig ako ng marinig ko ang boses niya. Napatingin ako sa taong iyon at napasinghap sa nakikita. Ibang iba na siya at alam kong konti na lang ay mag-iisa na sila.


"Isa na lang ang kulang sa inyo, ah. Mali pala, dalawa pa. Maipaghihiganti ko na rin ang aking ina at ang sarili ko, kaawa-awang ama ko. Namatay dahil sa kahibangan niya." Kinabahan ako.


Dalawa. Si Mira at... si Jean, ang pamangkin ko.


"Konti na lang, sana'y magising na ang kalahati ko. Para magawa ko na ang matagal ng dapat na nasimulan."


"Mate mo siya, nakatadhana kayo...maatim mong paghigantihan siya?" sabat ni Maesha. Natigilan siya at bigla na lang nawala ng parang bula.


Pakiusap. Sana huwag matuloy ang binabalak niya. Sana...


"Ang anak ko, o Diyos ko..." narinig kong iyak ni Maesha kaya napatungo ako saka bumigkas ng mga dasal.


***


Jean/Anne's P.O.V


"Bagay sa iyo ang damit na 'yan," puri niya sa aking suot. Kulay dugo ang dress na suot ko, hanggang tuhod ito. Masasabi ko ngang maganda ito para sakin gawa na rin ng puti at medyo maputla kong balat. Tumango ako at bumalik sa pinagbihisan ko saka lumabas para mabayaran ang napili ko.


"Sisiguraduhin kong ikaw ang pinakamaganda sa selebrasyon na magaganap sa biyernes," sabi pa niya, tahimik lang ako hanggang sa mabayadan niya.


Nang makauwi kami ay nagpaalam agad ako na matutulog na dahil sa pagod na maghanap ng susuotin.


Habang nakahiga ay nakaramdam ako bigla ng kaba, kaya napahawak ako sa aking dibdib...


"Jean..." Lumakas ang tibok ng puso ko. Isang tao lang ang nakakagawa sa akin ng ganito at 'yon ay si Dwight


Agad akong napabangon at napatingin sa bintana nang maramdaman ang hangin na nagmumula roon. Kanina lang ay sarado 'yon, lumapit ako dito at nagulat ng makitang may kumikinang na bagay ron.


"Iyong kwintas," nasabi ko na lang, agad ko itong kinuha. Isinarado ko ang bintana saka tiningnan ang kwintas, parang may iba. Paano ito napunta roon?


Imbis na isuot ay itinago ko na lang ang kwintas sa ilalim ng unan ko.


May kakaiba...

A Bloody Mess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon