Epilogue

27.6K 480 36
                                    

Sa dinami-daming nangyari. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil binigay niya parin sakin yung lalaking minahal ko. Yung lalaking pinaramdam sakin ang pagmamahal. Yung lalaking minahal ako ng totoo. Yung lalaking magiging ama ng anak ko. Yung lalaking pinaramdam sakin na mahalaga ako sakanya. Hindi ko inakala na mangyayari talaga 'to. Akala ko isang panaginip lang 'to.

Isang panaginip pero totoo pala. Halo-halong pakiramdam at emosyon ang nararamdaman ko ngayon habang nakaharap sa salamin. Gusto kong umiyak at tumalon-talon sa saya. Ayoko namang masira ang make-up ko, dahil lang iiyak ako dito. Sa sobrang dami kong pinagdaan dito parin pala ako tutungo. Kinakabahan ako sa mangyayari mamaya. Hindi ako mapakali dahil baka mautal utal ako sa sasabihin ko mamaya. Napakadaming bisita pa naman. Lalo na at bisita pa 'yun ni Xander. Nakakahiya naman kung magkamali ako.

"Anak, wag kang kabahan. Nandito lang ako" sambit ni Mama na umiyak pa kanina dahil mawawalan na daw siya ng anak. Ang drama ng nanay ko hindi naman ako aalis.

Nakaharap lang ako sa salamin ngayon at pinagmamasdan ang itsura ko. Nakawedding gown ako at naka make-up. Naninibago nga ako sa itsura dahil sa pinaglalagay sa'kin. Kaming dalawa lang ni Mama dito sa loob ng kwarto ko. Di na ako inaayos at dito na rin ako nagsuot ng gown. Pinilit pa nga ako ni Xander na sa hotel na lang daw ako pero tumanggi ako. Ayoko ng gumastos pa siya dahil marami na siyang nagastos dito sa kasal namin.

Ilang oras na lang ay ikakasal na ako. Medyo halata na si baby pero hindi naman gaano kita dahil sa wedding gown ko. Parang gustong lumabas ng ng puso ko sa sobrang kaba ko.

"Ma'am Serina, Ready na po ba kayo?" Gulat na napatingin ako sa pinto ng makita ang babaeng nagayos sakin kanina. Napatingin din ako sa wall clock dito sa bahay. Kalahating oras bago magsimula ang kasal. Ngumiti muna ako sa babae at tumango.

"Ang ganda ganda niyo po talaga, Ma'am Serina. Paniguradong mas lalong maiinlove sayo si Sir Xander" kinikilig na sabi sakin ng babae. Hinawakan niya naman ang laylayan ng gown ko at hinawakan ni Mama ang kamay ko habang pababa ako ng hagdan.

Lahat sila ay nasa simbahan na. Kaming dalawa na lang ni Mama ang hinihintay. Si Tito Sandro ang maghahatid sakin sa altar kasama si Mama. Siguro ako na ang pinakamasayang babae ngayon sa araw na to. Sino bang hindi sasaya kung ikakasal kana sa taong mahal na mahal mo at makakasama mo siya hanggang sa huling paghinga mo.

Sumakay na kami ng sasakyan, hindi gaanong kalayuan ang ang simbahan kaya mabilis kaming nakarating.

Xander Pov's

Sobrang lakas ng pintig ng puso ko, ilang minuto na lang kasi at magsisimula na.

"Relax pre, natatae ka ba?" sinamaan ko ng tingin si Travis. Best man siya sa kasal namin ni Serina. Tumawa na lang siya at umupo na lang ulit. Nandito na ang lahat at si Serina na lang ang hinihintay. Kagabi ko siya huling nakita kaya hindi ako mapakali dito dahil wala akong alam sa nangyayari sakanya simula kanina. Grabe ganto pala ang epekto kapag nainlove ka talaga. Hindi kasi ako yung tipo ng lalaking nagseseryoso sa isang  babae, kapag nakuha ko na ang gusto iiwan ko na sila agad. Pero iba si Serina, noong nakita ko siya 2 years ago sa ilalim ng puno. Hindi ako naniniwala sa love at first sight pero parang ga'non ang nangyari sakin, ang baduy pakinggan pero seryosong tinamaan ako kay Serina. Lagi ko siyang nakikitang mag-isa hindi ko alam kung bakit ilag sakanya yung mga nagiging kaklase niya. Gustong gusto ko siyang lapitan pero nauunahan agad ako ng kaba. Doon ko nalaman na wala siyang ni isang kaibigan, nainis ako sa mga kaklase niya. Ang swerte kasi nila dahil kaklase nila ang babaeng gusto ko. 4th year college, nagjeep ako noon. First time kong magjeep at never pa akong nakasakay, tinakas kasi ng kapatid ko yung kotse ko at no choice ako kundi magjeep dahil wala akong nakitang taxi man lang nung araw na yon. Init na init ako sa jeep kahit umaga palang, nakakainis pa yung mga tingin ng mga babaeng parang hindi pa nakakita ng gwapong sumakay ng jeep. Well, hindi ko sila masisisi. Biglang prumeno yung jeep 'non at may naramdaman akong tumama sa likod ko. Paglingon ko ay nanlaki ang mata ko ng makita si Serina. Parang tumugtog ang kanta ni Yeng Constantino na 'Jeepney Love Story' nung araw na yun. Hindi ko alam kung gagawin ko kaya nasungitan ko siya nung araw na yun kahit hindi ko naman gusto. Sobrang saya ko at hindi ko akalain na magiging kaklase ko siya sa isang subject. Araw araw akong sumusulyap sakanya habang nakikinig siya sa prof namin, 'dun ko nalaman na nahuhulog na ako sakanya. Isang araw habang naglalakad ako ay biglang may bumangga sakin, nakita ko siya. Parang bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sakin ng magdikit yung balat namin. Pinigilan ko ang ngiti ko at sinungitan siya ulit. Sa loob ko ay kilig na kilig na ako. Ang corny oo pero kinikilig din kaming mga lalaki, hindi nga lang namin pinapakita dahil ang baduy talaga ng bagay na yun. Araw araw lagi ko na siyang inaasar, ayun ang naisip kong paraan para makausap at makalapit sakanya. Pero lagi niyang kasama si Travis, lagi ko siyang nakikitang nakangiti ng dahik kay Travis. Nakaramdam ako ng selos, araw araw akong nagiisip bakit ganto ang nararamdaman ko sakanya. Baka kasi mahal ko na siya, mahal na mahal ko na siya at hindi ko na kayang nakikita siyang may kasamang iba. Sa party ni Lio, doon nangyari ang lahat. Hindi na ako nagpakita sakanya noon maging sa school ay hindi na ko pumapasok. Natakot ako sa magiging reaksyon niya, naging gago ako. Pinagsisihin ko ang lahat ng iyon kaya nagpapasalamat parin ako dahil tinanggap niya parin ulit pagkatapos ng pagiging gago ko. Nalaman ko na may nabuo sa nangyari, umiyak ako noon dahil napakawalang kwenta ko. Hindi ko alam na naging misirable ang buhay niya.

Hello, DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon