Seventeen

26.2K 604 18
                                    

Dissappointed

Kailee's POV

Kinakabahan ako.

Hindi ako mapakali. Mabilis lumipas ang dalawang linggo hanggang sa naging isang linggo na lang at ito ngayon, sabado, sa oras ng alas-otsyo ng gabi kakatayin ako.

Char lang! Pero kahit na! Parang ganun na din ang pakiramdam ko. Mamaya na kasi ang 20th Anniversary ng Park Empire.

Kasabay ng pagdidiwang ng annibersaryo ng kumpanya ay ang pagpapakilala sa akin ni tatay bilang anak nya.

Sa totoo lang ay hindi naging maganda ang dumaan na linggo, masasama palagi ang tingin sa akin ng mga estudyante sa PLU dahil palagi kong kasama si Aidan na marami pa lang fans sa school. Pero buti na lang at kaklase ko sya sa lahat ng subjects at hindi nya ako nilulubayan kaya hindi nakakalapit sa akin ang mga ito. Perong kitang-kita sa mga mata ng kababaihan na gusto nila akong lapitan at kalmutin sa talim ng mga tingin nila.

Hindi ko na lang pinapansin. Isa pa ay ang pag-iwas ko kay sungit. As much as possible ay lumalayo na ako, hindi din naman ako nahirapan dahil abala sya sa pag-aasikaso ng magaganap na party.

"Look up dear." Sabi ni Ms. Mariella na syang nagme-make up sa akin ngayon. Napaaga ang uwi nya para dito at mabuti na lang dahil hindi ako nakatanggap ng sermon dahil katanggap-tanggap naman daw ang mga pinagsususuot ko sa school.

Iyon nga lang ay hindi ko na pwedeng hindi sundin ang mga daily styles na ginawa nya kapag papasok ako next week dahil nga sa mga panahong iyon ay kilala na ako bilang anak ng pinakamayamang businessman sa buong bansa at maging sa Asya.

"Hindi ka kailangang kapalan ang make-up because you're already beautiful dear, just always remember to be confident, chin up and just remember everything I thought you."
Sabi ni Ms. Molly na kasama din namin sa grooming room.

Ngumiti na lamang ako dito dahil hindi ako makasagot gawa ng abala si Ms. Mariella sa paglalagay ng manipis na blush on sa akin.

Nang matapos ay tinulungan ako nina Ella at Pamela na isuot ang gown na ginawa para sa akin.

"Ang ganda mo po young lady." Malaki ang ngiting sabi nina Ella at Pamela.

"Salamat" iyon na lang ang naisagot ko.

Pinuri din ako nina Ms. Mariella at Ms. Molly na ikinapula ko. Hindi ako sanay.

(Kailee's get up

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Kailee's get up. I do not own the pic. Found it on the net.)

Pinili ko na rin na maging simple ang susuotin ko, pumayag naman ang designer dahil sya na rin mismo ang nagsabi na ang isusuot ko ang magdedescribe kung anong klase akong tao.

She was happy with my choice kaya ito ang kinalabasan ng gown ko. It's a simple gown na pinaresan ng nude color high heels at nakapuyod ang buhok ko into a low messy bun. Sa nakaraang isang linggo kasi ay sinabihan ako ni Ms. Molly na magsuot ng di-takong na sapatos sa pagpasok para masanay ako sa paglalakad.

The Princess And The Butler [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon