Chapter 19

12.5K 268 9
                                    


Para akong lantang gulay habang naglalakad patungo sa school. Isang linggo na ang nakalipas simula ng inimbita ako ni Lio sa birthday niya. Pagkatapos nun.

"Waaaahhh!" Ayoko ng maalala pa ang bagay na iyon. Sobra lang akong kinikilabutan. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon basta parang mawala na rin ako sa sarili ko. Pagpasok ko palang sa school ay parang gusto ko na ulit bumalik sa bahay at dun na lang magaral. Pero hindi pwede masasayang ang scholarship ko dito pati ang paghihirap ni Mama sakin.

Sobrang bigat ng paghakbang ko sa hagdan at parang napakalayo ng room ko samantalang nasa pangalawang palapag lamang ito. Ano bang nangyayari sakin? Aish! Mababaliw na ko. Napabuntong hininga ako at pagod na nakarating sa room namin.

"Serina okay ka lang?" Napatingin ako kay Lio ay tumango tango.

Nakahalumbaba lang ako habang nakatingin guro na nagtuturo. Parang walang gana ang katawan ko at gusto ko lang muna matulog. Napatingin ako sa kabilang upuan ng mapansing wala pa si Xander dun matatapos na ang unang klase ngunit wala pa siya. Argh! Ayoko ng makita ang mukha niya!

"Miss Salazar, Are you with us?" Napadako ang tingin ko sa prof namin at sa mga kaklase ko na nagtatawan na rin.

"Ah. O-opo" tumango tango naman siya saka pinagpatuloy ang pagtuturo niya.

"Serina, Are you sure you're okay?" Napalingon ako kay Lio na parang naguguluhan din sa sakin kaya tumango na lang ako. Kahit ako ay hindi ko rin alam kung bakit nagkakaganito ako.

Mabilis na nagsilabas ng room yung mga kaklase ko kaya niligpit ko na rin ang mga gamit ko para ilagay sa bag. Napatingin ako sa upuan kung nasaan nakaupo si Xander pero bakante parin ito. Hindi nga siya pumasok. Lumabas na rin ako sa room at agad kong nakita si Travis. Tatawagin ko na sana siya ng may umakbay sakanyang mga lalaki at mukhang kaibigan niya ata. Napabuntong hininga na lang ako at dumeretso sa sunod kong klase.

As usual. Wala parin ako sa mood para makinig sa mga prof namin. Nakatingin lang ako sa kawalan at iniisip kong uuwi na ba ako o hihintayin ko na lang matapos lahat ng klase ko.

"Ano bang nangyayari sayo?" Napalingon ako kay Travis na nandito na pala at hindi ko man lang napansin. Umiling lang ako at tumingin ulit sa guro namin.

                            ~*~

"Sorry nga pala di ako nakapagpaalam nung nakaraang linggo. Kinausap kasi ako ni Dad at pinauwi na" wika ni Zoey.

Magkakasama kami ngayon sa cafeteria at sabay sabay na kumain. Sila lang pala ang kumakaing dalawa. Wala akong gana kaya kahit isang kagat sa sandwich ko ay wala pa. Nakatingin lang ako sa mga estudyanteng palakadlakad habang may mga dalang pagkain.

"Tingin mo okay lang siya?" Rinig kong sambit ni Zoey ngunit hindi ko lang sila pinansin.

"Hindi ko rin alam. Kanina pa siya ganyan" ika naman ni Travis. Kinuha ko naman ang sandwich na nasa harap ko at kumagat ng kaunti.

"Malapit na ang next class tara na?" Aya ko sakanila kaya tumango naman silang dalawa.

"Serina. Pumunta ka kaya muna sa clinic mukhang hindi ka kasi okay. May sakit ka ba?" Tanong ni Zoey tsaka dinampi ang kamay niya sa noo ko. "Wala naman pero mukha kang may sakit ang mabuti pa umuwi ka na lang muna. Ie-excuse ka na lang namin sa mga prof mo?" Dagdag pa ni Zoey kaya umiling ako.

Siguro ay pagod lang to kaya ako nagkakaganito. Nagprisinta pa si Travis na ihahatid ako pero tumanggi na ako dahil malayo pa ang sunod na room niya at baka malate pa siya kung ihahatid niya ako sa room namin. Napadaan ako sa cr at pumasok muna ako sa loob. Napatingin ako sa salamin at haggard na ako. Sobrang oily na ng mukha at nagmomoist na ang salamin ko. Mukha nga akong nerd kaya parati na lang akong binubully hays. Mahabang itim na buhok kaya tuwing lalabas ako ng bahay namin ag bibili sa tindahan laging nagsisitakbuhan ang mga batang nakakasalubong ko. Grabe sila mukha ba ang aswang?

Nanlaki ang mata ko ng biglang may pumasok na lalaki at babae sa loob at mistulang may mangyayari na sakanila maya maya at mukhang masasaksihan ko pa. Waaaah! Ang mata ko. Pinikit ko ang mata ko at idinilat ulit at nasa pinakadulo na sila ng cr. Napakunot ang noo ko dahil wala ba silang pake na may makakakita sakanila dito. Ewwness.

"Hey? Are you going to watch us?" Nagulat ako ng magsalita ang babae. Maganda siya at may maputing balat at mapulang labi.

"Ah.. Eh s-sorry" sambit ko habang naginginig ang kamay ko ng hawakan ang strap ng bag ko. Napalingon ulit ako sakanila ng magtama ang mata namin ng lalaking kasama niya. Biglang may kumirot sa loob ko. At bumabagal ang paghinga ko.

"Miss pakisarado ng pinto okay?" Sambit ni Xander at agad na ngumisi sakin at pinagpatuloy ang ginagawa nilang dalawa. Napahigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko at tumakbo ako hanggang sa makarating ako sa rooftop. Hindi ko alam kung bakit ako apektado sa nangyari kanina. Kung bakit ako tumakbo ng makita sila. At kung bakit ako nasasaktan..

Napatingin ako sa kalangitan na madilim at ilang sandali na lang ay uulan na. Naramdaman ko na lang na may tumulo sa pisngi ko.

"Ano ba ulan?! Mamaya kana bumuhos" Sigaw ko ay napatingala ulit pero hindi naman umuulan. Wala naman sigurong makakarinig sakin dito diba. Bigla na lang bumuhos ang mga luha ko kasabay non ay ang pagbuhos din ng malakas na ulan. Napangiti ako at tumingala habag sinasalo lahat ng patak ng ulan. Luha at ulan ang bumubuhos sa pisngi ko.

"Bakit ba ko umiiyak hahaha" sambit ko sa sarili ko kung may makakarinig lang sakin dito ay pagtatawanan na siguro ako at iisiping nababaliw na ako. Basang basa na rin ang suot kong damit at ang bag ko. Ang gusto ko lang ngayon ay umiyak hanggang sa mawala na ang sikip sa dibdib ko na kanina ko pa pinipigilan.

"Wala kang kwenta! Akala ko pa naman totoo lahat ng sinabi mo. Manloloko! Isa kang walang kwenta! Umasa ako. Akala ko lang pala lahat. Ang sakit dito" hindi ko na napigilan ang paghikbi ko habang mahinang sinusuntok ang puso ko. Kung kanina ay naririnig ko pa ang pagbuhos ng ulan ngunit ngayon ay ang paghikbi ko na lamang. Siguro nga ay lasing lang talaga siya ng gabing yun at niloko niya ako sa lahat ng pinagsasabi niya. Pinaniwala niya akong mahal niya ako kahit ang totoo ay hindi naman. Pinagtripan niya lang ako tulad ng ginagawa niya sa akin noon. Dapat hindi ako naniwala. Ang tanga mo Serina..

Hello, DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon