Chapter 14

14.2K 330 8
                                    


"Anak gising na!" Napabalikwas ako sa pagkakatulog ng marinig ang boses ni Mama. Napatingin ako sa suot ko. Nakapantulog lang naman ako. Bumangon ako at bumaba ng makita si mama na nasa sala.

"Mama asan na po yung gown? Isasauli ko na sa may ari" sambit ko at agad naman napatingin si Mama sakin na may pagtataka sa mukha.

"Anong gown ang pinagsasabi mong bata ka" wika niya at humigop ng kape.

"Ha?"

Omg. Panaginip ko lang ba yun? Argh kainis.

"Maligo kana at baka malate ka pa sa klase mo" tumango tango naman ako saka dumeretso ulit sa kwarto.

Nakakapagtaka parang totoo kasing nangyari ang lahat ng iyon. Ganun na ba ko kadesperada para gumanda?

Naligo naman ako at nagpalit na ng damit para pumasok.

"Aalis na po ako mama" wika ko tumingin naman si mama sakin.

"Magiingat ka" ngitian ko naman si mama at umalis na.

Panaginip lang ba talaga iyon? Ilang oras ba ako natulog at ganon na lang kahaba ang pangyayaring yun. Tsaka alalang alala ko pa lahat ng nangyari. O baka binangungot ako at nandun si Xander tapos sinabi niya ang nararamdaman niya sakin.

"Waaahhhh" sabay gulo ko sa buhok ko. Nababaliw na ako. Napatingin naman ako sa mga dumaraang tao at nakatingin din ito sa akin. "Pasensya po"

Nakakahiya ka Serina. Ano ba kasing ginagawa mo. Iniisip siguro nila na baliw na nga ako. Bakit kasi nandun pa ang Xandern na yun sa panaginip ko.

"Oy!" Napalingon ako at nakita ko si Travis na nasa likod ko.

"Kanina ka pa diyan?" Tanong ko. Tumango tango naman siya habang nakangiti. Hays nakita niya pa ang ginagawa ko. Nakakainis.

"Tara sabay na tayo" aya niya kaya wala na akong nagawa dahil sumabay na rin siya sakin sa paglalakad. "Ano bang nangyayari sayo?"

"Hindi ko alam" tulala kong sabi sakanya.

Hindi ko talaga alam ang nangyayari sa akin. Siguro nga ay baka hindi totoo lahat na iyun. Tsaka hindi ko rin gugustuhin na magsabi sa akin ng ganon si Xander. Kinikilabutan ako.

"Okay ka lang ba talaga?" Napatingin naman ako kay Travis. "Nandito na tayo sa room mo" sabay turo niya sa harap nv pinto namin.

"Ha? Oo sige una ko ha" tumango naman siya at parang nagtataka na rin. Pumasok naman ako sa loob ng room at umupo sa likod. Kaklase ko nga pala si Xander ngayon first subject. Ano ba tong nangyayari ka akin. Kalma lang Serina.

"Inhale Exhale..."

"Baliw ka ba?" Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko at nakatayo. Kahit hindi ko na makita ang pagmumukha niya ay alam ko na kung sino siya. Sino ba ang mahilig mangbully sa akin. Hindi ko lang siya pinansin at sinubsob ang mukha ko sa desk.

Dumating ang prof namin at naglesson lang. Wala akong maintindihan ang nasa isip ko lang ay ang kay Xander. Napatingin ako ng kaonti sa gilid kung saan nandun din si Xander.
Natutulog lang ito palagi naman siguro.

Xander bakit mo ba ginugulo ang buhay ko.

                            ~*~

"Kanina pa kita nakikitang tulala" napatingin ako kay Zoey habang umiinom ng iced tea. Napatingin ako sa relo ko at tenthirty na pala ng umaga. Parang sobrang bilis naman ng oras.

Hinawakan naman ni Zoey ang noo ko.

"Wala ka namang sakit. Siguro ka bang okay ka lang?" Tumango naman ako kay Zoey. Wag mo na iyon isipin baka mabaliw ka lang Serina.

Hello, DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon