Twenty Nine

22.3K 513 4
                                    

Christmas

Kailee's POV

"Merry Christmas young lady!" Masayang bati ni Ella at Pamela sa akin sa oras na magising ako.

Napangiti naman ako't tumayo saka yumakap sa kanila.

"Merry christmas din sa inyo~" bati ko na medyo inaantok pa kaya natawa sila pareho. Nag-ayos ako at agad kaming bumaba para tumulong.

Today's December 25, at mabilis na lumipas ang mga linggo. Hindi uso kina tatay ang sinasalubong ang 25 at ang magnoche buena at kahit ako ay ganoon rin noong namumuhay pa akong mag-isa kaya napagpasyahan namin na ngayong mismong araw ng pasko na lang mag-celebrate.

Abala ang mga katulong sa bahay na maghanda sa malawak na field sa likod ng mansyon. Nandoon ang mga lamesa at mga upuan, at dahil pasko at bakasyon ng mga katulong ay ang iba ay pwedeng umuwi sa mga pamilya nila. Pero halos kalahati lang ang umuwi sa mga staff kaya marami pa rin.

Kumuha ng caterer si tatay para hindi na maabala ang mga staff na magluto. Tulung-tulong lang kami sa pag-aayos ng nga lamesa't upuan at maganda ang panahon kaya mukhang maidadaos ng maayos mamayang gabi.

~~
Mabilis lumipas ang oras at tanghali na.

Inaayos ko ang mga regalo sa malapad na lamesa kung saan nandoon ang mga regalo ng mga staff. Parang christmas party kasi at may monito-monita at sumali kami ni tatay.

"Young lady, nandito po si Sir Aidan." Sabi sa akin ng isang katulong at tumango ako't nagpasalamat.

Iniwan ko muna ang ginagawa ko at pumasok sa mansyon. Nandoon si Aidan na nakaupo sa sofa at hinihintay ako.

"Merry christmas panget!" Sabi ko at ng makita nya ako ay tumayo sya't niyakap ako.

"Merry christmas din sayo, at sa napakaganda mong bati sa akin. Tch." Sabi nya saka ginulo ang buhok ko.

"Hindi ka ba makikicelebrate sa bahay nyo?" Tanong ko.

"Ah..ganon? Sige, alis na ako. Ayaw mo ata ako dito eh." Nagtatampo-tampuhang sabi nya.

"Sira! Ano nga? Excited ako ngayon eh, ito ang unang pasko na magkasama kami ni tatay." Sabi ko

"Well, we celebrated last night and then Tito Magnus also invited us here at ako lang ang naunang pumunta. Susunod sila papa mamayang gabi dahil dinalaw muna nila sila lola."paliwanag nya at tumango-tango ako.

"Well, punta ka na doon sa labas. May malaking toldang nakatayo doon dahil doon na din tayo kakain ng tanghalian. I'll just go to my father." Paalam ko at tumango sya't pumunta na sa labas.

Hindi na din naman bago dito si Aidan kaya alam na nya ang dadaanan nya.

Umakyat ako sa hagdan at pumunta sa library ni tatay para tawagin sya. Pero bago yun ay pumunta muna ako sa kwarto ko at kinuha ang regalo ko sa kanya.

I took a peek bago ako tuluyang pumasok sa loob and I saw ny father and Steven talking.

Nag-ehem ako para makuha ang atensyon nila.

"Oh? Hija, come in." Sabi nito ng mapansin ako.

Pumasok ako't lumapit sa kanila.

"I'll just tell to Dominic to prepare the contract and I'll give it to you immediately." Sabi ni Steven kay tatay pero umiling lang si tatay.

"You can do that after the holidays, we all need a little break from work. Right Amia?" Sabi ni tatay at tumango ako ng nakangiti.

"Well then. I will leave the two of you for now." Sabi ni Steven at nakita kong tumingin sya sa akin pabalik kay tatay saka lumabas na ng library.

The Princess And The Butler [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon