Chapter 3

24.9K 432 6
                                    


As usual pagkagising ko magtotoothbrush agad at maliligo ito naman na yung nakasanayan kong gawin tuwing paggising ko sa umaga. Nagsuot na rin ako ng simpleng damit naka loose pants at blue shirt na may print pa ng the beatles. Humarap ako sa malaking salamin sa gilid ng drawer ko at tinigna ang sarili ko. Okay na to.

"Anak bumaba kana dyan at kakain na" sigaw ni mama mula sa baba. Bumaba na rin ako kumain na rin ako ng humigop ng kape na paborito ko. Nagpaalam na rin ako at ginamit yung bike na nakatabi sa gilid ng bakod, matagal ko na rin tong hindi nagagamit.

Nagsimula na kong magpedal para makarating agad ako a school para hindi malate, nung malapit na ko sa school napapasin kong may nakatingin sakin , may dumi ba ko sa mukha o napapangitan sila sakin. O kaya ang baduy talaga ng suot kong damit? Pinarada ko naman yung bike ko sa gilid na pinaparadahan ng mga motor at bikes din.

Habang naglalakad ako sa hallway ang daming nakatingin sakin. Medyo naiilang tuloy ko dahil wala akong alam sa nangyayari, fourth year college nako pero ngayon ko palang naranasan na pagtinginan ako habang naglalakad sa hallway.

"Oh my gosh, siya ba talaga?"
"Yeah, ang baduy niya diba"

Bulong bulungan ng mga babae sa gilid. Halos lahat ata nagbubulungan habang nakatingin sakin. Ano bang nangyayare?

" Hey " anak ng aso oh. Kung may sakit lang ako sa puso kanina pa ko inatake dito. Bigla ko naman naisip yung sinabi niya kahapon ,

"Wag mong sabihing ginawa mo talaga yung sinabi mo?" Tumango tango naman siya na parang wala lang. Kaya pala pinagtitinginan ako kanina
Hinila ko naman siya sa konting tao lang.

"Alam mo ba kung gano makakaapekto to sakin? Siraulo ka ba? Ano bang kailangan mo sakin?" Sunod sunod na tanong ko sakanya.

"Gusto lang naman kita maging kaibigan yun lang" deretsong sabi niya. Pano na lang kapag sinugod ako ng mga fangirls isa pa wala akong laban dun. Dahil sino naman ako para sakanila?

"Ayoko tsaka tigilan mo ko na please" umalis na ko at pinagtinginan nanaman ako ng tao sa hallway. Tumakbo na ko para maiwasan yung mga nakakamatay nilang tingin kaso biglang may poste akong nabangga kaya natumba ako hindi pala poste

"Wtf. Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaan mo?" Napakalaking poste nga talaga yung nabangga ko. Akala mo naman napakapogi niya sobrang yabang naman niya.

"Sorry naman, akala mo naman kung sino ka sumasakay ka lang din naman sa je-" tinakpan niya yung bibig ko bago ko pa matuloy yung sasabihin ko. Ayaw niya sigurong malaman na sumakay siya ng jeep.

"Shut your damn mouth" tinanggal ko naman yung kamay niya sa bibig ko dahil hindi na ko makaayos sa paghinga

"Pwe, ano ba ang baho ng kamay mo"

"Hoy alam mo bang pinagkakandarapa ang kamay ko para mahawakan lang ang swerte mo nga naamoy mo pa!" Inis na sabi niya.

"Pwes iba ako sakanila. Hindi ako kasing pathetic nila no!" Alam kong naiinis na siya kaya mas lalo ko pa siyang iniinis. Haha ewan bat natatawa ako sa mukha niya nagugulat siguro siya na may gumanto sakanyang babae dahil nasanay siyang hinahabol habol at pinagkakandarapaan siya.

Pwes ibahin niya ko sa mga kilalang babae niya no hindi agad ako nahuhulog sa mga patibong niya.

" Gwapo ka naman kaso nga lang ang baho ng kamay mo nakakaturn off " nilapit ko pa yung tenga ko sa tenga niya para marinig niya talaga at mainis siya , hindi naman ako takot sakanya no. At wala akong pake kung sugurin ako ng mga babae niya.

Parang nanigas naman siya kinatatayuan niya at halatang inis na inis na siya sakin. Ngumisi na lang ako pagalis ako tsaka tumawa ng tumawa ng malakas nung nakalayo na ko sakanya .

Ang epic fail ng mukha niya sana pala may cellphone ako para napicturan ko na siya.
Narinig ko pa siyang nagmura at nagsitinginan sakanya yung ibang tao sa hallway.

Pinasukan ko na yung dalawa kong class tsaka nagbreak na rin. Buti na lang hindi ko classmate yung Travis na yun kundi maiinis lang ako sakanya.
Naalala ko naman yung nangyare kanina hanggang ngayon hindi ko parin mapigilan hindi matawa sa reaksyon niya.

Speaking of Xander. Bakit naman siya nandito ang pagkakaalam ko hindi naman dito sa building na to ang klase niya dahil iba ang course niya. Dahil dalawa naman yung pinto ng room dumaan ako dun sa isa, tinitignan ko naman siya sa salamin ng pinto at nakikita ko siyang luminlingon lingon. Parang may hinahanap siya sana naman hindi ako.

Mabilis akong lumabas ng room ng tumakbo kaso mali ata yung ginawa ko kaya narinig kong tinawag niya ko kaso nga lang "Hoy"

Hello, DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon