Special Chapter Five

Start from the beginning
                                    

Kaya sa inis ko ay hindi ko na lang sinabing para sa kanya ang niluto ko at inilagay ko sa ref, I cooked another dish at iyon ang pinagsaluhan naming mag-anak.

"Mom, I heard some rumors." Sabi ni Cleven so I looked at him with brows furrowed.

"Naku Cleven ha? Kalalaki mong tao, nakikinig ka sa mga tsismis. That's bad anak." Sabi ko pero umiling lang sya.

"No mom, seriously. I heard dad bought a ya--aww! Dad naman!" Angal ng anak ko ng makatanggap sya ng batok sa tatay nya kaya parehas kaming nag-angat ng tingin sa asawa ko na nasa likod naming dalawa.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Steven pero inirapan ko sya't pinagpatuloy na lang ang pagkain. He went to his seat at nakikain din sa amin.

"Dad naman, bakit ka nambabatok? I'm just telling mom that--"

"Well Cleven, I also heard from your manager that you didn't show up in one of your mall tour and you need to pay for the damage, am I right?" Saad ng asawa ko kaya nanliliit ang mga matang tinignan ko ang bunso namin.

"You did that Cleven? And why would you miss an event like that kung alam mong maraming naghihintay sa iyo doon. Paasa ka anak." Sabi ko pero sya ang sumimangot.

"Ako nga ang napaasa eh." Bulong nya pero narinig ko pa rin.

"I heard that, and you'll tell mommy about that later. But now, what about the damage? How much ang sinisingil sayo?" Kunot-noong tanong ko at doon na sya napangiwi.

"Well, I am planning to pay it myself pero kulang---"

"I already payed it young man, now shut up and eat." Sabi ng asawa ko at ng tignan ko sya ay para syang may itinatago.

Nang tignan ko si Cleven, nakita kong ngingisi-ngisi na syang nakatingin sa ama nya na parang alam nyang may itinatago itong kalokohan.

Now I'm sure. Sa tagal na naming mag-asawa ni Steven, kilalang-kilala ko na sya.

"You're hiding something from me Steven." I said ng makapasok kami sa kwarto naming mag-asawa.

He hugged me and kissed me saka sinapo ang magkabila kong pisngi.

"No hon, I am not hiding anything." Sabi nya pero inirapan ko lang sya.

"Wag mo'kong maloloko Alexander Steven King dahil kilalang-kilala kita. Why? Don't you love me anymore? Do you have someone else now?" Namamasa na ang gilid ng aking mga mata at mukha namang nataranta syang inalo ako.

"What?? No! Why would you think that?" Takang tanong nya.

"I heard you last night! May kausap ka sa phone mo and you were smiling widely! Sino yon ah? Ipagpapa--" Tanong ko but he kissed me to shut me up.

Kahit talaga palagi nya akong hinahalikan, kahit na may edad na kami pareho, his kiss always felt the same, its electrifying and full of love. Doon pa lang alam ko na ang sagot.

"Look my queen, never in my entire that I'll leave you for somebody else. When I layed my eyes on you, never akong naghanap at maghahanap pa ng iba because I already have you and our kids. I love you so much and I am not stupid to kill myself because you're my life."

"Talaga? Di ka nagloloko? Ang gwapo mo pa naman kahit may wrinkles ka na." I said as I lightly pointed his nose.

Nanatiling nakakapit ang mga bisig nya sa bewang ko at nakalapat ang aking mga kamay sa kanyang dibdib. Steven aged and so am I, pero hindi naalis sa kanya ang kakisigang taglay, kaya kapag pinaglapit sila ni Stephen, mukha pa rin silang magkapatid.

"Yes, I never lied to you hon, and I will never break our promise for each other. I promised to you that we'll grow old together and stay together until our last breath didn't I? Being married to you was one of the best things that happened to my life and that I'll love you for the rest of my life."

The Princess And The Butler [Completed]Where stories live. Discover now