Thirty Three

22.3K 554 16
                                    

MU

Kailee's POV

Parang kami pero para ring hindi.

He steals kisses.

He holds my hand.

He tells me he's jealous when some other guys are around.

Pero walang tawag sa kung anong meron kami, MU siguro, pwedeng magulong ugnayan, at ako bilang babae na syang nag-iisang sigurado sa nararamdaman ko, I let him do all those.

Hindi ko sya tinanong, hindi ko rin sya gustong i-open na topic, dahil natatakot ako na kapag ginawa ko, magulo lang lalo ang magulo na naming ugnayan sa isa't-isa.

Naisip ko, if I can love him freely like this, siguro okay lang na kahit ako pa lang ang nagmamahal. I can help him with my love, for him to heal all his wounds in his past.

Siguro okay na muna na ako lang ang nakakaalam na may nararamdaman ako para sa kanya, siguro okay lang namang hayaan ko na muna sya sa gusto nya habang tinatry kong tulungan sya.

Dahil kung ganito ako kalapit sa kanya, I can make him open up his secrets para mas matulungan ko sya.

"What are you thinking?" Tanong ng boses sa likod ko kaya naalis ang pangangalumbaba ko.

"Wala naman. Nga pala, anong una kong magiging trabaho? May gagawin ba ako?" Tanong ko sa kanya.

It's tuesday today, naipakilala na ako ni tatay sa Park Empire kahapon and it went well. Ngayon ay tuesday so sa opisina ako ni Steven at sisimulan ko na ang pagiging intern.

He put a table and chair sa loob ng opisina nya sa may tabi ng floor to ceiling glass window kung saan wala ng ibang katapat na building at tanaw na tanaw ang lawak ng metro sa ibaba para doon ako magoopisina. Sinabi ko ng kahit isama nya ako sa mga empleyado nya sa ibaba pero hindi sya pumayag.

He said he could watch over me kapag nasa malapit ako at ng masiguro nyang hindi ako maglalakatwatsa lang.

Like that would happen eh kahit saan ay may nakasunod sa aking bodyguards.

"Get me some coffee." sabi nito na ikinasimangot ko.

"Psh. hindi mo naman ako sekretarya ah?" angal ko pero he shrugged his shoulders.

"Get two coffee, you can make it over there." sabi nito saka itinuro ang snack area sa loob ng opisina nya.

Actually, ako muna ang magiging sekretarya nya, sakto daw kasi na nakaleave ang secretary nya sa hotel na never ko pang na-meet. Sadyang tinatamad pa akong gumalaw lalo na at nakatakong na naman akong sapatos.

I made two cups of coffee saka inilagay sa harapan nya ang mga ito.

"Now let's start." sabi nito sa akin at pinaupo ako sa upuan sa harapan ng mesa nya.

"Analyze these papers, make a report out of them on what you think about it and answer it if there are indicated questions, then submit it to me this afternoon." sabi nya as he handed me papers na ga-one inch ang kapal.

Malugod ko namang tinanggap at bumalik ako as lamesa ko na dala din ang isang kape at sinimulang basahin ang mga binigay nya. Its a report about the usual rants and problems of clients, mga karaniwang naeencounter na problema ng hotel at  may mga scenario din na nakalagay and the question was how will you deal with it. I got my pen at sinagutan ang mga katanungan, ang layo ng course ko dito pero nakatulong naman ang mga lessons na ibinibigay nya so hindi na ako masyadong nahihirapan.

If it is written, that is, pero syempre mahirap na kapag nasa mismong sitwasyon ka na.

Abala lang ako sa pagbabasa at pagsusulat, minsan may mga mahihirap na sitwasyon talaga kaya napapanguso na lang ako sa kakaisip kung anong magandang gawin. Inilagay ko na lang ang tingin kong tama at ng matapos ako I used my laptop na regalo ni tatay saka ako nagpunta sa Word para i-type ang mga sagot at recommendations ko.

The Princess And The Butler [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon