Chapter 13

14.1K 361 30
                                    


Sobrang daming ilaw ang sumalubong samin ng makapasok na kami sa loob ng hotel. Lahat ay nakamaskara.
Sobrang kinakabahan ako dahil first time ko palang ito mararanasan. Napatingin ako kay Travis na nasa tabi ko napalingon naman siya agad sakin at ngumiti. Si Zoey naman ay nasa kanan ko.

"Hm. Serina nauuhaw ka ba?" Tanong ni Zoey. Umiling lang ako bilang tugon. Hindi pa kasi naguumpisa kaya ang iba ay nagkakamustahan muna. Parang hindi naman sila magkakasama kahapon. Nililibot ko ang mata ko sa kabuoan ng hotel na ito. Napakapulido ng pagkakadisenyo nito.

"Ladies and Gentleman" Napalingon naman kaming lahat sa emcee na bigla na lang nagsalita. Pinakilala nito ang kanyang sarili.

"Serina dito ka lang may pupuntahan muna ako" sambit ni Travis. Tumango naman ako sakanya. Magisa nalang ako dito sa table dahil si Zoey ay pumunta rin sa mga classmates niya.

Nakakakaba. Yan ang nararamdaman ko dahil magisa nalang dito at walang kasama. Hindi ako sanay sa mga gantong bagay kaya doble doble ang pintig ng puso ko.

"Excuse me, May nakaupo ba dito?" Napalingon ako sa lalaking nakatayo sa gilid ko. Naka itim na suit at nakaitim rin na panloob ang suot niya ngunit kahit hindi ko nakikita ang taong nakamaskarang ito ay siguradong gwapo siya.

"Miss?" Paguulit niya.

"Ah. Wala" sambit ko ng umupo na siya. Sobrang bango niya. Omg. Hindi kaya isa rin siya sa mga sikat na estudyante sa school namin. Bigla naman itong napatingin sakin kaya nagiwas agad ako ng tingin. Kakaiba ang isang to. Parang nakita ko na ang mga matang yon dati.

"Serina!" Napatingin ako kay Zoey na may dalang inumin. "Yiee sino yung lalaking kasama mo dito? Napansin ko kasing kanina pa siya nakatingin sayo" sambit niya agad ng makaupo sa pwesto namin. Napalingon naman agad sa kabilang upuan ng mawala na ang lalaki dito. Umalis na siguro siya.

"Ha? Hindi ko naman siya kilala" sambit ko pero nakangiti parin si Zoey na parang kinikilig siya.

"Oo nga pala Serina. Si Travis Lopez pala yung naghatid sayo dito. Ayiee crush ka ba nun?" Panunukso ni Zoey sakin. Hinampas ko naman siya ng mahina saka sumimangot.

"Kaibigan ko lang si Travis wala ng iba dun" saka ako ngumiti kay Zoey.

"Asus. Pero sikat din pala siya sa school natin. Pano mo ba siya naging kaibigan?"

"Sikat ka din kaya sa school" asar ko kay Zoey. Ayaw niya kasing sinasabihan siyang sikat o ano pa man dahil nahihiya daw siya.

"Wag ka nga" natawa naman kaming dalawa sa kulitan namin. Nagpapasalamat ako dahil nakilala ko si Zoey. Kung hindi siguro ay wala parin akong kaibigan ngayon.

"Pero Serina akala ko hindi ka talaga makakarating dito. By the way sobrang ganda ng gown mo. Napapansin ko nga ang mga iba dito ay nakatingin sayo. Omg. Nagtatransform na ang bff ko" wika ni Zoey.

"Mas maganda ang iyo. Tsaka bigay lang ito ng hindi ko kilala"

"Ha? Eh kanino galing yan?"

"Hindi ko rin siya kilala. Basta may initial lang siya na letter A. Ewan ko ba kung sino siya. Gusto rin siyang makilala para naman mapasalamatan ko siya dito" sabi ko.

"Omg. Baka may nagkakagusto sayo na hindi mo alam tapos binigay niya yan sayo tapos makilala mo siya at magkakagustuhan kayong dalawa. Kinikilig ako" sambit ni Zoey. Minsan ay may pagkabaliw din ang babaeng ito.

"Ano ka ba. Napakabilis mo naman" nagtawanan kaming dalawa ni Zoey. Si Travis naman ay hindi pa bumabalik siguro ay kasama na niya ang mga kaibigan niya.

Nanood muna kami ng mga nagpeperform habang nagkukwentuhan ni Zoey. Bigla namang humina ang mga ilaw at nagbukas lang ng iilan na ilaw. Bigla namang may tumunog na kanta.

Hello, DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon