Chapter 34

16.3K 360 25
                                    


Sa daming nangyari sakin. Lahat ng iyon kinaya ko. Masayang masaya ako dahil tanggap na ako ni mama at sa bahay na ulit ako nakatira. Tumigil na rin ako sa pagtatrabaho dahil ayaw ni Xander. Mapapagod daw ako at magaalala lang daw siya sakin. Aish! Nakakainis pero kinikilig naman ako. Ewan ko ba ang lakas ng epekto sakin ng lalaking yon. Pagkatapos ng school ay dumederetso agad ako sa bahay dahil lagi akong hatid sundo ni Xander. Pati nga si Mama ay kinikilig na rin.

Si Travis naman ayon nung nalaman niyang nagkaayos na kami ni Xander nagalit siya dahil ang bilis ko daw patawarin si Xander. Pero naintindihan naman niya dahil sa kapakanan ni baby. Hindi parin sila magkasundo ni Xander para silang aso't pusa. Nakakatawa dahil sa bahay pa sila naghahabulan. Si Zoey sobrang saya nung nalamang magpinsan kami. Kaya pala komportable ako noong una ko siyang nakilala. Akalain mo yun may pinsan na ako may bestfriend pa ako. Palagi rin silang bumibisita dito ni Tito.

At ngayon masayang masaya ako dahil ngayon ang graduation naming lahat. Ang bilis ng panahon parang dati lang ay binubully pa ako sa school ngayon ay gagraduate na ako. Sobrang saya dahil lahat ng pagod ko ay natubusan na. Si mama ay napaiyak naman sa sobrang saya. Hays kumakalat na tuloy sa nilagay ni Zoey na makeup.

"Mama, hindi naman po burol ang pupuntahan natin eh" sambit ko kaya hinampas lang ako ni mama sa braso. Nagtawanan naman kaming lahat. Ang oa ng nanay ko diba.

Nasa iisang kotse lang kaming lahat. Katabi ko si Xander at magkahawak pa kami ng kamay. Sobra na nga ata akong namumula dahil kanina pa kami tinutukso ni Zoey.

Naalala ko noong nakaraan. Gulat na gulat ako ng ipagsigawan ni Xander na girlfriend niya ako. Nung una ang sasama ng tingin nila pero nung medyo tumagal natanggap na rin naman nila. Wala na rin naman silang magagawa dahil yung king of campus ay nagkagusto lang sakin na nerd lang.

"I love you" bigla naman napunta lahat ng dugo ko sa pisngi ko dahil sa binulong ni Xander. Ewan ko ba sa tuwing sinasabi niya yan ay hindi ko parin alam ang irereact ko. Para kasing isang panaginip lang ang lahat. Hindi ako makapaniwalang mangyayari to sa buhay ko. Na may dadating na isang Xander na guguluhin ang mundo at isipan ko. Pati puso ko ginulo niya na rin.

"Wag kang maingay" sambit ko nalang dahil nahihiya na ako at siguradong pulang pula na ang mukha ko. Pinipigilan ko rin wag ngumiti. Nakakainis naman kas tong si Xander lagi nalang akong pinapakilig. Tinignan ko naman siya, napakagwapo niya sa suot niya. Nagpagupit din siya ng buhok dahil humaba na ang buhok niya. Mas lalo siyang gwumapo. Kaya ito naman ako hindi makapagpigil ng kilig.

"Wag mo akong titigan ng ganyan, baka hindi ako makapagpigil" sambit niya kaya hinampas ko lang siya braso niya. Tumawa lang siya tsaka hinalikan ang kamay ko. Napangiti na rin dahil ang swerte ko sa lalaking nasa harap ko.

Ilang sandali lang ay huminto na ang sasakyan. Bumaba na kaming lahat. Napamangha ako sa venue kung saan gaganapin ang graduation namin. Kinakabahan din ako. May kinakabahan pa nga ako kaysa kay Xander na summa cum laude. Hindi ko akalain na magiging summa cum laude siya. Akala ko paeasy easy lang siya pero ang talino pala ng mokong na to.

"Tara na anak, excited na ako para sayo. Proud ako sayo anak" sambit ni mama na maluha luha nanaman. Napangiti nalang ako dahil baka umiyak pa ako dito.

"Mas proud ako sayo, Ma" sambit ko. Tuluyan na kaming pumasok sa loob. Mas namangha ako sa loob dahil sobrang ganda. Hindi ko akalain na aabot ako sa punto na to.

Dahil magkakaiba kami ng course. Magkakahiwalay kami ng upuan. Si Xander nasa pinakaunahan siya. Lumilingon pa siya dito at sinesenyasan ko na humarap pero ang kulit niya at pilit paring lumilingon. Nagumpisa na nagsitayuan na kaming lahat. Sobrang dami ang nagis-speech. Tinawag na ang pangalan ni Xander tumayo at muling lumingon sakin. Nginitian niya ako at kumindat pa. Naginit naman ang pisngi ko sa ginawa ni Xander. Yung iba nagbulungan pa at yung iba tumingin sa akin. Yung mga katabi ko kilig na kilig pa sa ginawa ni Xander.

Hello, DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon