Chapter 30

16.4K 314 11
                                    

Hindi ko alam kung ilang beses na akong umiyak ng dahil kay Xander. Pagkatapos niyang umalis ay umiyak lang ako ng umiyak. Magang maga na ang mga mata ko. Pinilit ko paring pumasok kahit hinang hina na ako. Hindi na rin ako nakakain dahil nawala sa isipan ko. Lagi na lang kasing ginugulo ni Xander ang isip ko. Bwisit na lalaking yun.

New year na nga pala. Ang bilis ng panahon. Isang linggo na akong nagtatrabaho dito at isang linggo na rin ng hindi ko nakikita si Mama. Kamusta na kaya siya? Nagaalala kaya siya sakin? Hays

"Serina sure ka bang kaya mong magisa mamaya?" biglang tanong ni Celia. Hanggang ala sais lang kasi siya ng gabi dahil magbobonding daw sila ng pamilya niya. Tumango naman ako at ngumiti. Sanay naman na akong magisa.

"Ah.. Sasamahan ko na lang si Serina hanggang magsara ang shop." Napatingin kaming dalawa kay Jiro na nagpupunas nanaman ng mga lamesa.

"Akala ko ba may family dinner kayo?" sambit ni Celia na parang nauutal pa. Itong dalawang to hindi pa magkaaminan eh. Halata namang crush ni Celia si Jiro.

"Hindi dadating si Mom. So naisip ko na wag na lang ding pumunta. Wala rin namang kwenta" ramdam ko ang lungkot sa pagsasalita ni Jiro. Hindi na rin siya nakatingin samin.

"Ganun. Osige. Kayo ng bahala mamaya ah?" Tumango naman ako tsaka nagumpisa na sa pagtatrabaho.

Medyo madami dami din ang customer namin lalo. New year ba naman paniguradong ang daming pera ng mga tao. Habang nasa counter ako ay nakatingin lang ako sa glass wall ng shop. Nagbabaka sakaling makita ko siya ulit. Iniisip ko nanaman siya.  Nakakainis na.

Mabuti na lang at hindi halata ang magang mata ko. Alam kong kukulitin nanaman ako ni Celia at pipiliting magkwento. Sobrang daldal pa naman nitong si Celia baka ikwento niya pa kay Travis kapag nagkataon.

Pati si Zoey ay namimiss ko na rin. Nakausap ko siya nung nakaraan sa telepono at nasa Japan parin sila. Next week pa ata sila makakauwi ng papa niya. Ang dami naming pinagusapan. Miss na miss niya na rin daw ako at ang dami daw niyang pasalubong sakin. Hindi ko pa sakanya sinasabi ang nangyari. At wala siyang alam na kahit ano. Mas mabuti na iyon para naman hindi rin siya magalala sakin. Gusto ko ng umuwi sa bahay. Hindi parin ako sanay na wala si Mama sa tabi ko.

"Yung manliligaw mo ang aga nanaman dito" napalingon ako kay Celia at sa pintuan. Nandun nga si Travis at nakangiti nanaman.

"Hi, Serina" dumeretso naman siya sa counter at humarap sakin.

"Anong order mo?"

"Ikaw. Pwede ka ba?" napalingon ako agad kay Travis at sinamaan siya ng tingin. "Biro lang, Kahit ano basta masarap" nagpeace sign pa siya at tumingin kay Celia na katabi ko at kumindat.

"Wag mo nga akong kinikindatan diyan, Travis. Nagmomove on na ako sayo. Break na tayo!" sabay irap ni Celia kay Travis kaya natawa nanaman si Travis sa ginawa ni Celia. Puro kalokohan talaga tong Travis na to.

"Anong oras pala magsasara itong shop?" tanong ni Travis habang humihigop ng kape. Wala naman siyang pake kung may umoorder dahil nakaharang siya sa harap ko.

Bigla naman may lumapit na dalawang babae.

"Goodmorning Ma'am" nakangiting bati ko sakanila pero na kay Travis lang pala ang atensyon ng dalawang to. Halatang kinikilig kilig pa sila. Napatingin naman si Travis sakanila kaya biglang kinindatan naman ni Travis at ngumiti pa ang loko. Kahit kailan pafall talaga ang lalaking to.

"Besh kinindatan ako"

"Ako yun gaga"

Hello, DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon