Chapter 12

13.9K 295 17
                                    


Fourthirty ng umaga ng magising ako sa kakaibang panaginip na iyon. Ano ang ibig sabihin non. Sino ang batang iyon bakit magkaparehas kami ng pangalan at bakit kailangan umalis ng kanyang ama. Maraming katanungan pero ni isang sagot ay wala akong makuha.

Bumangon ako at lumabas ng kwarto. Nakita ko naman si Mama na mahimbing parin na natutulog. Pagod na pagod pa rin siguro siya. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng tubig. Uhaw na uhaw ako na parang isang araw akong hindi uminom ng tubig.

Bumalik ako sa kwarto ko upang matulog ulit pero hindi ko magawa dahil naaalala ko nanaman iyon. Sobrang linaw ng panaginip na iyon kulang na nga lang ay isipin kong nangyari nga iyon. Bumuga ako sa hangin. Kahit anong gawin ko ay ayaw mawala sa isipan ko.

Hinintay kong sumikat ang araw. Naalala ko nga pala na ngayon na pala ang Masquerade Party. Agad akong napatingin sa pulang sobre na nasa mesa ko. Ngayon alam kong wala na akong pag asang makapunta pa. Alas syete ng nagpasya akong lumabas naririnig ko naman si mama na nasa kusina naghahanda siguro ng agahan.

"Goodmorning Ma" bati ko sakanya at dumeretso sa CR para maghilamos at magtoothbrush.

"Goodmorning din anak" rinig kong sabi ni mama sa labas. Kinuha ko naman ang sipilyo at toothpaste. Napabuntong hininga ako ng mawala na pala itong laman piniga ko ito para lumabas pa ang natitira at success naman. Ang galing mo talaga Serina. Nagumpisa na akong magtoothbrush ng tawagin ako ni mama.

"Serina. May dumating nga palang box dito para sa iyo daw. Tinanong ko naman ang naghatid ng box tignan mo na lang daw sa sulat na nakalagay sa loob. Hindi ko naman nagawang buksan dahil para sa iyo iyun" paliwanag ni mama sa akin. Box? Sulat? Kanino naman galing yun. Tsaka hindi ko naman birthday para regaluhan ako. Binilisan ko naman ang pagtotoothbrush para makita ko na ang tinutukoy ni mama.

Lumabas ako ng CR at itinuro ni mama sa sala na nandun daw ang kahon. Lumapit naman ako agad sa kahon tsaka binuksan ito. Nanlaki ang mata ko ng makita ang nasa loob ng kahon.

"WAAAAAHHHHHH!" Sigaw ko upang mapatakbo si mama sa akin.

"Ano ka ba namang bata ka aatakihin ako sayo" Pinalo naman ako ni mama sa braso. Napalingon naman si mama sa loob ng kahon at napatakip ng bibig at nanlaki ang mata.

Pati si Mama ay nagulat din. Hinawakan ko ang damit na kumikinang napakaganda nito at mukhang mamahalin. Isang kulay royal blue na gown. Naalala ko naman noong nagpunta kami ni Zoey sa isang boutique kamukhang kamukha ito ng gown na nakita ko roon. Nakita ko ang isang papel na nasa loob din ng kahon. Kinuha ko ito at binasa.

"Isuot mo yan mamayang gabi siguraduhin mong mukha kang tao kapag nasuot mo na iyan - A"

Aba! Mukha ba akong hindi tao. Grabe naman to pero sino naman kaya tong A na to. Pano ko naman siya mapapasalamat kung isang letter lang ng pangalan niya ang nakasulat dito.

"Kanino daw galing yan anak?" Tanong ni mama.

"Hindi po nakalagay ang pangalan niya" wika ko.

"Magready kana para mamaya. Kakausapin ko ang kumare ko para makeupan ka. Naku, siguradong gaganda na ang anak ko" Masayang sabi ni mama. Ngumiti naman ako ng pilit. Parang sinabi naman ni mama na hindi ako maganda. Hmp.

Napatingin ulit ako sa gown na nasa loob ng kahon. Isusuot ko ba ito?

                            ~*~

"Aray" sambit ko ng bunutin ang kilay ko ng baklang nasa harap ko. Kanina niya pa kasi inieksperimentuhan ang mukha ko. Kung ano anong kulorete ang nilalagay niya. Si mama ay nanonood naman sa amin. Mas mukhang panfang excited si Mama kaysa sa akin. Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding. Mag aalas syete na ng gabi. Seventhirty ng gabi ang nakasulat sa pulang sobre na iyon. Hindi ko akalain na makakapunta pa ako sa pagdiriwang na yon. Parang nawala tuloy ang problema namin kagabi.

Hello, DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon