Chapter 18

14.3K 300 14
                                    


Pagkalabas ko ng bahay ay dumampi agad sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Malapit na nga palang magpasko napakabilis talaga ng panahon. Mabuti na lang ay walang mukhang Travis ang sumalubong nanaman sa akin kundi mababadtrip na nanaman ako sa pagmumukha niya.

"Boom shakalaka!!" Napapikit ako sa gulat ng marinig ang malakas na boses ni Travis. Iiwasan ko na talaga ang pagkakape at sunod si Travis.

"Ang bilis ng panahon no? Malapit na agad magchristmas" Wika ni Travis kaya napatingin naman ako sakanya at pumikit ito na parang dinadama ang ihip ng hangin. Napangiwi na lang ako sa ginawa. Mung timang kasi siya.

"Serina! Travis!" Napalingon kaming pareho ng makita namin si Zoey habang kumakaway habang katabi niya ang kanyang ama. Ewan ko ba sa tuwing nakikita ko ang papa ni Zoey ay nagiiba ang pakiramdam ko siguro dahil nangungulila parin ako kay papa na iniwan kami.

"Hi Zoey, Hi po" bati ko kay Zoey at sa ama niya. Ngumiti naman ito sakin pero may kakaiba rin sa itsura niya.

"Wow! Look Dad may nunal din si Serina sa ilalim ng mata niya ngayon ko lang yan napansin Serina." Nakangiting wika ni Zoey. Napatingin naman ako sa ama niya at ngumiti rin ito.

"Ah. Hehe, Nagkataon lang siguro" Tumango tango naman si Zoey at humarap sa ama niya.

"Sige, Dad una na po kami" Tumango ang ama niya.

"Take care of yourself. Sweetie" Ngumiti naman si Zoey at pumasok na ang papa niya sa loob ng kotse.

"Bakit hindi mo kamukha ang Papa mo Zoey?" Tanong ni Travis kaya napatingin sakanya si Zoey. Parang nagisip ito kaya nagtaka rin ako. Malayong malayo nga ang itsura nila pero halatang close na close sila sa isa't isa.

"Kamukha ko kasi si Mom kaya ganon hihi" Tumango naman si Travis at pumunta na kami sa kanya kanyang room. Hindi ako inihatid ni Travis dahil may gagawin daw siya. Mas gusto ko na yun para hindi kami pagtinginan ng mga babae dito. Parang hindi na sila nasanay.

"Himala hindi nakabuntot sayo ang lalaking yon" Sambit ni Xander at agad na umupo sa upuan niya. Naalala ko naman ang sinabi ni Travis kahapon.

Alam kong may gusto sayo si Xander..

Bwisit na Travis yon. Niloloko lang ata ako non eh. Tsaka isa pa malabong magkagusto sa akin si Xander. Mas maraming magaganda sakin dito pero atleast sakin natural.

"I-ikaw si Serina diba.." Napatingin ako kay Harry Potter hindi ko kasi alam ang pangalan niya ayan na lang ang itatawag ko sakanya mula ngayon.

"Oo bakit?" Nakangiti kong sagot sakanya. Nauutal kasi siya at ilang na kausapin ako.

"G-gusto mo bang pumunta sa party? Birthday Party" Wow. Akalain mo yun inimbitada niya pa ako. "Kung hindi ka b-busy" sabi niya pa ulit kaya tumango tango ako. Tsaka pagkain din yun no. Isama ko kaya si Travis para naman may kasama ako pati si Zoey.

"Ah. Pwede ba kong magsama ng kaibigan?" Tanong ko kaya lumingon naman siya sakin. Tumango ito kaya napangiti ako.

"Count me in" Napatingin naman kaming dalawa ni Harry Potter kay Xander na biglang nagsalita.

"Sige" sambit ni Harry. Ano ba kasing pangalan nito.

"Hoy! Hindi ka naman niya inimbita" napalingon naman si Xander sakin at ngumisi. Hindi siya naging gwapo sa pangisi ngisi niya.

"S-Serina okay lang n-naman na sumama siya.." Napatingin naman ako kay Harry. Tsaka tumango wala naman akong nagawa dahil birthday party ni Harry yun. Ewan naiinis lang talaga ako kay Xander.

"Lio ang pangalan ko" mabuti naman at hindi na siya nauutal. Mukhang magkakaroon ako ng bagong kaibigan. Nginitian ko naman si Lio at ganon din siya. Si Xander ay wala na rin dito sa harap namin.

Hello, DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon