Chapter 31

16.2K 332 29
                                    

Natapos ang New Year. Pinuntahan ko si Mama sa bahay pero nakapatay lang lahat ng ilaw. Parang walang tao sa loob pero alam kong nandoon lang si Mama. Wala akong magawa dahil ako ang may kasalanan. Hindi ko alam kung tatanggapin niya pa ako ulit.

2 months na ang baby ko. Medyo may umbok na ang tyan ko pero hindi naman gaanong napapansin dahil maluluwag na damit ang suot ko lagi. Alam na rin ni Zoey nung una umiyak pa siya at galit na galit kay Xander. Akala ko nga magagalit siya sakin dahil crush niya nga si Xander noon. Nung nakita niya si Xander nung nakaraan gustong gusto niyang pagsasampalin pero pinigilan ko lang dahil ayoko naman ng gulo. Pumapasok ako sa school habang nagtatrabaho. Tatlong araw sa isang linggo kung bisitahin ko ang bahay namin ni Mama. Tuwing gabi ako lagi pumupunta kaya patay na ang ilaw sa loob.

Miss na miss ko na si mama. Yung mga luto niya at pagaalaga niya sakin. Graduating na rin kami. Masayang masaya ako dahil akala ko makakaapekto ang pagbubuntis ko para hindi ako makapag-aral pero hindi ginawa kong inspirasyon ang baby ko. Si Celia naman at si Jiro na ang bilis diba. Ewan ko nagkaaminan na siguro ang dalawa at may pagibig pala sa isa't isa. Kaya pala nahuhuli ko lagi ang dalawa na nagtitinginan at bigla na lang mamumula. Mabilis na sinagot ni Celia si Jiro dahil wala naman daw sa tagal ng panliligaw yun mas mahalaga daw ang tumagal lang relasyon kaysa sa ligawan stage. Alam na niya rin na may buntis ako at gulat na gulat pa siya akala niya si Travis ang ama pero hindi ko naman sinabi na kung sino. Sabi niya ay gawin daw siyang ninang ng magiging anak ko.

"Wag ka ngang makulit" napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Celia at Jiro na naglalaro. Naghahabulan sila dito sa loob ng shop habang tawa ng tawa. Madaldal na rin si Jiro ng dahil kay Celia. Madalas rin na sila ang magkausap ni Travis tuwing busy ako sa mga costumer.

Mabuti na lang ay isa lang ang costumer dito at tutok na tutok pa sa laptop niya. Mukhang busy si kuya. Nakatalikod ito sakin kaya nakikita ko ang ginagawa niya sa laptop niya.

"Huy, mamaya na kayong magharutan. May costumer oh. Baka mainis yan" bulong ko sakanila na maririnig nila. Medyo malayo naman kasi yung lalaki kaya di niya maririnig ang sinasabi ko.

"Inggit ka nanaman samin. Alam mo, Serina. Bakit hindi mo sagutin si Travis?" sambit ni Celia ng tumigil sila sa paglalaro.

"Hindi siya nanliligaw. Okay? Tsaka magkaibigan lang talaga kami ni Travis 'no" Hays, kahit anong gawin ko. Wala talaga akong nararamdaman kay Travis. Naiintindihan naman niya yun dahil lagi kong sinasabi sakanya. Ayoko kasing umasa si Travis sakin. Ayokong makasakit ng damdamin ng iba. Lalo nakay Travis dahil naging malapit na rin siya sakin.

"Tatanda ka talagang dalaga. Pero okay lang naman kung tumanda kang dalaga. May mag-aalaga naman sayo diba? Hays kailan ka ba manganganak? Gustong gusto ko na makita si Baby. Baka kasi kamukha ko diba? Edi cute yan hihi" napangiwi nalang ako sa sinabi ni Celia.

"Anak mo? Para magmana sayo?" Tumatawang sambit ko kaya inirapan lang ako ni Celia.

Naglinis na lang ako ng ibang lamesa. Si Celia at Jiro ayun naghaharutan nanaman sa gilid. Hindi mabubuo ang araw nilakapag hindi sila nagharutan. Wala pang dumadating na ibang tao. Kaya ang lalaking ito nalang ang natitira dito sa loob. Umiinom lang siya ng kape para hindi siguro siya antukin. Busyng busy kasi siya.

"Serina, kami na ang magsasara ng shop ni Jiro. Wag kang masyadong magpagod baka makasama sa bata. Mabuti pang umuwi ka nalang, tsaka maaga pa ang pasok mo bukas diba?" Napalingon naman ako kay Celia. Natuwa naman sa ako sinabi niya dahil mukhang mabait siya ngayon. Nung nakaraan kasi nagdate sila ni Jiro at iniwan ako magisa dito. Mabuti nalang wala dito ang manager namin.

"Oo nga, Serina. Parang wala ka tuloy pahinga. Dumederesto ka kasi dito agad galing sa school mo. Pwede ka naman magpahinga muna eh" sambit ni nama ni Jiro.

Hello, DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon