Chapter 7

16.6K 350 7
                                    


Maaga akong pumasok kaysa sa oras na pumapasok ako sa ordinaryong araw. Ngayon na kasi ang foundation week kaya kailangan namin na maghanda para sa booth na gagawin namin.

Nakita ko si Xander. Yung mayabang na feeling pogi. Kulang na lang ay i-fanboy niya na rin ang sarili niya. At kung minamalas nga naman kagrupo ko siya dahil kasama pala siya sa Civil Engineering.

"Wow! Kagrupo pala kita. Nice" umaga palang mukhang maiinis na niya ko. May pangisi ngisi pang nalalaman ang isang to.

"Pwede ba tigil tigilan mo muna ko. Kasi wala akong balak na mainis ngayon" inirapan ko naman siya at tuwang tuwa naman siyang tuwing naiisnis niya ko.

"Guys! Kailangan natin ng mga actor para sa gagawin nating horror booth. So kilangan namin ng isang White Lady. So sino pwede?" Sigaw ng kateam namin.

Bigla namang tinaas ni Xander ang kamay ko na kinagulat ko.

"Siya! Volunteer daw para maging white lady. Tutal maputi naman siya at mahaba ang buhok. Diba?" abot hanggang tenga naman ang ngiti niya samantalang ako ay konti na lang at sasabog na.

"Okay. Yung iba ay ilista na lang ang pangalan dito. Maraming salamat" Huling sabi niya at umalis na.

"Goodluck" Nakangiti paring sabi ni Xander sabay halakhak. Grr.

After akong inisin ni Xander pumunta muna kong canteen para kumain nagutom kasi ako pang iinis niya sakin.

"Serina!" napalingon naman ako sa babaeng tumawag sakin at nakita ko naman na si Zoey yun. Syempre siya lang naman ang kaibigan ko sa school na ito.

"Oh. Ikaw pala Zoey" Ngumiti naman siya at umorder din sabay na kaming humanap ng upuan.

"Hey, kilala mo ba si Alexander Green?" Tumango naman ako dahil kumakain ako ng spaghetti.

"Secret lang natin to. Crush ko kasi siya" napabuga naman ako ng spaghetti sa sinabi ni Zoey.

"Ew"
"Wtf. Kadiri naman"

"Sorry po" uminom naman ako ng iced tea saka tumingin ulit kay Zoey. "Seryoso ka ba? Tumango naman siya at ang lawak ng ngiti niya.

"Classmate ko kasi siya. Hayy. Napakagwapo talaga niya" sambit niya na kinalukot ng mukha ko. Parang nandiriri ako sa nangyayari.

Naghiwalay na kami ni Zoey ng tawagin ako ng isa naming kateam. Memakeupan na daw ako. Pero hindi para maging maganda para maging isang white lady.

"Ang ganda ng mata mo, pero natatago yun ng salamin mo" sabi ng Leader namin na si Fea. Ang bait niya pala mukha kasi siyang mataray kanina. Ngitian niya naman ako tsaka na inumpisa na ang paglalagay ng kung ano ano sa mukha ko.

Nakaready naman na ang lahat. Kaya inumpisahan na.

"Hoy" nagulat naman ako sa tumawag sakin. Si Xander. Hindi siya nakacostume at walang makeup ang mukha niya.

"Ano bang ginagawa mo dito?" Irita kong sabi.

"Masama ba?"

"Ewan ko sayo" Umalis naman ako dun sa pwesto na yun. At may mga babae na pumasok. Umacting naman ako na parang isang white lady at nagtakbuhan sila. Natatawa naman ako dahil takot na takot sila.

"WAH" gulat ko sa isang lalaki. Humarap ito at nagulat din ako.

"HAHAHA! ikaw ba yan Serena?" Sino pa ba ang tumatawag saking Serena. Syempre si Travis lang.

Tawa naman siya ng tawa.

"Lumabas kana bawal magtagal dito" utos ko sakanya tumatawa parin siya at umalis. Nagulat naman kaming lahat nung may sumigaw na lalake.

Hello, DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon