Ten

25.2K 563 2
                                    

Back to School

Kailee's POV

"Ayos lang po ba kayo young lady?" Nananatyang tanong sa akin ni Ella.

"Naiinip ako, hindi kasi ako sanay na walang ginagawa." Angal ko.

Dalawang araw ang lumipas simula ng ayusan ako ng team ni Ms. Mariella. Hindi ko rin nagawang makausap si tatay dahil nagkaroon ito ng biglaang meeting. Si sungit naman ay hindi ko din nakikita na dahil busy daw ito at umalis ng bansa.

Napatingin kami sa pinto ng kwarto ko ng marinig na may kumatok ng tatlong beses at binuksan ang pinto. Doon pumasok si Pamela na mukhang tuwang-tuwa.

"Young lady! Nandito na po ang daddy nyo." Agad akong napaupo at dali-daling inayos ang buhok na magulo gamit ang kamay saka lumabas ng kwarto at patakbong tinahak ang malawak na hallway.

"Young lady! Huwag po kayong tumakbo, baka mapano po kayo!" Habol ng dalawa kaya napatigil ako, may naisip din kasi akong ideya dahil tutal naman ay magtatanghalian na.

Agad akong humarap kina Ella at Pamela na agad napahinto ng humarap ako.

"Pwede nyo ba akong samahan sa kusina?" Malaki ang ngisi kong tanong.

"Oo naman po young lady, kami ang nakatalagang mag-asikaso sa inyo at masaya po namin kayong susundin at tutulungan sa oras ng pangangailangan." Sabi ni Pamela na ikinangiti ko.

Agad akong natuwa, sa mga lumipas kasing araw ay sila talaga ang madalas kong kasama, si Ms. Teressa naman ay madalang ko lang makasama dahil sya ang head ng mga maids dito sa mansyon.

"Salamat! Pwede naman siguro akong tumulong sa paghahanda ng tanghalian diba?" Sabi ko habang patuloy na naglalakad pababa ng hagdan.

"Po??" Tanong ng dalawa na ikinakunot ng noo ko.

"Bakit? Hindi pwede?" Tanong ko na agad nilang ikinailing.

"Hindi naman po young lady, pero baka kasi mahirapan kayo. Saka may mga chefs naman po ang mansyon na nagluluto." Pakiwanag ni Ella.

"Ahh..hindi yan, saka gusto ko sanang maranasang maipagluto si tatay habang nandito sya. Ah! Tama! Mauna na kayo sa kusina at pupunta muna ako sa opisina nya para maitanong kung anong gusto nyang ulam." Sabi ko sa kanila at hindi ko na sila hinintay at umakyat ulit sa malawak na hagdanan papunta sa second floor ulit para pumunta sa opisina nya.

Napapreno ako sa pagtakbo at inayos ang dress na suot ko, isa sa mga pinalitan nila sa pananamit ko, pero ah! Hayaan na. Lumapit ako sa pinto ng opisina ni tatay at kumatok ng tatlong beses.

"Come in!" Rinig kong sabi nito kaya binuksan ko ang isang pinto ng dahan-dahan saka sumilip muna sa pinto bago pumasok.

"Oh? Amia anak, pasok ka."sabi nito sa akin at iyon nga ang ginawa ko. Pumasok ako at lumapit sa couch kung saan sya nakaupo, doon ko lang din napansin ang likod ng lalaking matagal ko ng hindi nakikita.

Nakabalik na pala so sungit? Hindi pa nya ako nakikita dahil nakatalikod sya sa akin. Psh.

Naglakad ako papalapit sa kinaroroonan ni tatay na may mga papeles na hawak maging sa coffee table sa tapat nya.

"Dito ka na maupo." Sabi nito at naupo ako sa tabi nya.

Pagkaupo ko ay napansin kong nakatitig sa akin si tatay saka nya inayos ang buhok ko't inipit ang isang hibla sa aking tenga.

"Kuhang-kuha mo ang hugis ng mukha ng iyong ina. Ang ganda talaga ng anak ko." Sabi nito na agad kong ikinatawa at naiiling na binalingan ulit ang aking ama.

The Princess And The Butler [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon